bc

My Husband's Secret

book_age18+
1.3K
FOLLOW
11.8K
READ
playboy
badgirl
powerful
brave
self-improved
confident
inspirational
virgin
gorgeous
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Siya si Anica Abad. Ang dalagang pinalaki sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.

Punong puno sya ng mga pangarap sa buhay. Kahit kapos ay itinaguyod ng mga ito, ang kanyang pag aaral.

Sinubok ang kanilang pamilya ng maoperahan ang ama sa puso. May isang tao ang nag alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga.

Paano pa niya matutupad ang mga pangarap sa buhay ng nakatali na siya sa isang farmer boy na di niya pinangarap?

Si Wilson Sandoval ang binatang may malaking tampo sa ama. Dahil dito Iniwan niya ang matanda pati ang lahat ng karangyaan pati ang kanyang magandang pangalan.

Namuhay siya sa farmers village bilang simpling tao sa katauhang Troy Rumulo. Paano sila mamuhay ng simpli ni Anicah kung marangyang buhay ang nais nito bagay na ayaw niya.

Dahil dito ay mamaliitin sya' nito at ikakahiya. Ito ang magtutulak sa kanya para taguan ito at bumalik sa dating marangyang buhay.

Sa pagkawala niya bilang Troy Rumulo mare-reliaze ng asawa na mahal siya nito kaso huli na. Nais nya itong parusahan at kalimutan.

Magpapakilala sya bilang boss na arogante cold at mapagmataas.

Hanggang kailan niyan kaya ito matitiis.

Paano kung sa pag gising ni Anica isang araw na ang boss niyang mapang api ay ang nawawala nyang asawa na nang lait

Sa kanya? Hindi lang ito. Paano kong may isa pa pala itong sekrito na ikagigimbal niya?

Ma'anatili pa kaya siya sa tabi 'nito o mas pipiliin na lamang niya ang dating simpling buhay?

chap-preview
Free preview
Kasunduan
Malayo ang tanaw ni Anicah , iniisip niya kung saan kukuha ng perang pampa opera sa amang may sakit sa puso. He needs an urgent operation by pass surgery dahil yon na lamang ang makapagliligtas dito sabi ng doctor sa kanya. Naawa siya sa ama, kung mayroon lamang siyang magagawa para tulungan ito ay gagawin niya kahit ano. "Anicah, ano tara na ba?" Untag ng binata sa likuran niya. Sinamahan siya ni ni Troy sa bahay nila para kumuha ng ilang mga damit na gagamitin ng ina na si Aling Milagros. Nasa ospital kasi ito para magbantay sa ama niya. Walang sigla siyang tumingin sa binata. "Anong gagawin ko Troy? Saan ako kukuha ang pampa opera ni tatay?" Halos maiiyak niyang sambit. Bumuga ito ang hangin bago sumagot sa kanya. "May kilala akong tao na makakatulong sayo." sumigla siya ng bahagya sa sinabi nito. "Sino, Troy?" Ngumiti ito sa kanya. "Basta matutulungan ka niya..sabihin mo lang sa akin kung interesado ka" Nangunot ang noo niya dito. " Bakit parang sure ka na tutulungan niya ako?" "Wag mo ng alamin. Anu papayag ka ba magiging kondisyon niya kung sakali?" Napabuga siya sa hangin bago sumagot kay Troy. "Sino ba siya? At anong kondisyon niya?"tanong niya. Mahirap na kasi ang mapasubo sa kung anong hihilingin nito sa kanya. Pano na lang kung kidney niya ang kapalit nito? Mahirap na. Ayaw niyang maoperahan ng wala sa oras. O kaya naman pagbintahin siya ng bawal na gamot. Ayaw niya 'yon baka naman makulong siya. " Ako. " sagot nito na ikinangisi niya. " Ikaw? " " Yes." " Troy, naman.. Seryuso ang problema ko. Isa pa hindi biro ang halaga na kailangang ko. 700 hundred thousand. Kaya wag ngayon ah.. Wag mo akong pagtripan." nakasimangot niyang babala dito saka ito tinalikuran at humalukipkip siya. "Seryuso din ako, tutulungan kita. "Kaya kitang bigyan kahit isang milyon pa."seryusong wika nito. " Paano e, hindi mahirap ka lang? Magigiba na nga ang bahay mo"aniya at inirapan lalo ito. "May ipon ako. Hindi naman kasi akong maluho na kagaya mo." sagot nito sa kanya. Hindi sya sya naniniwala sa sinasabi ng binata. Duda talaga siya dito,lalo na ang alam niya kasi magsasaka lamang to sa kanilang baryo. Sa pagkakaalam n'ya walang mayaman na magsasaka sa lugar nila. Pantay pantay lang yata sila ng pamumuhay doon. Kadalasan bayad utang lang ang Karamihan magsasaka sa bayan nila. Swerte kapag kumita ng malaki at mayroon pangmaitabi. "Niloloko mo naman ako Troy..lakas talaga ng trip mo no?tara na nga!" aniya na tatalikod naman sana. "Hindi kita niloloko. Totoo ang sinasabi ko. Anu papayag ka ba?" Huminga muna siya ng malalim bago patulan ang kalokohan nito. "Oo sige na. Pero anu ba ang kondisyon mo?" nakairap pa rin niyang tanong habang hinihintay itong sumagot. "Pakasalan mo ako" Napabalunghawit siya ng tawa sa sinabi nito. "Ikaw pakakasalan ko?" "Oo. Anicah.. Gusto kitang maging asawa. Kapag pumayag ka ngayon din maooperahan si Mang Ando. Anu payag ka ba?" seryusong sabi ni Troy. Kanina pa ito walang ka nagiti ngiti kahit alam niyang pinagtripan siya nito. Pero paano nga ba kung nagsasabi naman ito ng totoo? Hindi maari. Impossibli. " Umalis na nga tayo.. Hindi ko ibebenta ang puri ko sayo, no? Hindi pa ako nababaliw para gawin 'yon."mataray niyang sabi at inikotan ito ng mata sabay ayos ng buhok na ikinakalat ng hangin mukha niya. "Kung ayaw mong pumayag.. Sige.. Balaha ka. Ibang babae na lang ang aalokin ko ng kasal since ayaw mo naman." sabi nito at nagpatiuna nag dyeep nitong dala. Naupo ito sa driver seat. "Sandali. "wika niya na ikinatingin nito sa kanya. " Seryuso ka ba talaga? " "Oo, Anicah. Trust me. Wala naman mawawala kung papayag ka. Hindi ba?" bukod sa gwapo na ang mapapangsawa mo, mailigtas pa nito ang tatay mo sa tiyak na kapahamakan"ngayon niya lang ito nakitang ngumiti mula kanina. Gwapo na man talaga ito kaso hindi niya ito bet maging asawa dahil malaki ang agwat ng edad nila. Tingin niya ay aabot yon sa sampong taon. At ayaw niya yon. Ngunit dahil