Princess Juliana Point of view Nagising ako dahil sa kalabit ni Justin saakin. "Anjan na sila, Jana." Gising niya saakin. Dumilat ako at tinignan ko ang oras sa cellphone ni Jd. "4 am na? Asaan yung kinausap mo kahapon na tutulong saatin?" Tanong ko sa kanya. Tumango tango lang siya saakin at sabay umupo sa upuan. "Princess!" Rinig ko na sumigaw papasok sa loob ng room. Agad tumakbo si Jana at Jenelle papunta saakin. "Kamusta kayong dalawa dito? Buti nalang maaga kami pumasok, at hindi kayo nakita ng ibang students at ibang head dito." Sabi ni Jenelle. "Saan nyo pala nakuha yung susi?" Tanong ni Justin kila Jana at Jenelle. "Sa baba, buti anjan na yung security guard, ano uuwi ba muna kayo? Ikaw Princess, uuwi ka ba? Kumuha na kasi kami ng damit." Sabi ni Jana saakin. "Sa co

