Chapter: 1
Nakataas ang paa sa sofa ng dalawampu't tatlong taong gulang na si Priya, habang naka upong hinihintay ang pag dating ng kanyang mga magulang.
Isang linggo na ang nakakalipas ng ipaalam ng mga ito sa kanya, na ipapakasal siya sa isang anak ni don Lucio Marciano. Ayon sa kanyang mga magulang ay malaki raw ang pagkaka utang nila sa ama ng lalaking pa kakasalan niya.
Hinahanapan daw nito ng mapapangasawa ang isa sa dalawang anak nitong tatlumpu't isang taong gulang na. Bago raw sumapit ang ika-tatlumpu't dalawang taong kaarawan ng anak nito, ay dapat na may asawa na raw ito.
Ito raw kasi ang nakatakdang mamahala ng lahat ng negosyo ng matandang don. Pero ayon sa anak nitong binata ay dapat na magka asawa raw muna ito bago nito pamahalaan ang kanilang mga negosyo.
Ngunit ang binata ay masyadong pihikan. Marami na raw itong nagiging ka relasyong babae na nag mula rin sa Alta siyudad. Pero ni isa raw sa mga naging karelasyon nito ay wala itong nagustohan kahit isa. Ayon pa sa binata ay hindi niya nakikita sa mga ito ang kakaibang babaeng mag papa t***k ng kanyang puso. Mga pang kama lang raw ang mga babaeng kanyang nakakasalamuha.
Dahil sa matanda na si don lucio sa edad na animnapu't apat ay nais na nitong magka apo. Ni isa kasi sa dalawa niyang anak na lalaki ay wala pang nagiging anak ang mga ito. Kaya siya na mismo ang kumikilos para hanapan ng mapapangasawa ang kanyang mga anak. Uunahin lang daw muna nito ang panganay niyang anak na hanapan ng babaeng magugustohan nito.
Halos may isang oras ng nag hihintay si Priya sa pag dating ng kanyang mga magulang. Sa isang linggo na kasi ang nakatakda niyang kasal, kaya habang may pagkakataon pa ay nais niyang tumanggi sa nais na mangyari ng kanyang mga magulang.
Naiinis siya sa mga ito. Hindi niya kasi maintindihan bakit sa dalawang anak ng mga ito ay siya pa ang pilit na ipinapakasal ng mga ito. Gayong bunso naman siya sa dalawang anak ng mga ito. May isa pa siyang kapatid na babae si Sofia, mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon. Na kung tutuusin ay dapat na ito ang unahing ipakasal ng kanyang mga magulang, dahil sa mas matanda ito sa kanya.
Marami pa siyang pangarap sa buhay, at wala pa sa isip niya ang pag aasawa. Lalo na at hindi naman niya kilala ang lalaking mapapangasawa niya. Mas lalo pa niyang ayaw na mag pakasal sa lalake, dahil nalaman niya mula sa mga kaibigan niya na pangit raw ang ugali ng lalaking iyon. Marami raw babaeng hindi nakaka tagal dito, dahil bukod raw sa manyakis na ay ubod pa ng sungit.
Dahil sa kaalamang iyon, ay buo na ang pasya ni priya na kapag ayaw pa ring pumayag ng kanyang mga magulang na huwag siyang ipapakasal doon, ay mapipilitan siyang tumakas. Kaysa maging impyerno ang buhay niya, kapag pumayag siyang makasal sa lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita.
Nagkakanda haba na ang nguso ni priya sa pag hihintay sa kanyang mga magulang, dahil mag aalas onse na iyon ng gabi at inaantok na siya. Pinipilit niya lang labanan ang kanyang antok, dahil nga sa gustong gusto niyang maka usap muli ang kanilang mga magulang.
Panay na ang kanyang pag hinikab, habang naka higa na sa mahabang sofa sa kanilang sala. Ito lang kasi ang pagkaka taon niya na muling maka usap ang kanyang mga magulang, dahil isang linggong pumirmi ang mga ito sa Hong Kong, para sa isang general meeting ng kumpanyang pag magmay-ari ng kanilang ama.
Ayon kasi sa kanilang kasambahay na si manang biday ay ngayon ang araw ng balik ng kanilang mga magulang. Si aling biday ang pinaka malapit sa kanya na kasambahay nila. Tatlo ang kasambahay nila, isang hardinero at isang family driver. Si aling biday lang ang nag bubukod tanging kumakausap sa kanya sa loob ng kanilang bahay.
Ang kanyang ate sofia kasi ay palagi rin itong wala, gaya ng kanyang mga magulang. Isang modelo kasi sa ibang bansa ang kanyang ate. Bata palang ito ay madalas na itong sumasali sa mga beauty pageant at modelling. Samantalang siya ay wala siyang ka hilig hilig na sumali sa kahit anong Contest.
Simple lang kasi siyang bata. Magkaibang magkaiba sila ng kanyang ate sofia, kung ang kanyang ate ay mahilig sa mga materyal na bagay ay kabaliktaran naman niya, wala rin siyang hilig, kahit na sa mga alahas at pang kolorete sa mukha.
Bata palang sila ay madalas na silang ipag kumpara ng mga taong nasa paligid nila. Mas maganda raw manamit ang kanyang ate sa kanya. Samantalang siya raw ay baduy manamit. Kung ang ate raw niya ay sosyal tingnan, siya naman ay probinsyana kung titingnan.
Napag kakamalan pa nga siyang tomboy dati ng kanilang mga nagiging kalaro. Palagi kasi mahahabang short ang kanyang suot at t-shirt naman ang madalas na pang itaas niya. Samantalang ang kanyang ate ay babaeng babae ito kung manamit.
Para sa kanya ay wala siyang pakialam kung ganun man ang gusto niyang paraan ng pananamit. Komportable kasi siya sa ganoon. Mas nakakapag laro siya ng maayos, sa ganoong pananamit niya.
Hanggang sa lumaki siya ay halos wala Paring pinag kaiba ang kanyang pananamit. Para sa kanya ay yun siya, doon siya masaya at dahil doon siya masaya ay walang makakapag pabago ng paraan ng kanyang pananamit. Maging ang kanyang mga magulang ay wala ring magawa ang mga ito.
Dahil sa susunod na linggo na ang nakatakda niyang pag papakasal ay bukas na raw siya ipapakilala ng mga ito sa mag amang lucio Marciano at sa anak nito. Sinabi na sa kanya ang pangalan ng lalaki ng kanyang mga magulang, pero dahil sa hindi nga siya interesado ay hindi niya iyon pinakinggan o kung pinakinggan man niya ay hindi naman niya iyon Tinandaan.
Maya-maya ay narinig niya na ang boses ng kanilang mommy. May sinasabi ito sa kasambahay nilang, nag bukas ng gate para sa mga ito. Nakita niyang pumasok na ang mga ito sa malaking pintuan sa kanilang sala. Tatayo na sana siya, para lapitan ang mga ito ng marinig niyang nag sisigawan ang kanilang mga magulang.
Parang nagagalit ang kanyang daddy sa kanyang mommy. Mabilis siyang lumapit sa mga ito upang mag mano. Ngunit hindi man lang siya pinansin ng mga ito. Tumingin naman sa kanya ang kanyang ina, pero mabilis ding inalis nito ang paningin sa kanya at inilipat sa kanyang ama na noo'y mabilis ang hakbang na papasok ng kanilang kuwarto.
Kaya ang kanyang ina ay mabilis rin ang nga hakbang upang habulin ang kanyang ama na tuloyan ng naka pasok ng kuwarto. Pakamot kamot ng ulo si Priya, habang masamang masama ang kanyang loob, dahil sa hindi man lang pag pansin sa kanya ng kanilang mga magulang.
Ang tagal niyang nag hintay sa mga ito para lang makausap ang mga ito. Tapos ganun ganon lang. Balewala lang pala ang pag pupuyat niya at pag hihintay niya ng ilang oras, para lang maka usap ang mga ito. Na-miss niya rin kasi ang mga ito, kaya gusto niya ring makasama at makausap ang mga ito kahit sandali lang. Pero parang hindi man lang siya na-miss ng mga ito.
Bagsak ang mga balikat ni priya na pumasok ng kanyang kuwarto. Pabagsak siyang humiga sa kanyang kama. Mas lalo siyang nakaramdam ng stress, dahil bukas na ang nakatakdang araw na ipapakilala siya sa lalaking pilit na ipapakasal sa kanya.