ROSY POV “DAD, mauna na ako sa inyo. May kailangan pa akong gawin.” Napatingin ako kay kuya Richard na seryoso ang itsura, teka, always naman pala siyang seryoso. “Richard, i—send mo sa email ko ang binabanggit mo kanina, okay? Titignan kong mabuti iyon bago ko i—approve. Maliwanag ba?” sabi ni dad sa kanya. Huminto si kuya Richard. “I will, dad. Iyon ang aasikasuhin ko tonight.” Nang makita ko siyang nakaaalis na, tumayo na rin ako. “Tapos na rin po akong kumain, dad and mom. Mauna na rin po ako. Baka po tumawag na si... Cheska sa akin.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Cheska na naman, ha? Kumustahin mo rin si Stephan, Rosy. Lalo naʼt narinig kong possible na mag—number 1 siya sa draft pick ngayon. Thatʼs a good news! Kaya paniguradong si Stephan ang magaling na draftee ngayong ta