nakataya dito ang buhay ng ama niya.. Bahala na. "Oo na. Basta maoperahan agad si Tatay, " despiradong wika niya. "Okay.. Kung ganun.. let's go!" masigla nitong sabi at ini-start na nito ang makina. Hanggang sa makarating ng hospital. "NANAY ito na po ang mga damit nyo. Mag palit po muna kayo." wika niya sa inang mayroong malungkot ang mukha.Tingin niya nga para na din itong may sakit sa sobrang pag alala sa ama niya. " Kumain na po kayo 'nay?" "Wala ako gana anak ikaw na lamang ang kumain" "' Nay, kailangan nyo pong kumain kahit kaunti."Pamimilit niya sa ina. Nag aalala siya na baka ito naman ang magkasakit. Paano na lamang siya. Di niya pa kayang mag isa lalot na nag iisang anak lamang siya nina Mang Ando at Aling Milagros. " Anak paano ako makakakain niyan,gayong ang tatay mo nasa bingit ng kamatayan.Saan tayo kukuha ng pera?Hindi ko kaya kapag nawala siya... "naluluhang sambit nito na labis ang pag aalala. " Wag po kayong mag alala 'nay--"aniya at hinaplos ito sa likod. " "May awa ang Diyos.. Hindi pa niya babawiin si tatay sa atin. Huh?" malumanay niyang sabi. Nayakap siya ng ina. "Sana nga anak. Dahil Hindi ko kayang mawala ang tatay mo naluluhang sabi ng kanyang ina. Mahal na mahal talaga nito ang tatay niya. Napahixalay sila ng yakap ng pumasok ang doktor. "Mrs. Milagros Abad, may nag deposit na po sa amin ng malaking halaga, para sa operasyon ng inyong asawa. Pirma nyo na lang po ang kailangan para maoperahan ang pasyente." imporma ng doctor na si Dr. Manalo sa ina. Pareho silang di makapaniwala ng ina sa balita ng doktor sa kanila. "Talaga po Doc?" paniniguro pang tanong ni aling Milagros. "OHo, Mrs Abad." "Kung ganun po dok, maraming Salamat po." maiyak iyak nag sabi nito sa doktor. "Naku, wag po kayong magpasamat sa akin kundi doon sa nagbigay ng tulong. Kaso po ayaw ng ipasabi." Parang nahuhulaan na ni Anicah ang taong tinutukoy ng doktor. Si Troy. Di nga nagsisinungaling ang lalaking yon. Siya naman tuloy ang kinakabahan ngyaon. Makakapagasawa na yata siya wala sa plano. Gusto man niyang bawiin ang diniposito nito sa ospital kaso nawalan siya ng lakas ng makita niya ang ama na nakaratay sa kama. Nais niya pa itong makita na nakatayo kasama ang nanay niya at siya. "Sige po Doc, pipirmahan ko na po ang waiver para operasyon ng asawa ko,"wika ng ginang sa manggagamot. Hinayaan na lamang niya ito na gawin yon. "ANAK, hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang taong tumulong sa atin sino kaya s'ya? Tska bakit niya kaya tayo tinulungan?"may pagtatakang sabi ng ina sa kanya habang nagpapahangin sila noon sa labas ng bahay. Two weeks na noon ang nakalipas matapos makauwi ang ama niya sa ospital. " Hayaan niya na po ' nay.Kung sino man siya, thank you na lang talaga sa kanya. "sagot niya sa ina kahit alam n'ya kung sino ang tumulong sa kanya. Ayaw niya namang sabihin dito na nakasanla na siya kay Troy. Baka ito naman ang atakihin sa puso kapag nalaman ito ng nanay niya. Ayaw niyang mangyari yon. Hindi niya makakaya. Mag isa na nga lang siyang anak mawawalan pa siya ng magulang. Kaya itinikom na lamang niya ang bibig. Mula ng maghiwalay sila ni Troy sa ospital hindi pa sila nito nagkikita. Pabor iyon sa kanya dahil sa totoo lang wala pa naman siyang balak mag-asawa. Sana lang talaga nakalimutan na nito ang kasunduan nila. Bata pa siya. 21 lamang at si Troy 31 naman. Parang hindi pa niya kaya ang magkaroon ng pamilya. Lalo na mag anak ng maaga. Marami pa siyang pnagarap sa sarili at sa kanyang pamilya. Katulad ng pagtatrabaho sa siyudad. Sa office sana. Sayang naman ang pinagaralan niya ng ilang taon sa college kung hindi niya yon magagamit. Mula noong bata pa siya pangarap na yon. Kaya nga kahit mahirap ang buhay nila iginapang siya ng kanyang magulang sa pag aaral. "Magandang gabi po Aling Milagros!" biglang rumagasa ang kaba niya sa dibdib ng marinig ang pamilyar na boses na yon. Si Troy. Narito sa harapan ng bahay nila. Hindi tuloy siya makahinga. Kakasabi pa lamang niya sana wag muna itong dumating kaso narito na. Nanadya naman yata ang langit. "Ikaw pala Troy, tuloy ka" Agad na sambit ng matanda sabay senyas sa binata na pumasok.Tumuloy naman ang ito sa balkonahe nilang yari sa kawayan at pawid. Naupo ito sa mahaba nilang upuan katapat niya. "Si Mang Ando nga po pala, kumusta na?" " Mabuti naman hijo, nasa loob siya nagpapa hinga. Gusto mo bang makita.? Halika sasamahan kita sa loob, pumasok ka."Ani ng nanay at akmang tatayo ma sana ito. "Ah, wag na po baka po makaistorbo pa ako sa pagpapahinga niya. Kailangan nya po yon ngayon, kaya sa ibang araw ko na lamang siya ka kakausapin" "Bahala ka.. Kung ganun.. Anu pala ang sadya mo, hijo?" "Si Anicah po sana... Gusto ko pong makausap" Nalingonan siya ng kanyang ina. "Anak.. Ikaw pala ang sadya nitong si Troy... So pano, Maiwan ko muna kayo dito at kausapin mo sya.Papasok muna ako sa loob, baka hinahanap ako ng tatay mo" sabi ni Aling Milagros at nagpatiuna na ito sa loob. Naiwan ang dalawa sa balkonahi. Si Anicah dinadaga na siya ngayon. Panigurado singilan time na ito. Huminga muna siya ng malalim bago tumingin sa mukha ni Troy. Mukhang mabait naman ito at madaling kausap. Baka may paraan pa para maka bayad siya. "Bakit nga pala ngayon ka lang?" ngumiti siya ng pagkatamis tamis dito. Tipid na ngiti lang itinugon nito. "Bakit namiss mo ba ako?" "Aah.. Hehe.. Hindi noh!" natatawa niyang sagot na may kasamang irap. "Kapal mukha nito"sa isip niya. Di nawala ang ngiti nito sa kanya. "Ganda mo ngyaon Anicah" "Hindi naman" pa humble na sabi niya. Bago pomormal siya ng tingin dito. "Ahm. 'Troy.. Yong tungkol nga pala sa usapan natin.." panimula niya. "Bakit excited ka na ba na makasal tayo?" nagingiting tanong nito na feeling gwapo. Di siya kinikilig. Sa kaedad niya lang siya kinikilig. Sa matanda sa kanya ng sampong taon kinikilabutan na siya. " Hindi ah... Ang totoo niyan.. May proposal sana ako sayo. " "Anu naman yon..may future wife?" Napangiwi siya ng tawagin siya nitong future wife. Tumatayo ang balahibo niya. "Kasi Troy.. Ang totoo niyan hindi pa talaga akong handa na magpakasal sayo.. Kung maari ihahanap na lang kitang ibang babae na papayag na maging asawa mo." Natatawa itong naiiling sa kanya. "Mas maganda sa akin ang hahanapin ko para sayo.. Tapos mas marunong sa buhay.. At mabait at maalaga." sabi niya para lang pumayag ito. Unti unting nawala ang ngiti nito sa sinabi niya. "Ayaw ko Anicah.. Dahil ikaw ang gusto ko"mariing sabi nito. "Wala ka namang mapapala sa babaeng kagaya ko Troy. Bukod sa hindi pa ako handa sa pagaasawa..hindi rin kita kayang alagaan. Hindi ako marunong magluto, maglaba, maglinis..at wala akong alam sa buhay Troy." giit niya para madismaya ito. "Asawa ang kailangan ko Anicah. Hindi katulong. So what kung di marunong sa gawaing bahay. Kaya Kong gawin yon para sa atin." "Sure ka? " di makapaniwalang sabi niya kahit sinabi na niya ang mga negatibong katangian niya dito. "Oo Anicah" "Hindi kaya mahirapan ka lang sa akin? I'm warning you!" babala niya dito. "Totoo yon Anicah.. Kaya wag kang mag alala. Kapag naging asawa mo ako ituturing kitang Prensisa. Ito lang ang hihilingin ko sayo" "Ano yon naman yon?" "Mahalin mo lang ako at maging tapat kasi ka sa akin" ** ONE MONTH later, sa simbahan din ang tuloy ng kasunduan nila . Hindi na siya nakatanggi pa kay Troy. Lalo na malaking halaga ang pinakawalan nito para sa ama niya. Di naman tumutol ang magulang niya ng sabihin nila magpapakasal sila. Dahil kilala nito ang binata. Pangulo kasi si Troy sa kooperatiba ng mga magsasaka sa kanilang baryo. Tiwala ang ama at ina niya mapapangalagaan siya nito kagaya ng pagalalaga ng mga ito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
59.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.4K
bc

The Ex-wife

read
235.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Governor Hidden Mistress

read
36.1K
bc

Lara's Seduction

read
177.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook