CHAPTER TEN

1712 Words
Ten years ago... MASAYANG pumasok ng bahay nila ang sampung taong gulang na si Payton, bitbit-bitbit niya ang MVP trophy niya para sa ginanap na football game sa school nila. Excited na siyang ipakita 'yon sa nanay niya. Tiyak na matutuwa ito dahil meron na rin siyang trophy kagaya ng ate niya. Because her Ate always brings back trophies.  Nadatnan niya ang ina sa may living room, lalapitan na sana niya ito nang bigla na lang bumukas ang pintuan at humahangos na tumakbo ang ate niya palapit sa kanilang ina at niyakap ito. Pinakita nito ang isang papel sa ina.   "Mom look, I've got accepted into MIT!" excited na wika nito.  "Really?" kinuha ng ina ang hawak nitong papel mula dito at binasa 'yon. Nang matapos ay ito naman ang yumakap sa ate niya. "I knew you could do it. Ang galing-galing naman talaga ng anak ko. I'm so proud of you, Piper."  Nainggit naman siya dahil sa tagpong nakita, kaya nagdesisyon siya na lumapit na rin sa ina. She tugged at her skirt. "Mommy," tawag niya dito.  Bahagya lamang siya nitong sinulyapan. "Payton, mamaya ka na mangulit. And please, take a bath. Ang dumi-dumi mo."  "But Mommy, look I brought you something," wika niya as she kept tugging on her skirt.  "Payton, I said 'wag kang makulit." Tinabig nito ang kamay niya na naging dahilan para mabitiwan niya ang dalang trophy. Nalaglag 'yon sa sahig, and because it was made of glass, agaran 'yong nabasag.  Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. It was a proof of her hard-work pero binale-wala lang 'yon ng ina. Labis siyang nalungkot sa isiping 'yon at hindi na niya napigilang umiyak.  Naramdaman niya ang paghawak ng ate niya sa kanyang balikat. "Payton--"  Lumayo siya dito. "I hate the both of you!"  Umiiyak na tumakbo siya palabas ng bahay. Narinig pa niya ang pagtawag ng ate niya sa kanya pero hindi niya 'yon pinansin, patuloy lang siya sa pagtakbo. Galit siya sa ate niya dahil ito na lang palagi ang pinapansin ng nanay nila, pero mas galit siya sa nanay niya dahil kahit minsan hindi nito pinaramdam sa kanya na mahal siya nito. Palagi na lang ang ate niya. Ang napakagaling niyang ate. Ang perpekto niyang ate.  Sa kanyang pagtawid hindi niya napansin ang isang mabilis na paparating na sasakyan. Bumusina ito pero hindi niya maigalaw ang mga paa para makaalis doon. Ang tanging nagawa na lamang niya ay pumikit. Hanggang sa maramdaman na lamang niya ang isang malakas na pwersa na tumulak sa kanya. Iminulat niya ang mga mata at nakita niya ang pagtama ng unahan ng kotse sa katawan ng ate niya.  Hindi na niya matandaan kung ano ang sunod na nangyari noon. Pero tandang-tanda pa niya ang puno ng panaghoy na sigaw ng ina. Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay nagkulong na sa kwarto nito ang ina. Hindi ito lumalabas, wala din itong kinakausap na kahit na sino. Pero isang araw ay hindi na siya nakatiis at kinausap na niya ito. Pinakita niya dito ang perfect score niya sa exam ng isa niyang subject. Ngumiti ito nang makita ang test paper niya at tinanong siya kung sa kanya ba 'yon. 'Yon ang kauna-unahang beses na nakakuha siya ng reaksyon mula dito pagkatapos mawala ng ate niya kaya labis ang tuwang naramdaman niya. Gano'n din ng ama.  Kinausap siya nito at sinabi na dapat ay mas mag-aral pa siyang mabuti para tuluyan nang gumaling ang nanay niya. And that's what she did. She strived harder. She did everything to be the best. Unti-unti ay lumalabas na ng kwarto nito ang ina, nagsisimula na rin itong makihalubilo sa ibang tao. And when her elementary graduation came at siya ang naging valedictorian, bumalik na ito sa normal. Proud na proud itong umakyat sa stage para sabitan siya ng medalya.  Akala niya ay magiging maayos na ang lahat. Pero doon siya nagkamali. When she only got second place at a spelling bee contest, nagulat siya ng pagdating niya sa bahay ay bigla na lang siya nitong sinampal. Paulit-ulit nitong sinabi sa kanya na kahit kailan ay hinding-hindi siya magiging kagaya ng Ate niya, kulang na nga lang ay sabihin nito na sana ay siya na lang ang namatay at hindi ang ate niya. Hindi na niya matandaan kung gaano karaming luha ang tumulo sa mga mata niya ng araw na 'yon. But it still hurt as if it just happened yesterday.  Sinabi sa kanya ng ama na nagawa lang 'yon ng ina dahil sa labis na stress at pagod. That she didn't mean anything that she said. Pero nang muli na naman siyang magkamali ay naulit na naman ang pangyayaring 'yon. Sinaktan na naman siya nito. Sa bawat pagkakamali niya, o sa tuwing may naririnig itong hindi maganda tungkol sa kanya, sinasaktan siya nito. Hanggang sa tuluyan na ring tumigil ang ama niya sa pagpapaliwanag ng mga nagiging aksyon ng ina.  Noon niya naunawaan na hindi bumalik sa normal ang ina. Na kaya lang ito lumabas ng kwarto nito ay dahil sa inakala nito na magagawa niyang palitan ang kapatid niya. That's why everytime she disappoints her ay sa kanya nito nilalabas ang lahat ng galit nito sa pagkamatay ng Ate niya.   Pero kahit na ano pang gawin nito, kahit na paulit-ulit pa siya nitong saktan, hindi niya ito magawang kamunghian. Dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, ito pa rin ang nanay niya. At sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. PAYTON'S mother literally dragged her inside their house. Halos matumba siya nang pabalang siya nitong binitawan.   "Sabihin mo nga, ano ba talagang pumasok d'yan sa utak mo at sumama ka sa gano'ng klaseng lalaki? At talagang nagsinungaling ka pa sa 'kin. Aminin mo, ilang beses ka ng nagsinungaling sa 'kin para lang makasama mo ang lalaking 'yon?" Hinawakan nito ang magkabila niyang braso at niyugyog siya. "Sumagot ka!"  Puno ng galit ang mukha ng ina at alam niya na sa puntong 'yon kahit na ano pang sabihin niya ay tiyak na hindi lang ito maniniwala. She was sure that her mother's mind was so clouded with anger na hindi na nito alam kung ano ang tama sa mali. Kaya naman nagdesisyon siya na manahimik na lamang at tanggapin ang lahat ng sasabihin nito. Tiyak naman niya na lilipas din ito at bukas ay babalik din ito sa dati. Pero hanggang kailan niya hahayaan na magpatuloy ang ganito?  "Naputol na ba ang dila mo, ha? I told you to answer my question! Ilang beses ka ng nagsinungaling sa 'kin? Sagot!" sigaw nito na patuloy pa rin sa pagyugyog sa kanya.  "O-only this time, Mom. Maniwala kayo," napilitan na niyang wika.  "Sinungaling!" At ubod ng lakas siya nitong itinulak.  Sa lakas ng pwersa ng pagkakatulak nito sa kanya ay tumama ang likudan niya sa isa sa mga vase na nando'n sa living room. Natumba siya kasabay ng paglaglag at pagkabasag ng vase. Napatuon ang palad niya sa isa sa mga nabasag na piraso ng vase. Tiningnan niya ang nagdurugo niyang palad at pagkatapos ay ang nabasag na vase. The broken pieces reminded her of that MVP trophy. Ang tropeo na pinaghirapan niyang makuha pero binalewala lang ng kanyang ina. Ang bagay na 'yon ang nagmulat sa bata niyang isip that nothing she do would be enough. She would never be enough.  Hindi pa rin nagbabago ang katotohanang 'yon hanggang ngayon. Hindi pa rin sapat ang mga ginagawa niya. But like the fool that she was, umaasa pa rin siya na maaambunan siya ng ina ng kahit kaunting pagmamahal. Even half of the love she gave for her sister would be enough for her. But she needed to face reality now. Because she just can't continue living like this. Kapag hinayaan pa niya na magpatuloy ito, baka dumating yung araw na tuluyan na talaga niyang kamunghian ang ina.  "You're just a poor imitation of your sister! Hindi ka man lang ba nahihiya sa kanya? She save your life and this is how you repay her? By being an embarassment? Kahit kailan talaga hindi ka magiging katulad niya!"   Dahan-dahan siyang tumayo. Gusto niyang tumawa ng malakas, but at the same time, she just wanted to cry all this hurt out, all this pain. Hindi na talaga niya kaya. "Tama kayo, I will never be like Ate. Because I'm not her. I can never be like her. Kaya 'wag niyo na siyang hanapin sa 'kin. Dahil wala na siya. Patay na si Ate at kahit kailan hinding-hindi na siya babalik!"   Isang malakas na sampal naman ang naging tugon nito sa kanya. "Shut up!"  Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili niya na mapaiyak. "How long will you hold on to her memories? Hanggang kailan niyo ipapasa sa 'kin ang mga expectations niyo sa kanya? Hanggang kailan niyo ako sasaktan bago kayo makuntento?" At hindi na niya napigilan ang tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha. "Hindi lang si Ate ang anak niyo. Nandito pa ako. Nandito rin ako. Pakiusap, kahit ngayon lang, tumingin naman kayo sa direksyon ko. Baka sakaling ma-realize niyo na anak niyo rin ako."  Hindi na niya hinintay na magsalita ito at tumakbo na siya palabas ng bahay. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala. Pero mas matindi ang kagustuhan niya na lumayo sa lugar na 'yon. To get away from that place as far possible. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya alam kung paano pipigilan ang sakit na nadarama. At patuloy lang siyang tumakbo.  Sa mga sandaling 'yon ay isang tao lang ang gusto niyang makita. Si Riven. If it was him, she knew he can ease her pain. Even just a little. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at sinimulang i-dial ang numero ng binata, hindi iniinda ang nagdurugo niyang kamay.  "Payton? Ayos ka lang ba? Nakauwi na ba kayo sa inyo?" sunud-sunod na tanong nito. Mababanaag sa boses nito ang labis na pag-aalala.  "Riven, puntahan mo ako. Please get me out of here."   "Nasaan ka? Pupuntahan kita agad. Just--"  Hindi na niya narinig ng maayos ang mga sumunod nitong sinabi dahil sa sunud-sunod na malakas na pagbusina sa may gilid niya. Lumingon siya at nasilaw sa liwanag na nagmumula sa headlights ng isang sasakyan. And that's when everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD