Tahimik si Anicah habang binabaybay nilang mag asawa ang pauwi sa bahay nito.
Habang nasa sasakyan sari-sari ang naglalaro sa kanyang isipan . Anu na kaya ang mangyayari sa kanya ngayong mag-asawa na sila ni Troy?
Sa edad n'ya ngayon ay hindi pa s'ya handa sa ganitong buhay. Marami pa syang pangarap na nais tuparin. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng trabaho.
Sayang na man kasi ang pinag aralan n'ya kung hindi nya ito magagamit.
Nag alala sya na baka hindi na mangyari iyon dahil asawa na niya ang lalaking hindi niya naman niya pinangarap.
Nakilala niya lang niya lang ito sa pamamagitan ng kanyang ama. Isang magsasaka ito na presidente ng kooperatiba sa kanilang lugar, kung saan ang ama niya ay myembro at opisyal din sa naturang samahan. Pabalik-balik ito sa bahay nila kaya palagi sila nitong nagkikita.
Nuong una ay akala niya nakakababatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya dahil sa agwat ng kanilang edad. Wala syang ka alam-alam
na may lihim itong pagnanasa sa kanya na nauwi sa kasalan.
Halos sampong taon ang tanda nito sa kanya na hindi niya gusto. Ang nais niya kasi, ay kung magkakanobyo man sya ay siguro yong malapit sa kanya ang edad na dalawa o apat na taon.
Lihim n'yang sinulyapan ang anyo nito habang nagmamaniho ng kanilang sinasakyan na lumang na owner type dyip.
Sa tingin niya may maayos itong pangangatawan, hindi nga lang iyon kita dahil naka jacket ito na maong na medyo kupas. Cowboy ang palagi datingan nito, taliwas sa nais niyang k-pop look.
Ang buhok naman nito ay tila napabayaan ng pagupitan kaya minus pogi points ito sa kanya.
Mahilig kasing sya sa clean-cut na buhok. Kahit hindi pogi ang nagdadala nagiging gwapo na iyon sa paningin n'ya kapag bagong-gupit ito.
Kung may nakaka-attract man sa asawa niya ay ang mga mata nitong nakaka-akit kong tumingin na para bang nanghihipnotismo.
Ilang saglit pa narating na nila ang bahay nitong tila napaglipasan na ng panahon.
Gawa iyon sa bato at ang bobong nito ay yari sa pawid.
Unang beses niya itong makakapasok sa bahay ng asawa. Dati kasi dinadaanan n'ya lang ang bahay nito at wala syang interes na pumasok kahit sa bakuran man lang nito. Sa labas pa lang kasi nadidismaya na sya. Pakiramdam niya marumi ang loob nito at may kakaibang amoy.
"Halika ka na pumasok na tayo sa loob."alok nito sa kanya.
Nakita kasi sya nito na parang nakapako lang sa kinatatayuan na parang ayaw niyang humakbang.
Dala dala ng asawa ang dalawa n'yang maleta papasok sa loob.
Napilitan s'yang sumunod dito. No choice na rin naman s'ya. Asawa na niya ito. Mula ngayon makakasama na niya ito sa bahay na iyon.
Binuksan ng lalaki ang pintuan at marahang itinulak iyon.
Bumungad sa kanya ang maaliwalas at malawak nitong loob. Puti ang pintura nito at may makintab na sahig.
Napawow sya sa ayos nito. Kahit pala luma ang labas ang at di kangandahan bongga naman pala ang loob nito.
Mayroon itong maayos at bagong mga kagamitan na kagaya ng L-shape na sofa. Malaking TV na nasa bandang kanan.
Parang pina interior ang loob nito dahil sa maayos na pagkakapwesto ng mga kagamitan at ilang mga pangdis-play, kagaya ng mga pigurin.
Mayroon din itong antigong painting ng mga magsasaka na nag aani ng kanilang mga tanim.
Sa pagka ka alam n'ya, gawa pa iyon ni Fernando Amorsolo. Sa tingin niya ay original ito at hindi authenticated lamang kung susuriing mabuti luma na kasi ito.
Nagtataka sya kung paano nagkaroon nuon ang kanyang asawa . Ang alam niya sobrang mahal nuon. Ganun ba ito katipid para makabili ng ganung kamahal na painting?
"Tuloy ka sa bahay natin, mahal ko." yaya nito sa kanya.
Sumunod s'ya sa lalaki. Hila nito ang kanyang maleta papunta sa isa pang silid sa may bandang kaliwa.
"Ito ang magiging silid natin."wika nito sa kanya.
Bahagyang lumaki ang mata niya ng makita ito.
May glaswall kasi ito sa bandang kanluran.
Kita ang maliliit na hardin sa harap nito at sa malayo ay tanaw ang kabundukan. Hindi na rin kailangan ang ilaw para lumiwanag ito.
Ang kama naman nila ay gawa sa antigong kahoy na napatungan ng bagong mattress na nababalutan ng asul na kobre kama.
Nasabi niyang antigo ito dahil sa makintab na kulay ng headboard at parang luma na ang desinyo , pero Maganda pa rin at mukha itong Matibay kung titinggnan.
"Nagustuhan mo ba mahal ko!" turan nito sa kanya.
Simpling tango ang itinugon n'ya siya sa asawa.
"Mabuti, mula ngayon magkasama na tayo sa silid na ito. At magkatabi tayong matutulog sa kamang ito. Okay lang ba sayo?" Anito habang nakaturo ang hinlalaki nito sa higaan at naupo ito doon.
Inismiran niya ito. "As if naman may magagawa pa ako gayong inasawa mo na ako." aniya. Sabay irap n'ya dito.
Pakiramdam niya kasi ginamit nito ang sitwasyon niya para makuha sya nito.
Nakiusap kasi sya dito dati babayaran na lamang niya ang utang nila na pa unti-unti ngunit Hindi ito pumayag. Kasal ang hinihingi nito sa kanya kaya wala na syang nagawa kundi sumunod sa una nilang kasunduan kapalit ng pagpapa gamot sa kanyang ama.
"Huwag kang mag alala. Magiging masaya ka sa piling ko. Paliligayahin kita. Hindi ka magsisi na pumayag kang pakasalan ako. Dito tayo bubuo ng pamilya natin. Magkakaroon tayo ng maraming anak. Gusto mo ba iyon?" Nakangiti nitong wika.
Sa itsura nito ngayon ay mukhang handa na itong gawin iyon.
Sinalubungan ito ng kilay. Ni sa hinagap niya ay hindi pa niya naiimagine na magkaroon ng anak.
Hindi pa sya handa sa ganong bagay.
"So pano.. Baka naman maari na nating simulan..?" pangiti - ngiting sambit nito sa kanya.
"Hee! Magtigil ka nga! Marami pa akong gagawin no." aniya sabay dampot ng maleta.
Kinikilabutan sya sinasabi nito. Hindi pa sya handa makipag s*x dito.
"Saan ko ba ito ilalagay?" aniya binuksan niya ang ito.
Napatayo ang lalaki at lumapit sa kanya sa ibaba.
"Okay.. Tutulungan na kita para pakatapos nito. Magagawa na natin yon.. Anu.. Excited na ako. Ikaw, ba?"
Nahila niya ang maleta patagilid para hindi sya matulungan. Iniwas niya ang tingin dito. Hindi sya komportablesa naiisip nitong kahalayan.
Sumunod ang asawa sa kanya at hinuli nito ang kanyang tingin.
"Maari ba Troy.. Hindi pa ako handa sa sinasabi mo. Kaya kung maari wag mo munang babanggitin 'yon." asik niya dito.
Napapangiti ang lalaki sa reaksyon ng asawa. Pulang pula kasi ang mukha nito. Maganda pa rin ito kahit nakasimangot.
Ang totoo binibiro niya lamang naman ito. Wala naman sa ugali niya ang mamilit ng babae kahit pa asawa na niya ito. Pero kung papayag ito sa winika niya kanina ay mas ikakatuwa n'ya iyon.
Matagal na din syang hindi nakakatikim ng handog ng langit. Kung tutuusin madali naman iyon para sa kanya kung nanaisin niya.
Maari syang magbayad ng babae para lamang ibigay ang pangangailangan niya bilang lalaki. Kaya lang hindi niya iyon ginagawa mula ng makita niya si Anicah.
Kung mayroon man syang pinapangarap na makatabi at makasama yon ay kanyang asawa na ngayon.
Hindi na niya ito naligawan dahil bata pa ito nuon at nag aaral pa. Sa estado niya ngayon at sa pormahan ni Anicah, nakikita niyang hindi sya ang tipo nito lalo't halos sampong taon ang agwat ng edad nila.
Swerte na nga lang n'ya at nakakita sya ng pagkakataon para mapasa kanya ito ng walang ka hirap-hirap.
Ito nga lang ang challenge ngayon sa kanya. Paano niya kaya ito mapapayag na ibigay ang inaasam-asam niya dito na hindi pinipilit kusang loob.