Mag ta-tatlong linggo na kami rito sa Bohol. Isang linggo na lang balik Manila na kami. Ang bilis ng bakasyon namin. Nandito kami ngayon sa hardin at kasaluluyang nangunguha nang mangga si Nicholo, dahil kanina pa ako natatakam rito at nangangasim. "Be careful Baby" sigaw ko. Kasi kasalukuyang umaakyat ito nang puno. Ang lakas ng loob kaya hinayaan ko na. Nahihiya pa nga akong mag-sabi kaso takam at laway na laway na ako. Nakaupo ako rito sa ilalim nang puno, kasalukuyang nagpi picnic kasi kami ngayong araw. Dahil sa bagot na bagot na ako sa rest house sa araw-araw na same routine lang ang ginagawa ko. Kaya naisipan kong ibahin naman ngayon. Kaya nag aya ako mag picnic sa kaniya at sinang ayunan naman niya ito kaagad. Maya maya bumaba na ito dala dala ang isang supot na puno nang mang

