BELLA Katatapos lang namin mag luto nang babaunin namin sa camping para mamayang gabi. Naupo muna ako sandali dahil sobrang napagod ako sa pagluluto habang si James naman ay nag aasikaso pa rin nang mga gamit na kakailanganin namin. Siya ang gumawa nang tent, dekorasyon at sinadya niyang itapat ito malapit sa dagat para kita namin ang pag lubog ulit nang araw. Alam na alam niya talaga ang gusto ko, kahit saglit lang kaming nagkasama napalagay na rin ang loob ko sakaniya. Pinakita niya ang pagmamahal at pag aalaga saakin. Baka nga siya na ang nilaan saakin. Pero hindi pa sa ngayon dahil hindi pa ako tapos sa pag hihiganti ko. Hindi ko namalayan ang pag lapit niya at ang pag tabi nito saakin. Marahil napapansin niya ang panay malalim kung buntong hininga kaya hindi rin ito nakatiis at nag

