TRUST Hinalikan niya si Mati sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon. Yon lang kasi ang naisip niyang paraan para patigilin ang dalaga sa kakasigaw nito. He liked to think he was tough and heartless as they came, but dying had done something to him, softened him in ways he still didn't understand. Ayaw na ayaw pa naman niyang makita ang takot sa mukha ni Mati, at ayaw niyang siya pa ang maging rason. "Come on," sabi niya at tuloyang binitawan ang dalaga. "Let's get out while we still can." "Hindi ako sasama sayo." He grabbed her by the shoulders and forced her to meet his eyes. "Hindi mo kilala kung sino nga ang nasa labas, at sigurado naman akong hindi ko rin sila kilala. Pero kung sila nga ang mga taong kinakatakotan ko, nanganganib rin ang buhay ninyong mag-ama. Kaya umalis na

