A Heart Against the Storm: The Closure
“hi! Kamusta?”, isang mensahe na natanggap ni Jake sa kanyang kasintahan na ilang buwan nang hindi nagpaparamdam sa di niya matanggap na dahilan, may iba nang kasintahan si Emma, ang babaeng pinaglaanan niya nang atensyon at pag.alaga, ano pa nga ba ang laban nang isang taong nagmamahal kung malayo ito sa kanya? Ang masakit, dun pa niya nalaman sa ibang tao ang totoong nangyayari at ginagawa nang kanyang nobya, habang nalulungkot si jake, nagpapakasaya naman si Emma kasama ang lalaki na pinagpalit niya kay Jake.
“hello, okay lang ako, ikaw?”, sagot ni Jake na bakas ang tuwa at pag.asa,
“okay lang din, ano ginagawa mo ngayon?” Tugon ni Emma,
“ehto lang sa bahay nang kaibigan ni Papa, nag.iinuman, pinagdiriwang ang isang taong ala,ala na akala ko magiging masaya,” ani Jake,
“naalala mo ba ang gabi na ‘to?, ito yung gabi na kinanta ko ang mga paborito mong kanta” dagdag pa ni Jake,
“ ah, ganun? Uhm sorry sa nangyari sa atin dalawa, ikaw kasi di ka na nagtitext at di ka na tumawag!” ani Emma,
“ ganun? Ako pa di nagtext at tawag? Eh naka 100x kaya ako tumawag sayo nung gabing ‘yun, dami ko kaya text messages sayo andito pa sa cp ko,” ani Jake,
“ wag ganun, alam mo na tumatawag ako lagi, pinapatay mo dibah?, at pagkatapos blina block mo ako sa cp mo, mga messages ko di mo nirireply pati sa messenger, dibah?” dag.dag pa ni Jake na halos tumulo na ang luha,
“yup, sorry sa ginawa ko, I only choose myself, we can still be friends.” Pag.amin ni Emma sa kasalanan,
“okay na yun, kinaya ko naman eh, kaibigan? Dibah dati mag kaibigan tayo? Bat tinapon mo ako nang ganun ganun lang? di mo nga alam ibig sabihin nang salitang kaibigan eh!” sumbat ni Jake,
“ what can I do para lang patawarin mo ako?, we can talk personally, if you want to!”, ani Emma,
“pinatawad na kita, wag mo nalang ako guluhin,” pagtatapos ni jake sa usapan,
“okay” tanging tugun ni Emma.
Bagamat tinapos na ni Jake ang usapan, bakas pa rin sa mukha niya ang magkahalong lungkot at saya, saya dahil nagkausap ulit sila nang taong mahal niya, at lungkot dahil sa katutuhanang hindi na maaring maging sila.
Si jake ay isang ordinaryong tao, mabait, matalino, masayahin, mapagmahal, subalit sa likod nang mga katangiang yan, si jake ay matatawag na loner, at madaling magalit. Nang dumating sa buhay niya si Emma, saka lamang nag bago ang takbo nang buhay niya at mga paniniwala, subalit sadyang mapaglaro ang mundo, nalayo siya sa taong mahal niya at niloko, na sa subrang sakit nang kanyang naramdaman, dumating pa sa pagka-wala niya sa pukos na humantong sa aksidente. Linabanan niya ang lungkot para sa mga taong nagmamahal sa kanya, hanggang sa tuluyan nang gumaling ang sugat sa puso niya.