ROSY POV “OO nga pala, Rosy. Ang gusto kong malaman ay about sa inyo ni Mr. Velasco? Paanong may nangyari sa inyong dalawa, ha?” tanong niya sa akin. Tinignan ko siya. “Paano may nangyari sa amin ni uncle Nickel? Dahil sa Stephan na iyon,” sabi ko sa kanya. Nagsalubong ang magkabilang kilay niya. “Paanong dahil sa sigbin na iyon, ha? Anong mayroʼn sa lalaking iyon kaya may nangyari sa inyong dalawa ni Mr. Velasco?” takang tanong ni Cheska sa akin. Alam kong naguguluhan din siya ngayon. “Ganito kasi iyon, Cheska. ʼDi ba? Pumunta ako sa hotel room kung nasaan siya? Then, after that ay umalis ako. Tumakbo ako paalis sa hotel na iyon tapos sumakay ako ng taxi if I remember right. Pumunta ako sa Flavor of the Month Bar, malapit na lang din kasi roon. Uminom ako, nagpakalasing ako, Cheska

