Adjustment period

1534 Words
Nagising siya sa mabahong amoy na hindi gusto ng ilong niya. Amoy prinitong tuyo iyon. "Anu ba yan bakit pati dito sa silid namin abot yon..." reklamo niya sabay takip ng unan sa mukha. Mabuti na lamang at mabango iyon at amoy fabric softener kaya natakpan nito ang amoy na hindi niya gusto. Ang sarap ng higa niya ng marinig ang tila pag bukas ng pinto. Hindi na niya pinagkaabalahang silipin iyon. Alam niya kasing si Troy lang yon. Ramdam niyang sumampa ito sa higaan pumatong sa kanyang braso ang palad nito. "Mahal breakfast is ready halika na, mag almusal na tayo."malambing na sabi nito. Kahit di niya ito pinagbigyan kagabi nakuha pa nitong magluto ng almusal nila. Tuyo nga lang. "Ayoko.. pwedi ba mamaya na, gusto ko pang matulog." Hinila nito ang takip na unan sa kanyang mukha. " Kulit mo Troy! Sabi ko mamaya na." maktol n'ya sa asawa. Kinintalan siya ng halik nito sa leeg na ikina-gitla n'ya. Itinulak niya ang mukha nito. "Anu ba!?" reklamo niya. Para bigyan ito ng babala na hindi n'ya gusto ang ginagawa nito. " Kapag hindi ka bumangon dyan. Hindi kita titigilan. Hahalikan kita sa noo, sa ilong.. pababa." makulit na sambit nito habang nakangisi sa kanya. Sinamaan niya lang ito ng tingin. At Tumagilid sya ng higa. "Ayaw mo talaga? Sige hahalikan kita sa leeg sunod sa dibdib, Pababa sunod sa pusod." pilyong sambit nito at tumingin ito sa ibaba ng kanyang puson. "Anu ayaw mo ba? O baka mas mabuting sa baba muna ako mag umpisa." Nakakalukong sambit nito at waring susugod na ang mukha nito sa kanya. "Oo na! Ito na babangon na nga..!" naiirita niyang sambit sabay Bangon sa kama. Iniwan niya ito sa silid. Baka anu pa ang maisipan nitong gawin sa kanya. Kagabi pa man din ito nagungulit sa kanya. Dinadaan daan niya lang ito sa sungit-sungitan kaya hindi ito makaporma. Mabuti na nga lang at Hindi ito agrisibo katulad ng ibang lalaki na nakikita sya sa palabas sa TV. Nagawa pa nga nitong magluto ng almusal nila.Kung tutuusin ay kanya iyong tungkulin. Iginiya siya nito palabas sa munti nilang hardin sa bandang silangan. Mayroon kasing nakapwesto na mesa doon. Doon nito naisipan na ilagay ang kanilang mga pagkain. " Anu yan Troy tuyo at itlog? Ginising mo ako para lang d'yan?" Simangot n'yang sambit. Hindi nya naibigan ang inihanda nito. "Oo, bakit masarap naman ito ha? Hmm.. 'wag mong sabihing hindi ka kumakain nito" Sinimangutan n' ya ito bago tumalikod. "Ayaw ko ng tuyo. Pakiramdam ko kasi nangangati ako. Wala ba tayong hotdog?" hirit nya. "Mayroon kaso hindi na ako nagluto, sabi mo kasi ayaw mo ng hotdog kaya ito na lamang ang niluto ko"anito. Habang Inaayos ang pagkain nila. Nilagyan pa sya nito ng pagkain sa plato. At mukhang tuwang tuwang pa ito sa inihanda nyang pagkain. "Wala akong sinabing ayaw ko noh? Gusto ko kaya ng hotdog favourite ko pa nga yon eh.. "Saad nya. Para sa susunod alam na ng asawa kung anu ang gusto nyang kainin. Napatawa ito sa tinuran niya. Tila nkakuha ito ng ediya. " Ahahaha.. Talaga?... Hayaan mo mamayang gabi ipagluluto kita ng hotdog. Yong malaki. sisinguraduhin Kong Hindi ka mabibinitin, for now Itlog muna ang kainin mo since ayaw mo naman ng pala tuyo. okay?" wika nito sa kanya. At idiiniin ang salitang malaki at mabibitin. Napakunot noo ang babae sa tinuran ng asawa. Bakit parang napipilyohan sya the way na mag salita ito at tumingin sa kanya? Parang may nais pa itong tukuyin sa sinasabi nitong hindi sya mabibitin sa hotdog na lulutuin? Kaya lamang inignora na lamang niya ito. Kung anu man ang ibig sabihin ng asawa ay bahala na ito. Tutal ulam lang naman talaga ang concern niya. "TSK!! anu pa nga bang magagawa ko..." napilitan siyang naupo sa mesa at kainin kung anu ang inihain nito. Ilang araw na silang magkasama ng asawa. Puro mga simpling pangkain lamang ang mga inihahain nito sa kanya. Minsan pa nga steam lang na gulay with matching bagoong, ang nakahain nito sa mesa nila. Nagtataka lang sya. May pera naman ito kaya lang simple lamang ang kinakain nito. Ganun ba ito katipid o sadyang kuripot lang. Kung ganun nga.. Naiinis talaga sya. Dinamay pa sya nito sa kakuripotan nito. Sanay pa sya sa masarap na kinakain. Ang masarap sa kanya ay mga frozen foods at karne. Okay na iyon sa kanya since mahirap lang din sila. Dito sya nasanay. Palibhasa mag isa lamang syang anak kaya na susunod ang nais niya. Mukhang Hindi niya yata ito matatagalan kapag nag patuloy pa. Hindi kasi s'ya sanay kumain ng gulay. Hindi talaga sya sanay sa gulay. Sa piling ng asawa ilang araw pa lamang silang magkasamang mapupurga na agad sya sa kakain ng nito. Tulad ngayon diningding ang ulam nila na may partner na tuyong dilis. Kaya nakasimangot na nman siya. "Troy ito lang ba ang pagkain natin?" " Yan lang ang nakikita mo Hindi ba?" sagot nito. Sa tingin niya Naiinis na rin ito sa kakareklamo niya ng ulam nila. Naiinis din sya dahil, ayaw nitong pag bigyan ang nais niya kahit mura lang naman ang mga pagkain na hinihiling niya. "Oo alam ko! Alam Kong palagi na lang gulay ang ulam natin, hindi ba pweding menudo nman, o kaya kaldereta, o adobo. Yong mga ganun. Ayoko ko nito.!" Mariing sambit niya. Kulang na lang ay pumadyak pa sya para lamang pagbigyan sya ng asawa. Marunong ka bang magluto nuon?" "Hindi." "Pareho pala tayo eh. Ako din ito lang ang kaya Kong lutuin, kaya pagtiyagaan na natin" Napapikit siya sa tinuran ng asawa. Mukhang mapipilitan na naman syang kainin ito. Hindi kasi niya ito madadaan sa paarte-arte niya. Hindi ito yong tipo na katulad ng magulang n'ya na isang kumpas niya lang ay agad itong nagluluto ng nais niya. Mukhang kailangan pa niya itong lambingin para lamang makatikim ng ibang ulam. "Troy.." nilambingan niya ang kaniyang salita. "Bakit?" "baka pweding, mamaya lumabas nman tayo sa bayan, gusto kong kumain ng inihaw na manok. O kaya kahit fried chicken, okay na yon. Sige na mahal oh."nag pacute pa sya dito. " Hindi pwedi busy ako.. Kita mo nman may pinapatrabaho ako sa bukid , kailangan ako doon sa ating maisan. "alibi nito. " sige, ganito na lang. Kapag lumabas tayo papayag na ako sa gusto mo.. " " Anong gusto ba ang sinasabi mo?" kunwari tanong ng lalaki. Sa tingin niya alam na n'ya ang tinutukoy ng asawa basi sa tingin nito sa kanya " Anu ka ba alam mo na 'yon." " Okay, mag loving loving tayo mamaya paninigurado niyang sambit. Nakangiting tumango ang babae. "Okay sige! Yon lang pala eh..papayag na ako Basta susunod ka din sa kasunduan natin ha?" "Oo na ngah!" "Wag mo akong susungitan at itutulak mamaya."babala nya dito. "Oo na makulit!" Kunwari Inis na niyang sambit. At pinamungay nya ang mata. Napapangiti si Troy sa asawa.." Yon lang pala ang katapat mo fried chicken. Kung alam ko lang 'yon agad ang inihain ko sayo. Anito. Nakatingin ito sa asawa na napipilitang kumain ng gulay na ihinain niya. Napapailing ang lalaki na tumingin dito. Kinahapunan sinunod niya ang request asawa. Kumain sila sa labas. Sa isang sikat na fast food chain niya ito dinala. Ganado itong kumakain ng manok na hiniling nito sa kanina. Alas syete na sila nakauwi. Nagpahinga lamang sya ng kaunti bago pumunta ng banyo para mag shower. Nais niya namang mabango sya para tabihan sya ng asawa at ganahan din ito sa kanya. Paglabas nya ng banyo ,nakita niya ang asawang nakahiga sa kama. Naupo sya sa tabi nito. Marahan niya itong pinagmasdan habang nakahiga. Unti-unti niyang pinagapang ang likuran ng palad sa braso nito hanggang siko. "Troy anuba? Nakikiliti ako.." Sambit nito at bahagya syang itinulak. Hinawakan niya ang braso nito para mapa harap sa kanya. Dahan-Dahan niyang ibinaba ang labi sa labi nito. Napaiwas ang babae kaya hindi iyon nag tama. "Wait lang.. Pwedi?" " Bakit ba Anicah?" nayayamot niyang tanong. Malamlam na mata ang sumalubong ng tingin sa kanya. "Troy masama ang pakiramdam ko. Mayroon yata ako ang sakit ng t'yan ko.." Panlilinlang nitong sambit. sinamahan pa ng nkangiwing mukha para mag mukhang totoo. " Nagpapalusot ka lang yata." Lalo niya pang inginiwi ang mukha para panindigan ang pagsisinungaling."Hindi totoo nga. Hayaan mo.. Pakatapos ng isang Linggo pwedi na talaga." " Totoo na yan ha?" "Oo" "Okay.. Payakap na lang ako". Sambit nito sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito. Mabuti na lamang at gentleman ang asawa Hindi ito mapilit sa kanya. Sa totoo lang Hindi niya alam kung hanggang kailan niya ba tatanggihan ang asawa para lamang makaiskor ito sa kanya. Maubusan na nga syang dahilan para lamang tanggihan ito. Maigi na nga lang at palagi syang nakakalusot. Kaya nga minsan di sya maka-arte dito,at makahiling ng gusto nya. Baka kasi iba ang hingiin nitong kapalit. Hindi pa sya handa sa nais nito. Pakiramdam nya kinilabutan sya tuwing lalapit ito sa kanya. Kaya lang hindi nya alam kung hanggang saan iyon. Mabuti na lang at kontinto naman ito na magkasma sila sa isang bobung at magkasma sila sa kama. Kontinto na lamang ang asawa na nakayakap sa kanya. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD