PLANS "Anong nangyari?" tanong ng kanyang ina. Agad siya nitong dinaluhan at niyakap. Habang si Nikki naman ay inalalayan si Phoenix na maupo at sinimulang pagalingin ang kanyang mga sugat. "Paano mo nagawang kunin si Phoenix?" Nagtatakang tanong ng hari. Lalo siyang napaiyak kaya naman itinakip na lamang niya ang dalawang palad sa mukha. "Plano kong pumunta sa kaharian ng mga dark wizard mag-isa upang iligtas siya," simula ni Sabria ng kumalma siya. "What?! Nag-iisip ka ba, anak? Paano kung napahamak ka?!" sigaw sa kanya ng kanyang ama. "Papunta na sana ako doon ng biglang sumama din si Diel," patuloy niya na nagpabaling kay Jana at Clyde. "Sumugod kami doon ng kaming dalawa lang." "No!" malakas na sigaw ni Jana at nagsimula na ring umiyak. Marahil ay nahulaan na ang sunod na nangya

