Chapter 10 : He's Gone

658 Words
LUIS   Kailangan niyang maging matatag upang masabi niya kay Trust ang dapat niyang sabihin sa binata. He couldn't take the risk. He'd done his best to shield his children from the danger he knew was out there, at nagtagumpay nga siya sa pagprotekta ng mga ito. Kung magpapakasal man si Mati kay Trust, manganganib lamang ang buhay ng anak niya. "Umupo ka," sabi niya ulit sa binata sa mahinahong boses. "at makinig ka sakin." "Ayokong marinig kung anuman ang sasabihin mo." sabi pa nito. Pero kailangan talaga nitong marinig. At siya ang dapat magsabi nito kay Trust. Kahit pa ang kapalit nito ay ang pagdaramdam ng kanyang anak. Ikaw sana ang nararapat para sa anak ko Trust, sabi niya sa sarili. Pero ayokong mawala ang anak ko katulad sa nangyari sa kanyang mommy. -----   MATI   Bakit kaya ang tagal ng pag-uusap nina Trust at daddy? Isang oras na yata siyang naghihintay sa kanyang ama at kay Trust sa kanilang sala, pero ni isang anino ng mga ito ay wala pa siyang nakikita. Napasandal na lamang siya sa kanilang sofa at ipinikit ang mga mata. But nothing. Wala talaga siyang narinig na nag-uusap. Paano kaya nag-uusap ang dalawa, speaking in sign language? Akala kasi niya na magkasagutan ang mga ito, because one thing she hadn't expected was silence. And silence made her edgy. Hindi naman ganito katahimik ang kanilang bahay. Si Frances pa na ang lakas magpatugtog ng musika, at ang lakas ng tawa ni Sab tuwing may kausap ito sa telepono. It was never quiet, maliban lang siguro kung malalim na ang gabi. But it was quiet now, at alam niyang hindi ito magandang sinyales. "Hellooooo........" she said out loud. Parang wala talagang ibang tao sa bahay nila bukod sa kanya. Sabi sa kanya ni Trust na hihingin na daw nito ang mga kamay niya mula sa kanyang ama, pero bakit ang tagal? Hindi na siya nakatiis pa kaya pinuntahan na lamang niya ang dalawa sa library room ng kanyang ama. Sigurado na kasi siya sa pipiliin niyang buhay ngayon. At iyon ang pakasalan si Trust, the man she loved and wanted to spend the rest of her days with. Nang malapit na siyang makarating sa library room ng kanyang ama, narinig naman niya ang tunog ng papaalis na sasakyan. Basta nalang siyang nanigas at di makakilos sa kinatayuan niya. How stupid, she thought. Bakit naman siya magtataka kung may papaalis nga na sasakyan? Haller! Hindi lang naman sila ang nakatira sa lugar na ito na may sasakyan. Napansin niyang nakaawang lang naman pala ang pintuan ng library room ng kanyang dad kaya dali-dali niyang nilapitan ito. "Trust?" tawag niya sa lalaki at tuloyang binuksan ang pinto. "Daddy?" Pero walang tao sa library room. Napapitlag na lamang siya nang may biglang humarurot na sasakyan na umalis. Agad naman siyang dumungaw sa bintana roon at nagbabakasakali na ang daddy niya ang umalis, at si Trust ay bumalik lamang sa guest house. Pinuntahan niya kaagad ang guest house pero wala na ang lalaki roon. Hinanap niya ito sa loob at labas ng guest house, but he was nowhere to be found. Tinanong rin niya ang kanilang hardinero kung nakita ba nito si Trust pero sinabi nito na hindi raw niya ito nakita simula pa kagabi. At ganon din ang sinabi ng kanilang kusinera. "Aaaahhh...!" malakas na sigaw niya, pacing up and down the length of the driveway. Hindi siya iiwan ni Trust, sabi niya sa sarili. Alam niyang hindi siya iiwan ng lalaki pagkatapos siya nitong makuha kagabi, dahil alam niyang hindi ganoong lalaki si Trust. May inutos lang siguro ang daddy niya sa lalaki kaya panandalian muna itong umalis. Mayamaya ay pumasok na lamang siya sa loob ng kanilang bahay. Naligo siya, then eat a late breakfast, marami mang bumabagabag sa kanyang isip ngayon kung anong nangyari sa pag-uusap ng kanyang dad at kay Trust, pero alam niyang masasagot rin naman ang mga katanungan niya pagdating ng lalaki. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD