RIVEN was pacing restlessly. Nasa ospital sila ni Jax at hinihintay ang resulta ng surgery ni Payton. Nang tumawag ito sa kanya kanina at marinig niya ang malakas na pagbusina ng isang sasakyan bago ito mawala sa linya ay kinutuban na siya. Mabuti na lamang at on the way na rin sila ni Jax papunta sa bahay ng dalaga. Matapos kasi niyang masaksihan ang naging trato ng nanay ni Payton dito ay pinilit niya si Jax na dalhin siya nito sa bahay ni Payton. Ginamit nila ang kotse nito dahil naiwan niya sa bar ang bigbike niya. Pero bago pa man sila makarating sa bahay nina Payton ay natanggap niya ang tawag nito.
Halos agawin na niya kay Jax ang manibela para lang mas mabilis nilang mapuntahan ang dalaga. Huminto lang sila nang makita nila ang isang ambulansiya hindi kalayuan sa bahay ng mga ito. Nanginginig na ang buong katawan niya nang bumaba siya ng sasakyan para tingnan kung ano ang nangyari. At kusang bumigay ang tuhod niya nang makita niya ang duguang katawan ni Payton na isinasakay sa ambulansiya. It felt like he was being torn into pieces. Hindi magawang iproseso ng utak niya ang nangyayari. Kung wala siguro doon si Jax ay baka nanatili lang siyang nakatulala at nakatitig sa papaalis na ambulansiya.
Agaran silang sumunod sa ambulansiya. Dinala ng mga ito si Payton sa pinakamalapit na ospital. Sa kabuuan ng biyahe ay sobrang lakas ng t***k ng puso niya. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa sobrang pag-aalala. At isang bagay din ang naging malinaw sa kanya. He loved Payton. God, he loved her so much that if something happened to her it will surely kill him. No, it will destroy him. Na mas nanaisin pa niyang mamatay kesa mabuhay ng wala ito. That's the extent of his feelings for her. At labis siyang nagagalit sa sarili na kailangan pang may mangyaring ganitong bagay bago niya 'yon mapagtanto.
"Will you stop pacing, Riven? Ako ang nahihilo sa 'yo eh," wika ni Jax, who was obviously on edge like him.
"Pabayaan mo na lang ako, pwede?" at nagpatuloy siya sa pagpaparoo't-parito. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ng isa sa mga paramedic na nagdala kay Payton sa ospital.
Sabi daw ng driver na nakabangga kay Payton ay bigla na lang tumawid ang dalaga sa kalsada kaya naman hindi ito agad nakapagpreno. But he knew how careful Payton was. Hindi ito basta-basta tatawid ng daan ng hindi man lang tinitingnan kung may padating na sasakyan.
"Ano sa tingin mo ang nangyari that made Payton so careless to the point that she was even hit by a car?" tanong niya kay Jax.
Mataman siyang pinagmasdan nito, waring nag-iisip kung sasagutin ba nito ang tanong niya o hindi.
"If you know something, just answer me!"
Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago nagwika, "You saw how her mother treated her back at the station. Malamang sa hindi, nang makauwi na sila, tiyak na sinaktan na naman niya si Payton."
Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Everytime Payton upsets her mother, sinasaktan siya nito. Kahit na gaano pa kaliit na bagay 'yon, basta hindi nagustuhan ni Tita, sinasaktan niya si Payton."
Pilit na pinoproseso ng utak niya ang sinabi nito. Akala niya nang makita niya ito na muntikan ng sampalin si Payton ay dahil lang sa nabigla ito na makita ang anak sa presinto. He never thought that it was something she usually does. Nakuyom niya ang kamao. "You mean, Payton is being abused by her own mother?" maski siya ay nahirapan na bigkasin ang mga sinabi.
Nag-iwas ito ng tingin bago tumango.
Napatiim-bagang siya. "Since when?"
At sinimulan nitong ikwento sa kanya ang tungkol sa pagkamatay ng kapatid ni Payton at ang mga pangyayari na sumunod pagkatapos no'n. Kung paano sinibukan ni Payton na maging kagaya ng kapatid nito at kung paano sa tuwing nagkakamali ang dalaga ay sinasaktan ito ng nanay nito. And how her father turned a blind aye over everything. Nang matapos si Jax sa pagkukwento, he was already gritting his teeth because of so much anger.
Ngayon naiintindihan na niya kung bakit pinipilit ni Payton na maging perpekto. Kung bakit pinipigilan nito ang sarili na ipakita ang tunay na ito sa harapan ng ibang tao. At kung bakit ganoon na lang ang pagpupumilit nito na isama siya sa medical mission. Dahil kung tumanggi siya ay tiyak na may masamang masasabi dito ang chancellor. It will reflect badly on her. Hindi 'yon magugustuhan ng nanay nito. At muli lang nitong sasaktan si Payton.
"You know about this and yet you did nothing?" galit na wika niya kay Jax. Alam niya na wala naman itong kasalanan pero kailangan lang niya talaga na may paglalabasan ng galit. Kung hindi ay baka magwala na lang siya doon.
Tumayo na rin ito, he was every bit as angry as he was. "Akala mo ba gusto ko yung nangyayari? Payton is like a sister to me! Alam mo ba yung pakiramdam na nakikita mo yung isang tao na mahalaga sa 'yo na nasasaktan pero wala ka namang magawa para tulungan siya? Alam mo ba kung ilang beses ko na siyang niyaya na sumama na lang sa 'kin at umalis sa bahay na 'yon? Napakadaming beses na! Pero paulit-ulit lang siyang tumatanggi. Because she loves her mother." Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito. "Ilang beses ng pumasok sa isipan ko na i-report sa awtoridad o sabihin sa kahit na sinong maaaring tumulong sa kanya ang nangyayari, but that thought always stopped me. Now, I don't even know kung tama ba ang naging desisyon ko."
Gusto niyang sabihin dito na mali ang naging desisyon nito. Na kung siya ang nasa posisyon nito, he would do everything to protect Payton. Hindi siya magdadalawang-isip na ipakulong ang kahit na sino na nananakit dito. Pero alam niyang prinotektahan nito si Payton sa tanging paraan na alam nito. And that was by being her friend and staying by her side. For that, he would always be thankful.
"I'm sorry," tanging nawika niya.
Akma na sana siyang lalabas muna ng ospital para magpalamig ng ulo nang makita niya ang isang lalaki na humahangos palapit sa kanila. Hindi na niya kailangang magtanong para malaman kung sino ito. The family resemblance was enough to know that it was Payton's father. Ang tatay nito na wala man lang ginawa habang sinasaktan si Payton ng asawa nito. At muli na naman siyang napuno ng matinding galit.
"I came as soon as I heard what happened. Kumusta si Payton?" tanong nito kay Jax.
"Do you even care?" hindi niya napigilang wika.
Nakakunot ang noong bumaling ito sa kanya. "And you are?"
Hindi niya pinansin ang tanong nito. "Alam mo ba kung bakit nandito ngayon si Payton? Nasagasaan siya because she ran away from your house. Palayo sa asawa mo na sinasaktan siya." Halata namang nagulat ito sa sinabi niya. "Paano mo nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi knowing that your wife hurts your own daughter? Paano mo nagagawang magbulag-bulagan sa mga nangyayari? Hell, how can you even call yourself a father?"
Napatiim-bagang naman ito. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan. 'Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat."
"Hindi ko na kailangan pang malaman ang lahat ng detalye para masabi ko ang mga bagay na 'to. Dahil isang detalye lang naman talaga ang mahalaga. The fact that you are her father. Being her father means you have to protect her. Not let her be hurt!" Halos bumaon na ang kuko niya sa kanyang palad dahil sa labis na pagkakakuyom ng kamao niya. "After Payton's surgery, I will take her away. Hinding-hindi ako papayag na bumalik pa siya sa bahay niyo. I will not let you or your wife hurt her again."
With that, naglakad na siya palayo sa mga ito. Dumiretso siya sa tapat ng operating room kung saan inooperahan si Payton. And made a silent prayer. Please, Payton. Please, be safe. Ipinapangako ko sa 'yo, I will protect you. I won't let anyone hurt you. So please, come back to me. Please give me the chance to tell you how much I love you. Napapikit siya ng mariin. If there is really a God there listening to me, please save Payton. Please, let me have her. I beg you.
At hindi na niya napansin ang pagtulo ng sarili niyang mga luha.
NANANAKIT ang buong katawan ni Payton. Pakiramdam niya ay may mabibigat na bato na nakapatong sa mga mata niya dahil hindi niya magawang imulat 'yon. Pero wala siyang pakialam. She wanted to go back to sleep again, back to that wonderful dream she's having. Pabalik sa malawak na hardin na 'yon kung saan masaya silang naglalato ng Ate niya.
Pero nang maramdaman niya ang masuyong paghaplos ng isang palad sa pisngi niya at ang pagtawag ng isang baritonong tinig sa kanyang pangalan, she suddenly felt the urge to wake up. To look at the face of the owner of that so familiar voice. Kahit mahirap ay pilit niyang iminulat ang mga mata. Then she saw him. His handsome rougish face and those impossible brown eyes. Her heart immediately ached at the sight of him.
"Riven," she said in a hoarse whisper.
Dinala nito ang kamay niya sa mukha nito and kissed her palm. "Thank God, thank God you're awake," nakapikit ng mariin na wika nito.
Kahit na medyo nahihilo pa rin siya, she could still see how his body was shaking. Like a huge weight was lifted from his shoulder dahil sa pag-gising niya. "W-what happened?"
Ang amoy ng gamot at ang puting paligid immediately told him na nasa ospital siya. Pero hindi niya matandaan kung paano siya napunta doon.
"You were hit by a car," humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Kinailangan kang operahan. Madaming dugo ang nawala sa 'yo, you have three broken ribs, and a severe concussion. I thought I've lost you."
Dahil sa sinabi nito ay saka lang niya naalala ang mga pangyayari. Ang pagtakbo niya mula sa bahay nila, ang malakas na pagbusina, ang nakakasilaw na liwanag, at ang pagtama ng kung anong mabilis na bagay sa katawan niya. So she had been hit by a car. Bumaling siyang kay Riven. He was still gripping her hand tightly. Mukhang labis talaga itong naapektuhan sa nangyari sa kanya. She gave him a weak smile.
"But I'm still here. Hindi mo ba alam yung kasabihan na matagal mamatay ang masamang damo?" pagbibiro niya dito.
Umupo ito sa tabi ng kama niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Ngumiti ito sa kanya, the gentlest smile she had ever seen on him and it just made her heart skipped a beat.
"H-how long was I out?" tanong niya.
"A month."
Nagulat naman siya sa naging sagot nito. Akala niya nung umpisa ay nagbibiro lang ito but after seeing the seriousness on his face, she knew he was not joking. Para namang biglang sumakit ang ulo niya dahil sa narinig. Isa lang kasi ang ibig-sabihin ng sinabi nito. She was in a coma. "A month," mahina niyang usal.
"Sinabi ng doktor na wala daw kasiguraduhan kung kailan ka magigising. It might take months, even years. Kaya nga sobra-sobra ang kasiyahan na nadarama ko ngayon dahil nagising ka na." Idinampi nito ang palad sa pisngi niya and smiled that gentle smile at her. "Just finally hearing your voice again is enough to make me happy."
She leaned on his palm, savoring the feel of his hand on her cheek. "Oh Riven."
Dahan-dahan naman nitong ibinaba ang mukha sa kanya hanggang sa tuluyan nang dumampi ang labi nito sa kanya. Napapikit na lamang siya. His lips were warm and sweet. Panandalian lamang naghinang ang kanilang mga labi and yet, to her, it felt like eternity. Nang i-angat nito ang mukha, his brown eyes were full of warmth. And what he said next almost made her cry.
"I love you."
Three simple words and yet it pierced inside her like no other thing did. Pakiramdam niya ay parang bigla siyang nilipad sa alapaap dahil sa sobrang kaligayahan. Its like a dream come true. A dream that turned into reality. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng binata and saw love in those impossible brown eyes. Sapat na 'yon para mapuno ng luha ang kanyang mga mata.
"Y-you really do?"
"Yes. Kung pwede nga lang kitang pakasalan ngayon din, ginawa ko na. If that's the only way for me to make sure that I could have you for this lifetime." Tuluyan na siyang napaiyak. Agad namang pinahid ni Riven ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya. "Sshh, don't cry sweetheart. Alam ko hindi ito ang ideal na pagkakataon para sabihin ko sa 'yo ang tungkol sa nararamdaman ko. But I can't wait for another day to tell you what I feel for you. I already waited for a month and I'm not waiting anymore."
Marahan siyang umiling. "I'm glad you did." Itinaas niya ang kamay at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya. "Because I also love you. So much."
Kitang-kita naman niya ang biglaan nitong pamumula. Gustung-gusto na niyang matawa dahil sa itsura nito. Pagkatapos nitong sabihin ang lahat ng bagay na 'yon sa kanya ay ngayon pa ito namula. "T-totoo? You really feel the same way?"
Napangiti naman siya. Oh how she loved this man. "Wala namang dahilan para magsinungaling ako. But if you want a more profound declaration of love then I will gladly give it to you."
Ngumiti na rin ito at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "No, this is enough."
For a moment she was the happiest girl in the world, hanggang sa maalala niya ang kanyang mga magulang.
"Riven, sina m-mommy at daddy?"
Bigla namang nagdilim ang mukha ng binata nang banggitin niya ang mga magulang. And somehow she knew na alam na ni Riven ang tungkol sa sitwasyon niya regarding her relationship with her parents.
"Laging nandito ang daddy mo since ospital niyo naman 'to. Actually nandito siya awhile ago, umalis lang siya dahil kailangan siya sa O.R. Good thing too, at least ako lang ang una mong nakita pagkagising mo."
Ginagap naman niya ang palad nito. "Riven, kahit na ano pang nalaman mo, please don't think bad about my parents."
He gave her a pained smile. "You're just too kind for your own good, alam mo ba 'yon?"
Nginitian lang niya ito. "Eh si M-mommy? Kumusta siya? Galit pa rin ba siya sa 'kin?"
"I think it's best if you ask your father that."
Pagkawika nito no'n ay bigla na lang bumukas ang pintuan ng hospital room niya at pumasok ang kanyang ama. Napatda ito sa paglalakad nang makitang gising na siya. Pero agad din naman itong nakabawi at mabilis na lumapit sa kama niya. Hinawakan nito ang kamay niya. "You're awake, you're awake," mangiyak-ngiyak nang wika nito. "Thank God."
"Hi Dad."
"I'll leave the two of you," wika ni Riven na bago pa siya makasagot ay lumabas na ng kwarto.
"Si Mommy po?" tanong niya sa ama.
There was a pained expression on his face before he managed to answer her. "I decided to admit her in an institution kung saan siya mas matutulungan at mas maaalagaan."
Hindi naman niya naintindihan ang sinabi nito. "A-anong ibig niyong sabihin?"
"Pagkatapos niyang malaman ang nangyari sa 'yo, s-she, she had a mental breakdown. Nagwala siya, sinira niya ang lahat ng bagay na nakapaligid sa kanya. It was much worse than what happened when your sister died. She was beyond consolling. Wala akong ibang nagawa kundi bigyan siya ng sedative para lang kumalma siya. But the next morning, I- I found her trying to slit her wrist. K-kung nahuli lang ako ng kaunti, she might've killed herself," sa puntong 'yon ay pumiyok na ang boses nito, and she knew her father was on the verge of crying. "And that's when I realized that she's already beyond me. Maybe she was already beyond me since the moment Piper died. Kung noon ko pa sana napagtanto ang bagay na 'yon, then maybe you wouldn't have to suffer so much."
Lumuhod ito sa tabihan ng kama niya, still holding her hand. Naramdaman niya ang pagtulo ng kung anong malamig na bagay sa kamay niya, and she knew her father was crying. "Isa akong doktor and yet I ignored all the signs of her being unstable. Nabulag ako sa labis kong pagmamahal sa kanya. To the point that I kept on convincing myself that there's nothing wrong. Hanggang sa maski ako ay maniwala na rin sa kasinungalingan na binuo ko sa utak ko. And in return, I let you be hurt. Wala akong ginawa para matigil ang mga nangyayari. There's nothing I could say now that would change the things that happened. I know I'm not fit to be a father, but I hope you could find it in your heart to forgive me."
Hindi na rin niya napigilan na mapaiyak. Kahit mahirap ay pilit siya umupo and she bent low para magawa niyang yakapin ang ama. "I already forgiven you, Dad. A long time ago."
And the both of them cried and cried hanggang sa wala ng luhang lumabas sa mga mata nila.