CHAPTER 12:SPG

1775 Words
ROSY POV NAKANGITI akong nagising habang nakamasid sa room ko, ngayong araw ay second date namin si Stephan. Wala akong kabang nararamdaman kumpara sa nang date namin noong Wednesday. Kaya paniguradong sisipot siya sa date namin mamaya. Bumangon na ako sa kama, niligpit ito at dumiretso sa bathroom para makaligo at makapaghanda na. Sa sobrang relax ko, nagising akong mag—a—ala—diyes naʼng umaga, alas—onse ang usapan namin, ayokong mauna. Nangako naman siyang siya ang mauunang dumating sa restaurant namin, ang DV Restaurant. Tumapat na ako sa shower at hinayaan kong mabasa ang aking katawan. Nagsabon na rin ako, naglagay ng shampoo, maging ang conditioner at nagbanlaw na rin agad. Nang matapos akong maligo at pumunta ako sa walk—in closet ko at kinuha ang aking damit, square pants and blouse na kulay dark blue. Heto ang isusuot ko ngayong araw. Nag—ayos na ako ng aking sarili, sinuot ko ang aking damit at naglagay ng light makeup, hindi ko iniisip ang oras dahil ang plano ko talaga ay maunang pumunta si Stephan sa restaurant namin. Nang matapos akong mag—ayos ay sinuot ko na rin ang half inch heels ko and sling bag ko. Tumingin ako sa full body mirror na nandito sa aking walk—in closet, maayos naman na ang itsura ko. Kaya tuluyan na akong lumabas sa room ko, habang nakita kong mag—a—alas onse pa lamang. Bumaba ako at nakita kong walang tao ngayon sa living room kaya tuluyan akong lumabas, nagbook naman na ako ng TNVS papunta sa restaurant namin, sa branch ng Timog. Nang makita ang binook kong car, huminto iyon sa harapan ko at pumasok sa backseat. Nakita ko ang mukha niya, same sa picture na nasa account niya. Tinignan lang niya ako at muling nag—drive, subukan lang niya may gawin sa akin, na—i—forward ko na ang name niya kina kuya Richard and kuya Ali. Kinuha ko ang aking phone at nakita ko ang chat ni Stephan kagabi. Stephan: See you on tomorrow, Rosy. Iʼll swear na sisipot ako tomorrow. Sleep well! See, nakapagchat siya kagabi, but now? Wala pang chat sa akin. Subukan niya akong indian—in muli. Wala pang kalahating oras ay dumating na ako sa restaurant namin. Binati ako ng staff kaya ngumiti ako sa kanila at pumasok sa loob ng restaurant namin. Hinanap ko sa loob si Stephan, pero wala akong makitang mukha niya. Fuck, nauna na naman ba ako sa kanya? “Miss Rosy, hereʼs your seat.” Huminto ako sa malapit sa may indoor fountain. Dito niya piniling maupo. “Heto ba ang ni—reserve ni Stephan?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. “Po?” “I asked if heto ba ang reservation na kinuha ni Stephan Velasco for us,” ulit na sabi ko sa kanya. “Uh, wala pong reservation from Stephan Velasco po, Miss Rosy. Dito ko po kayo dinala dahil favorite spot po ninyo ito.” Walang reservation si Stephan? Ano na naman ba ito? “Um, thanks! Tatawagan na lang kita once na naka—order na ako. Thanks!” Nakangiting sabi ko at naupo sa chair. Tumango siya sa akin. “Okay po, Miss Rosy.” Yumuko siya sa harapan ko at umalis na rin. Nang makitang nakalayo na siya ay kinuha ko ang aking phone at inumpisahan ko na naman siyang i—chat. Rosy: Where are you, Stephan? Akala ko ba mauuna ka sa ating dalawa? Really? Itʼs already 11:10AM na! What the hell! Nandito na ako sa branch ng restaurant namin sa Timog! Answer me! Where are you? Sunod—sunod ang chat ko sa kanya, hindi lang iyon dahil tinawagan ko na rin ang number niya, pero walang sumasagot na naman. This is deja vu? Hindi na naman ako mapakali habang patuloy akong nagcha—chat kay Stephan. “Thirty minutes,” sabi ko sa aking sarili. Ganoʼng oras lang ako maghihintay for him, after that ay aalis na ako. Ayoko na muling mapahiya. Ayokong maghintay nang matagal tapos hindi na naman siya sisipot. Rosy: Stephan? Where are you? Answer me! Hindi ako maghihintay nang matagal sa iyo! Tinatap ko na ang aking daliri sa table habang naghihintay sa chats niya pabalik, at maging sa oras na tumatakbo. Thirty minutes lang talaga akong maghihintay rito. Huminga akong malalim at ngumiti nang malaki. Tumayo ako nang makitang eksaktong thirty minutes na akong nandito. Lumakad ako papunta sa staff na nag—asikaso sa akin. “Hello, I need to go na pala. Nagmessage ang brother ko na need kong pumunta sa company namin. Iʼm sorry, okay? If may sumulpot na Stephan Velasco rito, give it to him, ha?” Nakangiting sabi ko at binigay ang kapiranggot na papel. “Kung wala naman dumating, pakitapon na lang sa trashcan. Thanks! Mauuna na ako!” dagdag na sabi ko at lumakad na palabas sa aming restaurant. Nakasulat lang naman sa papel na iyon ay, “Tangina mo, Stephan. Eat your f*****g words, okay?” Iyon lang naman ang sinulat ko at nag—drawing pa ako ng evil emoji. Bwisit talaga siya. Nagbook na muli ako ng TNVS, dumating din ito dahil nakapag—book na ako five minutes before mag—thirty minutes na naghihintay ako sa loob. Nilagay kong address ay ang bahay ng mga Velasco. Susugurin ko ang Stephan na iyon, paniguradong mahimbing ang tulog ng lalaking iyon at para naman hindi ako ma—bwisit sa bahay kapag nakauwi ako. Makabawi man lang ako sa dalawang beses na pag—indian niya sa akin. Habang nasa byahe ako ay iniisip ko na kung anong gagawin ko. Sasabunutan ko siya. Sasampalin ng mag—asawang sampal. Bubuhusan ng tubig sa mukha. Tatadyakan sa kanyang p*********i or lahat ay gagawin ko sa kanya para naman makaganti talaga ako nang todo—todo. Napalingon ako sa bintana nang makita ang village kung saan sila nakatira. Huminga akong malalim at ngumiti nang malaki. “Nandito na ako,” sabi ko sa aking sarili. Nakarating ako sa bahay ng mga Velasco, hindi ko alam kung bakit pumunta ako rito pero I need an answer. Hindi pʼwedeng nakalimutan na naman niya. Hindi pʼwedeng niyaya na naman siya ng friends and teammates. Or, kahit anong excuse ay hindi ko tatanggapin from him. Nagmukha na naman akong tanga na naghintay sa mismong restaurant naman namin, mabuti na lang ay thirty minutes lang ako naghintay. Hindi lang iyon dahil wala siyang reservation sa restaurant namin. Hindi siya nagpa—reserve, bwisit siya! Bumaba ako sa TVNS na binook ko, binayaran ko iyon thru cashless transaction at bumaba na rin para lumakad sa tapat ng gate nila, mabuti na lang talaga ay kilala ako ng guards na nakabantay sa gate ng Village, kung ʼdi hindi ako makapapasok dito dahil need ng approval sa may—ari ng bahay na pupuntahan ko. Kumatok ako sa gate nang ilang beses, pero walang nagbubukas. Impossible namang walang tao, nasa company kaya si uncle Nickel? Yumuko ako para sumilip, may awang ang kanilang gate sa ilalim pero nakita ko ang familiar na kotse na ginagamit ni uncle Nickel, nandito siya? Baka nandito rin ang pamangkin niya. Tumayo muli ako at pinagpagan ang suot ko. Paano naman ako makapapasok ngayon? Wait, hairpin! Binuksan ko ang sling bag ko at kumuha ng hairpin na nandito, ilalagay ko na iyon sa key hole nang makarinig nang may bumukas. Nangunot ang aking noo kaya tinulak ang small gate, bumukas iyon. “Bukas ito?” tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa paligid. “Walang tao. Wala naman siguro tatawag kung papasok ako, ano?” Lumingon—lingon pa ako sa paligid hanggang mabilis akong pumasok habang wala pang nakakakita sa akin. Lumakad ako nang dahan—dahan papasok sa loob ng living room nila, sobrang tahimik. Walang katao—tao sa paligid, pero nandito ang car ni uncle Nickel. Lumakad pa ako papunta sa kitchen nila, wala pa rin akong nakitang Stephan or uncle Nickel. Si uncle Nikko naman ay hindi rito natutulog, he has his own penthouse. Isa siyang sikat na artista. Bumalik ako sa living room at tumingin sa itaas, sa second floor. “Kailangan ko bang umakyat? Or, umalis na lang kaya ako? Paniguradong wala rito si Stephan. Saan naman kaya pumunta ang isang iyon?” kausap ko sa aking sarili. Kaya bababa na sana muli ako nang may marinig akong umuungol. “Umuungol?” takang tanong ko sa aking sarili. Pinakinggan ko pa nang maigi ang ungol na iyon, masyadong mahina kaya umakyat ako ng ilang baitang, pero wala pa muli akong naririnig. May multo ba rito sa bahay nila? Possible na may multo dahil walang tao masyado rito, every night lang dahil dalawa lang silang natutulog rito, sina uncle Nickel and Stephan. Napalunok ako nang paulit—ulit dahil sa pinagsasabi ko. “Walang multo!” mabilis kong sabi. Kaya bababa na muli ako para umalis sa bahay ng mga Velasco, pero nakarinig na naman ako ng ungol. “Hmm... Argh! Ugh!” Malakas na sa pagkakataon na ito kaya nagtaasan na ang mga balahibo ko. Ang mga paa ko ay kusang umakyat papunta sa second floor. Hinahanap ko ang ungol kung saan nanggagaling, lumiko ako sa kaliwang side ng second floor at may nakita akong ilaw mula sa dulong kʼwarto. Pupuntahan ko pa ba? Nagdadalawang—isip na ako pero kusang naglakad muli ang aking mga paa hanggang mahinto ako sa gilid ng pinto ng kʼwarto. “Argh! Rosy! f**k! Argh!” Nanlaki at namilog ang aking mga mata nang marinig ang boses na iyon. “B—boses iyon ni uncle Nickel, ʼdi ba?” pagtatanong ko sa aking sarili. “Rosy! Rosy De Vera! Holy f**k!” Lumalakas ang ungol niya kaya lalong kumabog ang aking dibdib. Napasandal ako sa gilid at naramdaman kong kumikibot ang aking kepyas. Kaya napasilip ako sa pintong nakaawang at halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko ang taguro niyang nakalabas, hindi lang iyon dahil tinataas—baba niya iyon habang sinisigaw ang pangalan ko. “Ugh! Rosy, ugh! Take this, baby!” paulit—ulit niyang ungol habang ginagawa pa rin niya iyon. “Oh my gosh!” Napabulalas ako kaya napatakip ako ng aking bibig, hindi lang iyon dahil napatingin sa aking gawi si uncle Nickel. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata kaya halos nataranta ako. Shet, nakita niya ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD