MABILISANG binasang muli ni Payton ang mga isinulat niyang sagot. They were having a long quiz on biochemistry, she was checking if all her answer were right. At nang masiguro niya na wala siyang maling isinagot ay tumayo na siya at ipinasa ang test paper sa professor nila. Pagkatapos magpaalam sa guro ay lumabas na siya sa lecture hall.
She pinched the bridge of her nose, umaasa na kahit paano ay mababawasan ang pagkaantok. Kanina pa gustong pumikit ng mga mata niya, kung wala nga lang siguro siyang long quiz ngayon ay baka na-tempt na siyang um-absent. She was just so damn tired.
Bahagya siyang napapitlag nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Walang interes na kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Awtomatiko ang pagsimagot niya nang mabasa niya ang pangalan na nasa caller i.d. It's none other than Riven, ang malaking tinik sa kanyang lalamunan. Balak niya sanang 'wag na lang sagutin ang tawag pero agad ding nagbago ang isip niya. Baka kasi mamaya ay kung anong katangahan pa ang gawin ng lalaking 'yon kapag hindi niya agad sinagot ang tawag nito.
Huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang answer button. "What do you want?"
"Wow, such a nice greeting, good morning to you too," sarkastikong wika nito. "Itatanong ko lang kung natapos mo na yung problem set na binigay ko sa 'yo."
"Do you even need to ask?" wika niya na halos pigilan ang sarili na sigawan ito.
Ang raso kung bakit antok na antok siya ngayon ay dahil sa problem set na pinasagutan nito sa kanya kahapon. It was his assignment on one of his higher Math subjects. Dinemand nito na dapat ay maibigay niya ang sagot sa problem set bukas na bukas din. Dahil hindi naman siya gano'n kagaling sa Math, inabot siya ng madaling araw bago masagutan ang lahat ng mga tanong sa buwisit na problem set na 'yon. Kung siya lang ang masusunod, hindi na siya mag-e-effort para lang sagutan 'yon ng tama. But it was just against her nature to do a half-ass job over anything. Kahit pa nga para 'yon sa walang-kwentang lalaking kausap niya ngayon.
"Oo nga naman, ano nga ba ang panama ng isang simpleng problem set sa number one student ng St. Griffin?" wika nito in that usual condenscending tone of his. "Anyway, kung tapos mo naman na pala 'yon, ibinigay mo na siya sa 'kin. Kailangan ko na 'yon bago mag-lunch. And oh, dalhan mo na rin ako ng maiinom pagpunta mo dito."
At nawala na ito sa linya.
Ngali-ngali na niyang itapon ang cellphone dahil sa sobrang pagkainis. Napaka-kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon para utus-utusan siya. But that's how it was, she became that rascal's errand girl. Wala siyang magawa kundi gawin at sundin ang mga pinapagawa nito sa kanya. Mula sa pagbili ng pagkain at maiinom hanggang sa pag-gawa ng mga reaction paper at pagsagot ng mga problem set. And this has been happening for two weeks now. Ilang linggo pa at hindi na kakayanin ng pride niya na sumunod sa mga pinapagawa nito.
Ipinagpapasalamat na nga lang niya at wala pa itong pinapagawa that would embarass her in front of the whole student body. Kapag kasi nangyari 'yon ay talagang mag-re-retaliate na siya. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa at huminga ng malalim. She only have to endure all these hanggang sa matapos ang medical mission. And when their mission ends, wala nang dahilan para sundin niya ang lalaking 'yon. Thank God sa susunod na linggo na ang medical mission nila. Kapag natapos na 'yon, everything will be back to normal at wala nang dahilan para makihalubilo pa siya kay Riven De Guzman.
But for same unknown reason, bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkadismaya sa isiping hindi na niya makakausap pa si Riven. Pero dagli din niyang pinalis 'yon sa isipan niya. She must have gone crazy for a minute for even thinking like that.
At tinahak na lang niya ang daan patungo sa greenhouse.
MABILIS lang na nahanap ni Payton si Riven sa loob ng greenhouse, nando'n lang kasi ito sa parte kung saan niya ito unang nakita noong una siyang pumunta doon para hanapin ito. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o talagang nakikita niya itong nagbabasa ng isang malaking libro. Lumapit na lang siya dito at tumikhim para kunin ang atensiyon nito.
Nag-angat ito ng mukha. "Hey Payton."
Dagli siyang napasimangot. Nasasanay na kasi ang mokong sa pagtawag sa pangalan niya na animo ba malapit silang magkaibigan. Hindi na lang siya nagsalita at ibinaba na lang sa harapan nito ang problem set na pinasagutan nito sa kanya at ang canned softdrink na pinabili nito. "Iyan na ang mga pinapadala mo. Kung may kailangan ka pa, sabihin mo na agad."
Dinampot nito ang problem set at pinasadahan 'yon ng tingin. "Sigurado ka ba na tama ang mga isinagot mo dito?"
"Iniinsulto mo ba ako? Of course all of the answer there are right," inis nang wika niya.
Ngumisi lang ito sa kanya. "You're that confident?"
"Sino ba ako sa tingin mo? Just like you said, I'm the number one student of this school and I always do things perfectly."
"Whoa, parang masyado yatang lumakas ang hangin dito. May bagyo ba?" wika nito na umarte pa na parang lilipadin ito ng hangin.
"Shut up. Kung wala ka ng ipapagawa, aalis na ko." Akma na sana siyang aalis pero mabilis nitong nahawakan ang kamay niya. She felt a sudden jolt of electricity because of the mere contact. Agad niyang binawi ang kamay na hinawakan nito para putulin ang kung anumang naramdaman niya. Nilingon niya ito. "What?"
"Dito ka muna, wala ka pa namang klase 'di ba?"
Nagulat siya na alam nito na mamaya pa yung susunod niyang klase pero mas nagulat siya na gusto nito na manatili muna siya doon. Hindi niya maintindihan, pero nakaramdam siya ng kakaibang kasiyahan na malaman 'yon. As if she wanted to spend more time with him. At natagpuan na lamang niya ang sarili na dahan-dahang nauupo sa tapat nito. "Paano mo nalaman na wala pa akong klase?" tanong na lang niya para lang malipat sa ibang direksyon ang tinatakbo ng isip niya.
"I saw your schedule inside your planner nung nahulog mo 'yon accidentally last time." Bigla itong ngumisi sa kanya. "Ikaw lang yata ang kilala ko na nilalagay ang class schedule sa loob ng planner nila."
Inirapan niya ito. "Then maybe ako lang ang kilala mo na seryosong pumapasok sa mga klase nila. And in relation to that, bakit nga ba pinapagawa mo pa ako ng reaction papers at problem sets eh hindi ka naman pumapasok sa klase mo?"
Bago siya sinagot nito ay binuksan muna nito ang softdrink na binili niya para dito at ininom 'yon. "Hey, I'm trying really hard to lessen the number of my absences."
Tiningnan niya ito na para bang may sinabi itong isang biro na hindi naman nakakatawa. "Seryoso ka ba?"
"Oo. Ayoko nang maulit yung nangyari last year na bigla na lang akong binagsak nung isang professor dahil lang madalas akong um-absent. Tapos papasamahin niya ako sa medical mission niyo para lang ipasa niya ako. Kaya nga sinusubukan ko na ring magpasa ng mga assignment na binibigay ng mga prof ko ngayong sem. Ayoko rin naman na ma-extend ako."
"Huh, at kailangan mo lang pa lang ibagsak ka para lang sipagin kang pumasok."
"Kaya lang naman ako madalas um-absent dahil alam ko na kahit na anong gawin ko, pumasok man ako o hindi, sa bandang huli ipapasa pa rin ako ng mga nagiging prof ko dahil lang sa anak ako ng isa sa mga board members ng school."
"You know about that and yet you take advantage of it."
"Maybe. But I just can't force myself to come to class when I knew na kahit na anong gawin ko, those teachers will do anything just to appease me. To the point na ipapasa pa rin nila ako kahit na hindi naman ako pumapasok. And I hated it. I lose my drive to go to school because of that. It's like, ano pang saysay ng pagpasok ko kung sa bandang huli ipapasa lang ako ng mga prof ko?"
Nagulat naman siya nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya akalain na gano'n pala ang tumatakbo sa utak nito. Nakukuha naman niya ang punto nito. Kahit siguro sinong tao na nasa posisyon nito ay tatamarin ding pumasok kung alam nila na sa bandang huli, papasa pa rin sila. Pero kahit minsan ay hindi niya naisip 'yon. Because she always thought the worst of him. Na ang lahat ng bagay na ginagawa nito ay dahil lang sa masama talaga ang ugali nito at hindi dahil sa kung anupamang dahilan.
"But that doesn't mean na hindi ka na dapat agad pumasok. Kahit na alam mo na ipapasa ka pa rin nila, you should earn the grade they give you. Dahil unfair para sa ibang mga estudiyante na basta-basta ka na lang pumapasa kahit na wala ka namang ginagawa," pagpapangaral niya dito.
"Alam ko naman 'yon. Kaya nga kahit na minsan lang ako pumasok, I make sure na ipinapasa ko ang lahat ng mga exam ko. Hindi man halata pero nag-aaral ako kapag malapit na ang midterms at prelims," wika nito na pinakita pa sa kanya ang malaking libro na binabasa. It was a book on business management.
Kung gayon nag-aaral pala ito kanina nung dumating siya. Malapit na din kasi ang midterms nila. Hindi siya makapaniwala na capable din pala itong mag-aral. Akala niya ay pulos kabulastugan lang ang alam nitong gawin. Kahit paano ay seryoso din pala ito sa pagpasok sa eskwelahan.
"I just don't really like to interact with those teachers. I hate fake people like them."
She involuntarilly flinched. Dahil para na rin nitong sinabi na kinamumunghian siya nito. Because she was just like those people. A fake person who deceives others. And for some reason, for the first time, she really hated the person she became.
"Kaya nga kahit paano natuwa ako nung ibinagsak ako nung isa kong professor last semester. Ibig-sabihin lang hindi lahat ng teacher iniisip na pera lang ang mahalaga and that there's still some hope left for this school," dugtong pa nito.
Hindi na niya pinansin ang mga sunod nitong sinabi. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan niya ang mga sinabi nito patungkol sa mga pekeng tao. Napansin yata nito ang pananahimik niya dahil bigla na lang nitong inabot ang dulo ng ponytail niya. Agad na bumalik dito ang isipan niya dahil sa ginawa nito. "W-what?"
"You're not listening to me," wika nito habang nilalaro-laro ang buhok niya.
"I- I am," tanging nawika niya.
Bigla nitong binitiwan ang ponytail niya at sa isang iglap ay inilapit nito ang mukha sa kanya. Her heart jumped to her throat because of that. Her marble black eyes met his impossible brown ones. Pakiramdam niya ay bigla siyang itinulos sa kinauupuan. She can't even move a muscle.
"Liar." Mas inilapit pa nito ang mukha until they were only a breath away from each other. "Liars should be punished." Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. "Is kiss a good enough punishment?" Tumingin ito sa kanya, "What do you think?"
Mas lalo lang nagwala ang puso niya dahil sa sinabi nito. At nang unti-unti na nitong ilapit ang mukha sa kanya ay tuluyan na yata yung nalaglag sa sahig at tumalbog-talbog. Alam niya na dapat ay tumayo siya at umalis na lang sa lugar na 'yon, pero natagpuan na lamang niya ang sarili na ipinipikit ang mga mata. As if anticipating for that kiss. Pero walang halik na nangyari. Instead, ang naramdaman niya ay isang malakas na pagpitik sa noo niya. Dagli siyang nagmulat ng mga mata. And she found Riven grinning deviously at her.
"Are you actually expecting for a kiss?" nanunuyang tanong nito.
Ang lahat ng naramdaman niyang kakaibang emosyon kanina ay dagling nawala. Mabilis 'yong napalitan ng matinding pagkapahiya at pagkainis. Kinuyom niya ang kamao. Inipon niya ang lahat ng lakas at ubod ng lakas na tinulak ito. "Asshole," she spat.
Tumayo na siya at iniwan ito. She had never felt so embarrassed in her life. That devious jerk was messing with her head. Because for a moment there, she really did want him to kiss her.
SINUNDAN na lamang ng tingin ni Riven ang papaalis na si Payton. When she was out of his line of vision, he bowed his head in between his knees. Umaasa na maitatago ng mga tuhod niya ang matinding pamumula ng mukha niya. Because he knew he was blushing furiously. At dahil lang 'yon sa nangyari.
He was just planning to tease Payton when he mentioned the word kiss. Sa nakalipas na dalawang linggo, nakasanayan na niya na asarin at inisin ang dalaga. Natutuwa kasi talaga siya kapag nagagalit o naiinis ito. Because that's the only time when her cold eyes burned like a bright flame. She looked like a fierce warrior princess that he can't help but to tease her more.
Pero ang hindi niya inaasahan kanina ay ang ginawa nitong pagpikit. Akala niya ay sasampalin siya nito, itutulak o di naman kaya ay susuntukin. Pero hindi, ipinikit nito ang mga mata. And he can't just help but to think how adorable she was. Kung hindi pa siguro niya agad nakontrol ang sarili baka talagang nahalikan na niya ito.
Marahas na lang siyang napabuntung-hininga. Ano bang nangyayari sa kanya? No. The real question here was, what in the devils came over him when he made that deal with Payton?
"s**t. What the heck am I doing?"