HINDI magawang makapag-concentrate ni Payton sa binabasang paperback dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa balikat niya. At ang mabigat na bagay na 'yon ay ang malaking ulo ni Riven De Guzman. Nakasakay sila sa isang shuttle bus na magdadala sa kanila patungo sa Magsaysay. Isang maliit na baryo sa lalawigan ng Quezon kung saan magaganap ang medical mission nila. Kasama nila sa loob ng shuttle ang iba pang mga student volunteers. She somehow ended up sitting with Riven because the jerk refused to go unless he sat beside her.
Sinulyapan niya ito. He was sleeping soundlessly. Kapag natutulog ito ay hindi niya mapigilang isipin na mukha talaga itong isang anghel. But once he was awake and started speaking, he immediatley returns to the devil that he was. Sana habang-buhay na lang itong tulog. But maybe he was not really as bad as she thought he was. Dahil noong isang araw lang, nakita niya ang isang bahagi nito na hindi niya akalaing makikita niya.
At hindi na niya napigilang alalahanin ang mga pangyayari na naganap noong isang araw.
Patungo na si Payton sa parking lot ng school nila, nando'n kasi nakaparada ang kotse na minamaneho ng kanilang driver. Their driver drove her to and from school everyday. Hindi kasi pumapayag ang nanay niya na magmaneho siya o mag-commute siyang mag-isa. Nagmamadali siya sa pagklalakad. Tapos na ang klase niya at pupunta siya ngayon sa ospital ng pamilya nila para kunin ang mga gamot na i-do-donate ng ospital para sa medical mission ng student council.
Malapit na siya sa parking lot nang may bigla na lang humarang sa daraanan niya. Hindi na niya kailangang tumingala para lang malaman kung sino 'yon. Pagkakita pa lang niya sa leather jacket and after smelling that familiar musky scent, alam na niyang si Riven ang nakatayong 'yon sa harapan niya.
After that last incident inside the greenhouse, agaran ang nararamdaman niyang pagkainis sa tuwing nakikita ito. Pero ang walanghiya, umarte lang na parang walang nangyari at patuloy pa rin sa pag-uutos sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo lang tumitindi ang pagkainis niya dito.
"Ano na namang kailangan mo?" mataray niyang tanong. "Kung may ipapagawa ka, bukas na lang. Busy ako ngayon."
"Pupunta ka sa ospital ngayon, 'di ba? I'll go with you."
Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa sinabi nito. "Why?"
"Because I'm dying of boredom here and I need some distractions. Kaya halika na," hinawakan nito ang kamay niya at hinigit na siya patungo sa parking lot.
She ignored the usual jolt of electricity na nararamdaman niya sa tuwing nagdidikit ang mga balat nila at agad niyang binawi ang kamay dito. "My driver is waiting for me, kung gusto mong sumama then sumabay ka na lang sa 'min."
"No way. We'll use my car. Tawagan mo na lang yung driver niyo at sabihin mo na sa akin ka sasabay."
At wala na siyang nagawa nang muli siya nitong higitin. Binitiwan lang siya nito nang marating na nila ang parking lot at nasa tapat na sila ng isang itim na sports car. Halos itulak na siya nito papasok sa loob ng kotse. So ungentlemanly. Maya-maya pa ay sumakay na rin ito at pinaandar ang sasakyan.
"I thought you drive a bigbike, not a sports car," aniya.
"I do. Ito lang ang ginamit ko ngayon dahil wala naman tayong paglalagyan nung mga gamot na kukunin mo kung yung bigbike ang ginamit ko."
Sa sinabi nito, naisip niya na plinano talaga nito na sumama sa kanya ngayon. Pero bakit naman kaya? Napabuntung-hininga na lang siya. Dapat siguro ay hindi na lang niya binanggit dito kahapon na pupunta siya ngayon sa ospital para kumuha ng mga gamot. Maybe she wouldn't be stuck with him right now. She was thinking like that and yet, somehow, she felt otherwise.
Nakarating na sila sa ospital ng pamilya niya nang hindi man lang niya namamalayan. Ipinarada na nito ang sasakyan sa parking lot ng malaking gusali.
"You don't have to come inside, hintayin mo na lang ako dito," mabilis niyang wika dito. Baka kasi mamaya ay makita pa silang magkasama ng tatay niya. Tiyak na magtatanong ito dahil wala naman sa itsura ni Riven na miyembro ito ng student council. It will just be a hassle if ever.
"Paano yung mga gamot? Sinong magbubuhat no'n dito?"
"I'll just ask some of the staff to bring it here."
Bago pa ito makasagot ay agad na siyang bumaba ng kotse at dumiretso papasok sa ospital. Pumunta siya sa reception desk at tinanong sa receptionist na nando'n kung nasaan ang head nurse. Simula kasi nang simulan niya ang medical mission, ang head nurse na ang lagi niyang nakakausap sa tuwing kukuha siya ng mga gamot dito sa ospital.
Madami kasing gamot sa ospital ang hindi nagagamit at nasasayang lang. Kaya naman iminungkahi niya sa ama na ibigay na lang sa kanya ang mga 'yon para magamit nila sa medical mission. That way it wouldn't go to waste at magagamit pa 'yon ng mga mas nangangailangan. Sa mga ganitong pagkakataon, nagpapasalamat siya na nagmamay-ari ng isang ospital ang pamilya nila.
Sinabi ng receptionist na tumutulong daw ang head nurse sa isang surgery. Baka mamaya pa daw ito lumabas ng operating room. Kaya naman nagdesisyon muna siya na puntahan ang tatlong doktor na nag-volunteer na sumama sa medical mission nila. Ipapaalala lang niya sa mga ito na sa isang araw na ang medical mission. Every semester ay iba't-ibang doktor ang nag-vo-volunteer na sumama sa kanila. Kahit pa nga ba hindi niya alam kung bukal sa loob ng mga ito na sumama sa kanila o ginagawa lang ng mga ito 'yon dahil anak siya ng may-ari ng ospital. But whatever their reasons were, ipinagpapasalamat na lang niya na nag-vo-volunteer ang mga ito. Malaking tulong kasi sa kanila ang pagsama ng mga doktor.
Pero bago niya puntahan ang mga ito, dumaan muna siya sa opisina ng ama. She might as well say hi to her father. Nadatnan niya ang ama na nakasubsob sa mesa nito, reading a bunch of papers. Kinatok niya ang binuksang pintuan para ipaalam ang presensiya niya dito. Nag-angat ito ng mukha at tinanggal ang suot na salamin nang makita siya.
"Payton, kukunin mo na ba yung mga gamot?" tanong nito.
"Yup," lumapit siya dito. "Dadaanan ko na rin sana sina Dr. Vasquez para ipaalala na sa isang araw na yung medical mission."
"No need. Nakausap ko na sila and they already cleared their schedule for two days." Tiningnan siya nito. "Nasabi mo na ba sa Mommy mo na sa susunod na araw na ang medical mission niyo?"
"Not yet, sasabihin ko na lang mamaya."
"Dapat sinabi mo na agad sa kanya. You know how worried she gets kapag pumupunta ka sa malayong lugar."
Worried? More like paranoid. Hindi kasi mapakali ang ina kapag matagal siyang nalalayo dito. Pakiramdam kasi nito lagi ay may mangyayaring masama sa kanya. Kaya naman nang sabihin niya dito last year ang tungkol sa medical mission na balak niyang i-propose bilang bagong activity ng student council ay todong pagtutol ang ginawa nito. Ilang linggo din siguro niyang sinubukang ipinaintindi dito kung gaano karaming tao ang matutulungan nila kung matutuloy ang activity na 'yon. Kung hindi pa siguro sinabi ng chancellor na tiyak na magiging matagumpay ang activity because she will be the one heading it, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pumapayag na gawin niya ang medical mission. Kahit ano yata ay papayag ang ina basta makakatulong sa pagbo-boost ng perfect image niya.
"I'll tell her today," nawika na lang niya. "Sige, Dad, I'll go ahead na. Hihintayin ko pa si Nurse Jen eh," dugtong niya na ang tinutukoy ay ang head nurse.
Bago pa makapagsalita ang ama ay lumabas na siya ng opisina nito. Baka kasi mamaya ay humaba lang ang usapan nila patungkol sa nanay niya. Wala pa naman siya sa mood na pag-usapan ito. Nasa may hallway na siya ng ospital nang mapahinto siya sa paglalakad. Nando'n kasi at nakatayo sa may lobby si Riven, nakapamulsa ito habang inililibot ang mata na wari bang may hinahanap. Napailing siya. Hindi talaga ito nakikinig. Sinabi nang hintayin na lang siya nito sa kotse eh.
Lalapitan na sana niya ito nang may bola na bigla na lang gumulong sa paanan nito. Ilang segundo pa lang siguro ang lumilipas nang lumapit dito ang isang batang babae. Isang bagay ang agad niyang napansin sa bata, the girl has a down syndrome. The little girl was looking at Riven with amazement, habang ang binata naman ay nakakunot ang noo dito. Dagli niyang binilisan ang paglalakad, baka kasi sungitan ni Riven ang bata. Sensitibo pa naman ang mga kagaya nito.
Pero bago pa siya makalapit sa mga ito ay lumuhod na si Riven sa harap ng bata. Dinampot nito ang bola at binigay 'yon dito. Then the most unbelievable thing happened. Riven smiled. Not his usual devil-may-care smile, but a real, genuine smile. Kusa siyang napahinto sa paglalakad. Her heart suddenly skipped a beat after seeing that smile. 'Yon kasi ang kauna-unahang beses na nakita niyang ngumiti ito ng gano'n.
Tinanggap ng bata ang bola and gave Riven a big, warm smile. Lumambong ang mukha ng binata and he ruffled the little girl's hair. Nang umalis na ang bata ay nasundan na lamang ito ng tingin ni Riven with a gentle expression on his face. Pero unti-unti ay nagbago ang ekspresyon na 'yon. It turned into an expression of unfathomable sadness. She knew that look fully well. Nakikita niya 'yon sa tuwing humaharap siya sa salamin. It was a look of someone who loss a loved one or someone very special.
Muling sinulyapan ni Payton ang natutulog na si Riven. She wondered who he might have loss for him to have that kind of expression. Napakaimportante siguro ng taong 'yon dito. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Sa halip na isipin pa ang tungkol sa bagay na 'yon, sumandal na lang siya sa kinauupuan. And she found herself slowly drifting off to sleep.
PUNO NANG pagkamanghang inilibot ni Riven ang paningin. Kahit saan niya ibaling ang mga mata niya puro mga bundok at mga puno ang nakikita niya. Kadarating lang nila sa Magsaysay, isang maliit na baryo sa kabundukan ng Infanta, Quezon. Nasa liblib na lugar ang baryo at malayo rin sa kabihasnan, the road they took was like some backcountry road. Bako-bako kasi ang daanan at talagang puro puno lang ang makikita. Ito ang kauna-unahang beses na nakarating siya sa ganito kaliblib na lugar.
Pagkadating na pagkadating nila sa lugar, agad silang sinalubong ng mga tao doon. Halata sa magandang bukas ng mukha ng mga ito na natutuwa ang mga ito sa pagdating nila. Isang partikular na matanda ang kinausap ni Payton, mukhang ito ang nagsisilbing pinuno ng lugar. Maya-maya pa ay ibinaling na ni Payton ang tingin sa mga student volunteers.
"Come on, people, let's move. Madami pa tayong gagawin para sa araw na 'to," malakas na wika nito.
As if on cue, all the eighteen student volunteers, excluding him, moved. Ang ilan sa mga ito ay isa-isa nang binaba ang mga canned goods at bigas mula sa mini-truck na dala nila. Nando'n ang lahat ng supplies na kailangan nila para sa medical mission na 'yon. Ang iba naman ay ibinaba na ang mga malalaking make-shift tents na i-a-assemble, doon gaganapin ang libreng panggagamot ng mga doctor volunteer. Habang inaayos ng ibang mga estudiyante ang mga laman ng mini-truck, ang iba naman ay kinakausap ang mga tao na nando'n.
Natigil ang pag-iisip niya nang may gumulong na abrilata sa paanan niya. Dinampot niya 'yon, nang mag-angat siya ng mukha ay isa sa mga babaeng student volunteers ang nasa harapan na niya. May dala-dala itong isang plastik na punung-puno ng canned goods. Mukhang nalaglag sa plastik na dala nito ang abrilata na gumulong sa paanan niya.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin na parang paiyak na ito. Nanginginig din ito na wari bang takot na takot.
"P-pa-- Y-yung-- Ang ibig kong--" hindi maituloy-tuloy nitong wika.
Agad naman siyang nainis dahil sa pag-i-stutter nito. "Stop. I'm not going to eat you."
Nagbaba lang ito ng tingin. He knew this girl, kung hindi siya nagkakamali ay ito yung mahiyaing anak ng chancellor. Hindi man lang niya napansin na kasama din pala ito sa medical mission. Sa halip na lalo pa siyang mainis, kinuha na lang niya dito ang dala-dala nitong plastik.
"Saan ba 'to dadalhin?" tanong niya. Nang hindi ito sumagot ay hindi na niya napigilan na pagtaasan ito ng boses. "Can you at least answer my question like a normal human being?"
Para namang natauhan ito at mabilis na nagwika, "P-pasensiya na. S-sumunod ka na lang sa 'kin."
Naiiling na lang na sinundan niya ito. What a weak-willed girl. Kahit kailan siguro ay hindi niya makakasundo ito dahil sa klase ng personalidad na meron siya. Muli siyang bumaling sa direksyon ni Payton, she was now instructing the other students kung ano ang mga dapat gawin. Now that's a strong-willed girl.
"Hey, si Payton ba ang nag-asikaso ng lahat ng ito?" naisipan niyang itanong sa kasama.
"O-oo. Lahat naman ng activities ng s-student council si president ang nag-aasikaso. At sinisiguro niya na laging matagumpay ang mga activities namin."
Hindi nakalampas sa kanya ang paghanga sa tinig nito. Marahil ay tinuturing nitong idolo si Payton. Sa tingin nga niya ang iba pang mga student volunteers na kasama nila ay kagaya rin nito. Malaki ang respeto ng mga ito sa abilidad ni Payton bilang isang pinuno. Hindi na siya nagtataka pa do'n. Payton just have the natural traits of a born-leader. Madali lang niya 'yong nakita sa ilang linggo na nakasama niya ito.
After he got past the fake smiles and the perfect behaviour, he easily saw the hardworking girl that she was. Isa na yata ito sa pinakamasipag na tao na nakilala niya. Hindi nga niya alam kung paano nito napagsasabay-sabay ang lahat ng ginagawa nito. The work on the student council and maintaining her high grades, kahit sino siguro ay mababaliw sa dami ng ginagawa nito. But not Payton. At kahit minsan ay hindi pa niya ito narinig na nagreklamo. Naalala pa niya ang sinabi nito minsan sa kanya nang asarin niya ito patungkol sa pagiging perpekto nito.
"No one is perfect, I just work really hard to achieve my goals. You should try it sometimes, malay mo makuha mo sa akin ang titulo ko bilang top student. Oops, sorry. Nakalimutan ko na wala nga pala 'yon sa bokabularyo mo."
He laughed really hard after she said that. But at the same time, he found a new kind of respect for the girl who he first thought as fake and shallow. Nagsisisi nga siya kung bakit niya naisip 'yon patungkol dito. Yes, her smiles might be fake pero hindi peke ang pagkatao nito. She was just controlling the way she acts in front of other people. Totoo ang nakikita niyang kagustuhan nito na makatulong sa iba. Arranging this medical mission, getting the medicines herself, asking doctors to come with them, no one would go to such lenghts just because of a simple whim. She really feels compassion for these people. And for that, mas lalo lang tumitindi ang paghanga niya dito.
Ngayon unti-unti na niyang naiintindihan ang dahilan why he made that deal with her. Because deep inside, he knew there's something more about her than meets the eye and he was really glad he followed his gut feel. Dahil kung hindi, nawalan siguro siya ng pagkakataon na mas makilala pa ang dalaga. And he really liked the girl behind the fake smiles, maybe even more than he intended.
Nang maibaba na niya ang plastik ng canned goods ay natagpuan na lamang niya ang sarili na naglalakad patungo sa direksyon ni Payton. Patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng instruction sa mga student volunteers. Nang nasa likudan na siya nito ay ipinatong niya ang baba sa balikat nito. He really liked how it feels whenever their bodies were close to each other like this. Not that he will tell her about it.
Dagli niyang naramdaman ang paninigas ng buong katawan nito and a triumphant smile immediately crossed his lips. Alam niyang kahit na anong gawin niya ay hindi ito mag-re-react dahil nasa harapan sila ng ibang tao. She can't just punch or slap him like she usually does. Kaya naman ipinulupot pa niya ang mga bisig sa beywang nito. Kitang-kita niya ang pamumula ng teynga nito. Samantalang ang mga estudiyante sa harapan nila ay nakatanga lang na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.
"Hey Payton, sabihin mo rin sa 'kin kung ano ang dapat kong gawin," bulong niya sa teynga nito.
Sa pagkabigla niya ay naramdaman niya ang malakas na pagsiko nito sa sikmura niya. Sa sobrang lakas ay napaurong siya at nabitawan ito. Lumingon ito sa kanya, hindi na ito namumula. Her face was now composed and calm, just like always.
"Maybe you should help the others fix the tents," nakangiting wika nito sa kanya. It was her usual fake smile, but her eyes were burning with obvious irritation. Umalis na ito pagkawika no'n at tumulong sa iba pang estudiyante.
Napatawa na lang siya at nasundan ito ng tingin. Just as he thought, he still liked teasing her more. Pero habang pinagmamasdan niya ang dalaga, a sudden realization hit him. Maybe he was actually falling for her, this girl with her fake smiles and stuborn as a mule attitude. 'Yon lang ang tanging naiisip niyang dahilan why he can't just leave her alone. And he always wanted to be near her.
But that was still a big 'maybe'. Sa ngayon, i-e-enjoy muna niya ang mga sandali na kasama niya ito.