ROSY POV NANG mailagay namin ang gamit sa loob ng kanilang bahay ay niyaya naman ako ni uncle Nickel na maglibot kami sa labas. Sight—seeing lang dahil anong oras na rin naman kasi. Na—traffic talaga kami sa byahe kaya anong oras na kami nakarating dito, isama pa na panay ang hinto namin para umihi. “Uncle Nickel, sa inyo po ba talaga ito?” pagtatanong ko sa kanya. Sumakay kami sa e—bike na parang golf style. Pareho kaming nasa harapan at nag—uumpisa na siyang mag—drive. “Yes, my baby Rosy. Nakapangalan sa amin ito at every year kami naghuhulog ng tax, pang—isang taon na iyon. Una nating pupuntahan ay ang stable, malapit naman na rito iyon.” Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Stable? As in, kulangan ng mga kabayo?” tanong ko sa kanya. Tama ba ako? Stable ay isa pang word fo

