Paghihiwalay

1334 Words
"Ang ganda naman ng mahal ko!" nakangiting papuri niya sa asawa. Masaya sya na nakikita itong nag-enjoy sa ginagawa . Tila lalo itong ganadong pumasok sa trabaho dahil sa mga binili n'yang mga bagong damit. "Syempre! dapat lang, dahil hindi basta-basta ang companyang pinapasukan ko!" Confedent na sambit nito.Nakapamaywang pa ito sa harap ng salamin at sinisipat-sipat ang sariling pigura. "So, anu Tara na?" yaya nya rito. Tanghali na kasi at baka ma-traffic pa sila sa daan. Rush hour pa naman ang lakad nila. "Sa kanto mo na lamang ako ihatid mahal ko. Magta-taxi na lamang ako papasok"Narinig nyang sambit nito. Habang Nakatingin pa din sa salamin at di matapos tapos ang pag-aayos sa sarili. Sa tantiya n'ya isang oras na itong nakaharap said salamin. " Bakit naman? Mas makakatipid tayo kapag ihahatid kita, tska gusto kitang ihatid para makasigurado akong safe ka!" giit pa 'nya. Sa ganda ng asawa n'ya nag-alaala sya na baka may ibang lalaking umaligid dito, o kaya naman may lalaking mambastos kaya bantay sarado nya ito. Kung maari nga lang sa samahan nya ito sa opisina para lamang mabantayan pa ito. Humarap ito sa kanya at malambing na Inaayos-ayos ang kwelyo ng Kanyang jacket." Ah.. Mahal, kaya ko na ang sarili ko. Maari mo na akong iwan dito sa Maynila." marahang wika nito sa kanya. Napakunot ang noo n'ya dito. Kaylan lang nagmamakawa itong samahan sya, ngayon ay animo'y tinataboy na sya nito. "Hindi maari!"mariing sambit nya." sa samahan kita dito hanggang sa matapos mo ang dalawang taon na usapan natin"giit nya. Kita nya kung paano magsalubong ang kilay nito. "Ngunit Troy.. Hindi ba marami ka pang gagawin sa bukid? Ayos lang ako dito pramis. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid sundo. Kaya ko na. Hayaan mo uuwi na lang ako sa atin tuwing bakasyon." dagdag pa nito. Mukhang gusto nitong mapag-isa sa Maynila. "Ihahatid na kita ko hindi ko gusto ang pinapagawa mo sa 'kin. Tara na!"pagpupumilit niya at hinawakan ito sa braso. "Troy...! Ayoko sabi!' may himig ng pag kainis ang tono nito. " Kung gusto mo talaga akong ihatid iwan mo ang sasakyan mo!" Ang kilay n'ya naman ang nag salubong sa tinuran nito." Bakit na naman?" Nalalabuan talaga sya dito ngayon. Dinamay pa ang sasakyan niya. "Luma na yan, baka masiraan pa tayo sa daan" Minaliit pa nito ang paborito nyang Wrangler rubiccon. Hindi lang nito alam na mas mahal pa iyon sa nakikita nyang brandnew na sasakyan sa building na pinagta-trabahohan nito. Sinuri niya ng tingin ang asawa May pagka-maarte minsan ito kaya basa niya ang nasa isip at kilos nito. "Anicah nahihiya ka bang sumakay sa jeep natin?" Prangkang tanong niya dito. Sa unang tingin kasi mukhang patapon ang sasakyan nya. Ngunit sa mga nakakaalam, ay mataas ang halaga ng sasakyan nya. "Hindi"sagot nito ngunit iba ang nakikita n'ya sa mata nito. "Hindi pala eh bakit ayaw mong sumakay?" Hindi kumibo ang babae." Hm.. Natatakot ka na masiraan tayo? 'wag kang mag alala Matibay ang sasakyan ko na 'yan, kaya hindi tayo n' yan ilalagay sa alanganin."Paninigurado niya. Matagal na n'yang ka buddy ang sasakyang iyon. Mapakalsada man o putikan. Marami na rin siyang pinag daanan sa dyep nyang iyon. Ito ang piping saksi at ka buddy sa kanyang Tagumpay at kabiguan ng mapalipat sa probinsya. " Ayaw ko! kung ihahatid mo ako gamit ang sasakyan mo wag na lang! magcucumute nalang ako, kesa sumakay dyan! Hindi mo ako mapipilit!" Pagmamatigas nito sa kanya. Napapikit sya sa inaasal nito. Pakiramdam nya lumabas na ang totoo kulay nito na pinakaayaw nya sa isang babae. "So nahihiya ka nga? Anicah Hindi ko akalain ganyan ka pala! sino ang sunod mong ikakahiya akoh?" tumataas ang boses niya dito. "Troy Hindi!" "Wag ka nang magkaila nababasa ko na ang mga kilos mo! Kilala kita! Hindi na ako magtataka na sunod mong itatanggi na ang asawa mo ay isang magsasaka lamang na tulad ko!" iritadong paratang n'ya dito. Napasimangot ang babae sa tinuran nito. Wala talagang ligtas sa asawa ang mga kilos niya. Kaunting panahon lang na magkasama sila ay tila kilalang kilala na sya nito. Naiirita sya talas ng dila ng lalaki. Wala itong preno sa kanya. Nahusgahan agad nito ang pagkatao nya. Oo. Aminado sya doon. Masama bang mangarap ? Masama bang mamuhay ng desente at marangal? Besides, pinaghihirapan naman iyon. Kaya nga sya naga-trabaho dahil pangarap nya iyon. Kung masama ang tingin dito ng asawa then wala na syang magagawa. This is it! Ganito ang nais nya at hindi sya mapipigilan ng asawa kahit anong mangyari. "Oo nahihiya akong sumakay sa dyeep mo!! Anu ipipilit mo pa?" bulyaw nyang pag-aamin dito. Napailing ang ito sa tinuran niya. At kita niya ang pagdilim ng mukha nito. Napatingala ito sa taas at waring pinipigilan ang pagtulo ng luha. "Ako ikakahiya mo rin ba ako?" "Kung patuloy kang sasakay sa bulok mong dyeep na yan, at hindi mo aayusin ang sarili mo mahihiya akong kasama ka!" prangkang wika niya. Kita niya ang pag-igting ng panga nito. At Hindi makapaniwala sa mga sinabi sa 'narinig sa kanya. Sa Inis niya kaya nasabi niya lahat iyon. " Ganun naman pala eh, sige mag-isa ka na lamang dito. Baka maka sira pa ako sa imahe mo!" Inis na turan nito sa kanya saka nagmadali lumabas ng pintuan. Hindi na niya ito hinabol. Hinayaan na lamang niya ang asawa.. Bumalik man ito o hindi wala na siyang pakialam. Sa tingin niya kaya na nyang mag-isa.Wala s'yang dapat ikatakot lalot may trabaho na na'sya. Kapag lumamig na ang ulo ng saka na lamang niya pupuntahan. Panigurado sa Nueva Ecija lang naman ang alam niyang pupuntahan ng asawa. Sa kanilang tirahan sa probinsya. Natitiyak niyang isang himas lang ang katapat ng pagtatampo nito sa kanya. NAGMAMANIHO si Troy pa pauwi sa kanyang condo. Gusto niyang magpalipas ng sama ng loob kaya ito ang lugar na napili niyang puntahan. Sobrang disappointed sya sa asawa.Tila katulad din ito ng mga babaeng umaaligid sa kanya. Pera lang ang habol. Mabuti na nga lang talaga wala iyong alam sa pagkatao nya. Kung Hindi baka lumaki ng husto ang ulo nito at kinontrol na sya. Hindi nya hahayaang mangyari iyon. Kahit kailan walang babaeng nakahawak ng puso n'ya. Oo mahal nya si Anicah kaya lang hindi niya hahayaang lumalim yon. Kung ganun naman pala ang totoong ugali nito, hindi nya deserve ang ganoong babae. Nakahanda syang pakawalan ito. Isa lang naman ang nais nya. Ang babaeng mamahalin sya kahit nasa aba pa syang kalagayan. Ito ang dahilan kaya itinago niya sa asawa ang tunay nyang pagkatao. Pakiramdam nya nagka mali sya ng pakasalan ito. But it doesn't matter anymore , besides Anicah is just a low class woman. Katulad ng mga babaeng pinagsawaan niya. Madaling itapon at palitan. Hindi kawalan sa kanya ang ganitong uri ng babae. Kaya nya iyong palitan anytime kahit sampo pa. Pagtapat nya ng palad sa sensor ng pinto ay agad itong bumukas. Pumasok sya at naupo sa couch. Hindi pa man sya nakakapaghinga ng maayos ay may tumunog ang doorbell. Patamad nyang tinungo ang pinto at binuksan. Nagulat sya ng mabungaran ang mga tauhan ng ama. "Anung ginagawa nyo dito?" "Sir Wilson bumalik na po kayo sa Mansyon. Hinahanap na po kayo ni Don William." magalang na sambit ng nakaitim na lalaki. Nakayuko ito habang nagsasalita sa kanya. "Umalis na kayo dito. Pakisabi sa amo n'yo wala na siyang anak kinalimutan ko na siya" pabulyaw na sambit nya. Mainit na nga ang ulo nya, sumulpot pa ang mag taong ayaw nyang makita. "Ngunit sir Wilson.. Kabilin-bilinan po si Don William dalhin namin kayo sa kanya.Mayroon s'yang importanting sasabihin sainyo!" " Wala akong pakialam sa utos n'ya sainyo!Umalis na kayo dito!" Nanatiling nakatayo lamang ito sa harap nya." Ano pang hinihintay nyo?! "Alis!! "bulyaw nya dito. Nataranta ang mga itong tumalikod. Sa lakas ba naman ng boses nya na parang bombang sumabog, Sa lakas nito ay magigising kahit patay. Sinabayan ng marahas at walang awang tingin kaya tuluyan na syang iniwan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD