MATI Kinagat niya ang kamay na tumakip sa bibig niya. At sumigaw siya ng malakas. "Damn it!" narinig niyang sabi nito. Hindi na siya nag aksaya ng oras. Tumakbo siya papunta sa pinto at pipindotin na sana niya ang emergency code nang hablotin nito ang kamay niya. "Disconnected na yan." sabi nito at hinila siya palayo sa alarm. "Sinungaling ka!" sabi niya na nagpupumiglas sa hawak nito. Ngayon unti-unti na niyang naaninag ang pagmumukha ng lalaki kahit medyo madilim pa. Ito yong lalaki sa party. Umupo ito sa may hagdan at hinila siya patabi nito. Less than three hours ago she'd stood in the shadows with this man at the back of bougainvillea, on fire for his touch. Tinanggal nga niya ang lahat ng inhibisyon sa katawan, all because it felt so right to be in his arms. Pero sa tingin

