PRINCE SAWYER'S POV: Nahulog kami sa isang malaking butas na napapaligiran ng malalaking bato. Mabilis kong nilingon si Anya na wala pa ring malay. "Anya, wake up," sabi ko sabay tapik sa isang pisngi niya. Hinawakan ko ang kanyang noo; siya ay mainit-init. Mabilis ko siyang pinaupo at saka ipinatong ang dalawang kamay ko sa likod niya. "Anong nangyari? Parang may malakas na pwersa na nagmumula sa katawan niya. Kahit anong gawin ko, walang magbabago." Huminto ako at saka siya muling pinahiga sa damuhan. "Anya, why are you so silly? Why did you do that? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya." Huminga ako ng malalim saka hinubad ang suot niyang damit para gamutin ang likod niya na natamaan ng palasong may lason. Napatigil ako bigla nang makita ko siyang

