Ang rooftop ng Engineering Building ay ang kaisa-isang santuwaryo sa loob ng University of Manila kung saan hindi abot ang malansang amoy ng Recto at ang nakabubulahaw na ingay ng LRT na dumadaan sa itaas. Dito, sa gitna ng mga kalawanging tubo, lumang generator, at ang amoy ng mainit na semento, matatagpuan ang tinaguriang STEM Trio.
"Hayop talaga 'yung Silverio na 'yun! Akala mo kung sinong ginto ang apog!"
Ang bulyaw ni Nyxiel ay tila sumabay sa ihip ng hangin pagkaakyat na pagkaakyat niya sa rooftop. Inihagis niya ang kaniyang backpack sa semento—isang marahas na tunog na nagpabaling sa atensyon nina Lumi at Kael.
Napatingin sa kaniya si Lumi, muntik nang mabitawan ang kaniyang milk tea sa gulat. Si Kael naman, kalmadong isinara ang binabasang Fluid Mechanics book, ang kaniyang mga mata ay bakas ang pag-aalala.
"O, dahan-dahan sa high blood, Nyx. Ano na namang ginawa ng 'Golden Boy' ng UM Eagles sa 'yo?" tanong ni Kael. Inabot niya ang isang bote ng malamig na tubig kay Nyx, ang kaniyang kilos ay laging maingat at protektado pagdating sa kaibigan.
"Ano?! Pagkalabas ko pa lang sa Dean's Office, nandoon na ang gago! Nakasandal sa pader na parang kanto boy na nag-aabang ng biktima," gigil na kwento ni Nyx matapos lumunok ng tubig. "Alam niyo ba kung anong sabi? 'Welcome to hell, Soler.' At ang mas malala, hinarang niya ang daan ko gamit 'yung braso niyang kasing-laki ng hita ko! Pinagmukha akong tanga sa harap ng maraming tao!"
"Hala, besh! So, totoong siya ang namili sa 'yo?" tanong ni Lumi, nanlalaki ang mga mata sa balita.
"Oo! At alam niyo kung bakit? Hindi dahil gusto niyang matuto! Gusto niya lang akong pagtripisahan kasi napahiya siya sa hallway kanina!"
Nagsimulang mag-pacing si Nyx. Ang kaniyang mga kamay ay hindi mapakali, tila ba gusto niyang may sakalin sa hangin. "Sabi ni Dean, kailangan ko raw siyang ipasa dahil kung hindi, mawawala ang scholarship ko at hindi mababayaran ang gamot ni Papa. Ginipit ako, guys. Ginipit ako nung mayabang na 'yun gamit ang pera ng pamilya niya!"
Napatayo si Kael. Ang kaniyang kamao ay dahan-dahang nakakuyom sa gilid. "Napakawalanghiya naman pala. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para pilitin ka? That’s low, kahit para sa isang Silverio."
"Kaya nga! At bago ako makaalis, binulungan pa ako... 'I hope you're ready to fail along with me,' sabi niya habang nakangisi na parang demonyo!" Nyx groaned, covering his face with his hands. "Kael, Lumi... paano ko matitiis ang buong semester na kasama ang taong 'yun? Baka bago matapos ang buwan, nakasuhan na ako ng murder!"
Hindi nakasagot ang dalawa. Alam nilang kapag si Nyx na ang nagalit, mahirap itong amuhin. Pero alam din nila ang bigat ng sakripisyo ni Nyx para sa pamilya nito. Si Nyxiel ang tipo ng tao na lulunukin ang pride, kahit gaano pa ito kapait, para lang sa kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay.
"Hayaan mo na, Nyx. Isipin mo na lang, bawat 'x' at 'y' na ituturo mo sa kaniya, pambili 'yun ng maintenance ni Tito Danilo," pag-alo ni Lumi, hinawakan ang balikat ni Nyx. "Isipin mo na lang na isa siyang mahirap na equation na kailangang i-solve. Pagkatapos ng finals, wala na siya. Babalik na tayo sa dati."
"Sana nga ganoon lang kadali, Lumi," bulong ni Nyx.
Bago ang alas-sais na tutorial, dumaan muna ang STEM Trio sa canteen. Ang paligid ay puno ng mga estudyanteng pagod, pero biglang tumahimik ang isang bahagi nang dumaan sila. Saktong nandoon ang grupo ng UM Eagles, suot ang kanilang mga maroon-and-gold jerseys na tila mga uniporme ng mga diyos sa gitna ng mga mortal.
Nakaupo si Vesper Thorne Silverio sa gitna. He looked like royalty in the middle of a chaotic canteen. May mga cheerleader sa paligid niya, at ang kaniyang mga teammate ay tila mga bantay.
Nang makita niya si Nyx na naglalakad kasama nina Kael at Lumi, biglang tumigil ang pagtawa niya.
Naningkit ang mga mata ni Vesper nang makita niya kung paano inakbayan ni Kael si Nyx para protektahan ito sa siksikan ng mga tao. Nakita niya kung paano ngumiti si Nyx kay Kael—isang ngiti na totoo, malambot, at puno ng tiwala. Isang ngiti na malayo sa matatalim at nandidiring tingin na ibinigay nito sa kaniya kanina sa hallway.
May kung anong kurot sa dibdib ni Vesper na hindi niya maipaliwanag. Friction. Unwanted friction.
Tumayo siya at hinarang ang daan ng tatlo. Ang kaniyang anino ay bumalot sa maliit na pigura ni Nyx.
"Late ka na sa library, Tutor," bungad ni Vesper. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin sina Kael at Lumi. Ang kaniyang atensyon ay nakapako lang sa maputlang mukha ni Nyx.
"Alas-singko pa lang, Silverio. Alas-sais ang usapan natin. Marunong ka ba magbasa ng relo o kailangan ko pang ituro sa 'yo pati 'yan?" sagot ni Nyx, pilit na itinatago ang panginginig ng kaniyang boses sa inis.
"Well, I'm bored. At ayaw kong naghihintay ang isang Silverio," sabi ni Vesper. Ang kaniyang tingin ay biglang bumaba sa kamay ni Kael na nasa balikat pa rin ni Nyx. Mas lalong tumigas ang kaniyang panga. "Sino 'to? Personal assistant mo? O tagabitbit ng mabigat mong libro?"
"Kaibigan ko siya, Silverio. Isang bagay na mukhang wala ka dahil sa basura mong ugali," banat ni Nyx.
Napa- "Oooooh" ang mga estudyante sa paligid. Humakbang palapit si Vesper, sapat na para maamoy ni Nyx ang kaniyang pabango—isang bango na tila nananakop ng espasyo.
"Six PM. Library. Don't make me fetch you from this... mediocre group," mariin niyang sabi bago sila tingnan ng mapanghusgang tingin mula ulo hanggang paa.
Nang makaalis si Vesper, hinawakan ni Kael ang braso ni Nyx, mas mahigpit na ngayon. "Nyx, sigurado ka ba rito? Masyadong agresibo ang isang 'yan. Baka kung anong gawin sa 'yo sa loob ng library."
"Kailangan ko 'to, Kael. 'Wag kang mag-alala, hindi ako magpapatalo sa kaniya," sagot ni Nyx, pero sa loob-loob niya, ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang mga kamay.
Ang laro ay hindi pa man nagsisimula, pero pakiramdam ni Nyx, talo na siya sa tensyong hindi niya mapangalanan.
∞∞∞∞∞
E
ksaktong alas-sais ng gabi sa UM Library. Pinili ni Nyx ang pinakadulong sulok—'yung bahagi kung saan ang mga ilaw ay medyo aandap-andap at ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng lumang aircon. Pinili niya ang lugar na iyon dahil walang tao, pero nang dumating si Vesper, biglang sumikip ang buong library para sa kaniya.
"Open your notes, Silverio. Ayaw kong magsayang ng laway," bungad ni Nyx nang makitang papalapit ang binata.
Sa halip na ilabas ang kaniyang libro, tamad na umupo si Vesper sa tapat ni Nyx. Isinandal niya ang kaniyang likod at tinitigan ang tutor na tila ba ito ang pinaka-interesting na object sa silid.
"Wait, Soler. Bakit ba laging nakadikit sa 'yo 'yung lalaking 'yun? 'Yung matangkad na mukhang kulang sa sustansya?" tanong ni Vesper. Ang kaniyang boses ay may halong iritasyon na pilit niyang itinatago sa ilalim ng isang mapang-asar na ngisi.
"Si Kael? Bakit mo tinatanong? At hindi siya kulang sa sustansya, nag-aaral lang siya nang mabuti—isang disiplina na wala ka," sagot ni Nyx, hindi iniangat ang tingin mula sa kaniyang yellow pad.
"Bawal ang PDA sa campus, alam mo ba 'yun?" asar ni Vesper, leaning back while smirking. "Kung maka-akbay siya sa 'yo kanina, akala mo pag-aari ka niya. Sobrang 'close' niyo yata, ah? O baka naman ginagawa mo lang siyang bodyguard dahil takot ka sa akin?"
SLAMP!
Mariing ibinaba ni Nyx ang kaniyang scientific calculator sa mesa. Ang tunog ay nag-echo sa tahimik na library.
"Kael is my best friend! At anong PDA ang pinagsasabi mo? We're just friends and I'm straight! Now, can we focus on the Chain Rule?! O gusto mong isumbong kita kay Dean Hernandez na wala kang ginawa kundi chismisin ang social life ko?!" singhal ni Nyx. Namumula ang kaniyang mga pisngi, hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa purong inis. Napakapakialamero ng lalakeng ito!
Vesper smirked, but there was a flicker of something else in his eyes—irritation. Straight? Bakit biglang uminit ang ulo niya sa salitang iyon?
"Chain Rule, huh? Sige. Pero siguraduhin mong mas magaling kang magturo kaysa sa pagpili ng mga kinakasama mo," sabi ni Vesper sabay bukas ng kaniyang notebook.
Sa loob ng dalawang oras, naging parusa para kay Nyx ang bawat minuto. Vesper was intentionally being difficult. Imbes na makinig, kung anu-anong tinatanong nito para lang makita siyang mag-react.
"Soler, bakit ang liit ng kamay mo? Kasya ba riyan 'yung bola ng basketball?"
"Mag-solve ka na lang!"
"Soler, bakit ang seryoso mo lagi? Masungit ka ba talaga o strategy mo lang 'yan para mapansin kita?"
"Silverio, isa pang salita, iiwan kita rito at bahala ka sa buhay mo!"
Sa gitna ng asaran, hindi napansin ni Nyx na dahan-dahang lumalapit si Vesper sa kaniya. Every time Nyx would point at a formula, Vesper would lean in closer, supposedly to "look at the paper," but his eyes were always on Nyx's face—observing the way his lips moved and how his thick eyelashes fluttered every time he was frustrated.
"Mali 'yung sign mo rito. It should be negative," sabi ni Nyx, pointing at the yellow pad.
"Check mo nga ulit. Parang positive naman," bulong ni Vesper.
Nyx frozen. Nararamdaman niya ang init ng hininga ni Vesper sa kaniyang pisngi. Ang mukha ng binata ay ilang pulgada na lang ang layo sa kaniyang tainga. Amoy citrus at ulan si Vesper—isang amoy na nakakalito sa sistema ni Nyx. Isang amoy na tila nananakop, tila sinasabi sa kaniya na wala siyang takas.
Mabilis na lumayo si Nyx, halos mahulog siya sa kaniyang upuan. "S-Sabi ko negative! 'Wag mo akong dikitan, ang init-init!"
"Malamig kaya ang aircon dito," tawa ni Vesper, halatang nag-e-enjoy sa reaksyon ni Nyx. "Namumula ka na naman, Soler. Are you sure you're okay? O baka naman... apektado ka na sa presensya ko?"
"In your dreams, Silverio! Mag-solve ka na lang!" bulyaw ni Nyx na pabulong para hindi sila palabasin ng librarian.
Pagkatapos ng session, hinatid nina Kael at Lumi si Nyx sa sakayan ng jeep sa Recto. Ang gabi ay malamig at medyo umaambis na ang ulan.
"Nyx, ingat ka pag-uwi. I-te-text kita bukas para sa group project natin," sabi ni Kael. Dahan-dahan niyang inayos ang hood ng jacket ni Nyx para hindi ito mabasa ng ulan. Isang simpleng kilos na puno ng pag-aaruga.
"Salamat, Kael. Kita-kits bukas sa rooftop!" sagot ni Nyx na may kasamang matamis na ngiti—ang ngiti na ni hindi man lang nasilayan ni Vesper sa loob ng dalawang oras.
Sa loob ng kaniyang itim na Mustang na nakapark sa madilim na bahagi ng kalsada, nakatitig si Vesper. He saw the way Kael's fingers lingered on Nyx's hood. He saw the small, genuine smile Nyx gave to Kael.
"He looks at him like that... but he looks at me like I'm a piece of trash," bulong ni Vesper sa sarili.
Mariin niyang hinawakan ang steering wheel hanggang sa pumuti ang kaniyang mga knuckles. Hindi alam ni Vesper kung bakit siya nagkakaganito. Straight ako. Maraming babaeng naghahabol sa akin. I'm the captain of the Eagles. Pero bakit ang makitang masaya si Nyxiel Soler sa piling ng ibang lalaki ay parang isang "foul" na hindi niya matanggap?
"Interesting," Vesper whispered, his eyes glinting with a mix of possessiveness and denial. "Let's see if your 'STEM Trio' can survive my intervention, Nyxiel."
Binuhay ni Vesper ang makina ng kaniyang sasakyan at pinaharurot ito palabas ng Recto, ignoring the speed limit. Ang equation ng buhay niya ay biglang naging kumplikado, at hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang "answer" na gusto niya.