EPILOGUE

914 Words
Five years later... PUMASOK sa loob ng malaking kwarto si Payton, a bouquet of daisies in her hand. Ibinaba niya ang dala niyang bulaklak at inayos ang pagkakalagay no'n sa isa sa mga vase na nando'n.   "You're here again," said a whimsical voice.  Bumaling siya sa pinanggalingan no'n, nakita niya ang isang babae na nakaupo malapit sa malaking bintana. She was still wearing her nightgown at maayos na nakapusod ang mahaba nitong buhok. It was her mother.  Ngumiti siya dito. "Yes, binibisita ulit kita. Look, dinalhan kita ng paborito mong bulaklak."  Tumayo ito at dagling lumapit sa vase na puno ng daisies at sinamyo 'yon. "Thank you. Lagi mo na lang akong dinadalhan ng mga paborito ko. Ano nga pala uling pangalan mo?"  Isang malungkot na ngiti naman ang sumilay sa labi niya nang marinig niya ang tanong nito. A year later, matapos itong dalhin ng tatay niya sa isang institution to give her the proper professional help, nagdesisyon silang dalawa na dalhin na lang ito dito sa townhouse nila sa Tagaytay. Where her mother could have a peaceful surrounding. Nag-hire sila ng private nurse na titingin dito kapag wala ang tatay niya. Dito na rin kasi umuuwi ang ama. It seemed na hindi rin nito kaya na mawalay sa kanyang ina ng gano'n katagal.  "I'm Payton," sagot niya dito.  "Really? Tingnan mo nga naman, kapangalan mo pa yung bunso ko."  Nawala na ang violent nature ng ina, but she seemed to regressed to that state when she and her sister were still children. Doon sa panahon na buhay pa ang Ate niya. When all of them were still happy.   "Come, I will show you something," wika nito na bigla na lang siyang hinigit palapit sa drawer na katabi ng malaking kama. Kinuha nito mula sa loob ang isang bond paper at pinakita 'yon sa kanya. It was a drawing of two girls laughing and playing. Sa iba siguro ay mukha lang 'yong iginuhit ng isang bata, but to her, it was a masterpiece.   "Who are they?" tanong niya kahit pa nga alam na niya ang sagot.  "They're my daughters. This one is Piper, and this one is Payton." She gave her a big, wide grin. "And I love them both!"  Nangilid ang luha niya dahil sa sinabi nito and it took all her self-control para lang hindi umiyak sa harapan nito. "And I'm sure, mahal na mahal ka rin nila."  Nagtagal pa siya kasama nito hanggang sa mapagod na ito kakakwento at makatulog. Maingat niyang kinumutan ang ina. Hinalikan niya ang noo nito and whispered, "I love you, Mom."  At lumabas na siya ng silid nito.  Pagkalabas na pagkalabas niya ng bahay ay awtomatiko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya nang makita niya ang kasintahan na nakasandal sa tabi ng kotse nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay na nakasuot ito ng coat and tie. But, oh well, he still looked as handsome as ever.  "Riven!" tawag niya dito at dagli siyang lumapit dito. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may meeting ka today kaya hindi mo ako masusundo?"  Nagtatrabaho na kasi ito ngayon sa kumpanya ng pamilya nito. Samantalang siya naman ay nasa huling taon na ng residency niya. Board exam na lang at magiging ganap na siyang doktor.  Riven let out an exasperated sigh. "My father cancelled the meeting. May biglaan kasi siyang appointment. Kung sana sinabi niya agad 'yon sa 'kin eh di sana naihatid kita ngayon dito."  Minasahe niya ang noo nito. "You're scowling again," natatawa niyang wika.  "Kumusta nga pala ang nanay mo?"   "The same as always. Oh she also said that she loves me and my sister."  "Good for you." Bigla nitong hinapit ang beywang niya, pulling her closer to him and gave her a quick peck on the lips. "I'm glad you're happy."  I'm happy as long as you're with me, pero hindi na niya isinatinig ang iniisip. Lalaki lang lalo ang ulo ng binata kapag sinabi niya 'yon dito. Tumingala siya dito. Looking at his handsome face, she knew that this man already became her happiness. And that because of him, she will never be alone and she will never again feel lonely. Not in this lifetime. Not ever.   "Hey, magpakasal na kaya tayo. Ano sa tingin mo?" diretsahang tanong nito.  Kung may iniinom lang siguro siya ng mga oras na 'yon ay baka naibuga na niya 'yon sa mukha nito. "Are you proposing to me?"  "Yeah."  "At hindi ka talaga nag-prepare ng something romantic and you just decided to bluntly ask me?"  "Bakit pa? Iisa lang din naman ang kalalabasan no'n. You will say 'yes'."  Hindi naman niya malaman kung matatawa ba siya o ano. Wala talagang romantic bone sa katawan itong kasintahan niya. Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Itanong mo na lang ulit 'yan kapag nakabili ka na ng singsing at nakapaghanda ka na ng romantic proposal."  "Why? We both know you will say yes."  Tama naman ito, kahit na ano pa sigurong gawing proposal nito, she will say yes. Not that she will ever admit that to him. And so, she just decided to give him a playful smile. "Dahil gusto kong kiligin. At kapag hindi ako kinilig sa proposal mo, maghanap ka na ng ibang pakakasalan."  At pumailanlang sa paligid ang malakas na tawa ni Riven. Tinawid nito ang pagitan nila at sinakop ang mga labi niya. "You're really wicked, but I love you nonetheless."  "I know." - - - WAKAS - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD