ROSY POV: NAGHIHINTAY ako ng reply ni uncle Nickel, pero wala pa rin akong nakukuha ng sagot mula sa kanya. Kailangan ko bang tanggapin iyon? Teka, tanggapin? Nasa bahay na nga namin. Alam kaya ni uncle Nickel na nagsend siya ng food? Pero, para saan naman kaya ito kung bakit siya nagsend ng pagkain para sa akin? “Miss Rosy? Tapos na po ba kayo? Kailangan po kasing picture—an iyong food kasama kayo.” Nangunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni ate Cindy. Binaba ko ang aking phone at lumakad muli palabas ng room ko. “Po? Kailangan akong picture—an?” tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang tumango sa akin. “Um, opo, Miss Rosy. Kailangan po ng picture ninyo para pruweba na nakuha at natanggap ninyo iyong food.” Nagsalubong ang aking magkabilang kilay. “Bagong protocol ba iyon?”

