Picnic sa bukid

1670 Words
"Anicah.. Ano, magpapacute na lamang ba d'yan? Hindi ka man lang ba tutulong sa amin?" paninita ng Kanyang asawa sa di kalayuan. Sumama kasi sya sa bukid. Dahil nabobored sya sa bahay. Wala naman syang magawa doon maliban sa Pag-gawa ng mga gawing bahay na maning mani na lamang sa kanya ngayon. Hindi naman kasi 'yon makalat kaya madali lang linisin. Pagdating sa bukid ay nakaupo lamang sya sa kubo habang pinagmamasdan ang mga trabahador na gumagawa sa malawak nilang maisan at taniman ng mani. Hindi niya pinansin ang sinabi ng asawang si Troy. Ilang saglit pa lumapit ito sa kanya. "Bakit di ka pumunta doon? " anito sabay turo sa taniman ng mani. Inayos pa niya ang pag-upo at nag Cross legs pa sya. "Ayoko ko nga. Ang init kaya. Masusunog pa ang balat ko dyan no?" maarte nyang sambit. Palibhasa Di naman sya pinapatrabaho ng magulang sa bukid. "Kung wala ka namang balak tumulong eh bakit ka pa naririto?" kastigo nito sa kanya. Mukhang masakit ang mata nito na paupo-upo lang sya. "Wala.. As you can see gusto ko lang maupo. Wag kang mag alala mahal ko.. Okay lang ako dito kaya sige lang magtrabaho lang kayo," pagtataboy pa nya dito. Mukhang nag enjoy lang sya na manunuod sa mga ito habang nagbubunot ng mani. "Hindi ako papayag na paupo upo ka lang d'yan"striktong wika nito. Tila wala itong balak na gawin syang prinsesa na patingin-tingin lang. "At anu ang ipapagawa mo sa akin Aber? Pagbubunutin mo ako doon? No way!hindi ako pinag-aral ng magulang ko para lamang magtrabaho sa bukid mo no?"tinarayan pa nyang lalo ito at inirapan. " Kung ayaw mong magbilad doon ikaw ang maghanda ng pagkain namin. Okay! Maotoridad na utos nito. " Troy naman.. Ayaw ko. "mariin ang Kanyang pagtutul. " Bakit, Hindi ba ganun ang mag-asawa nagtutulungan?" " Mamimili ka mag luluto ka o magbibilad ka doon? " " Ayaw ko! Mauupo lang ako dito! " " Aah.. Ganun.. Kung ayaw mo sige.. Maupo ka lang dyan.. Hahayaan kita.. Pero mamayang gabi sisingilin kita sa ayaw at sa gusto mo.. Wala ka ng kawala pa sa'kin kahit na magmakaawa ka pa. Gagawin ko na matagal ko ng gustong gawin sayo."seryusong banta nito sa kanya. Napatayo sya sa kinauupuan. " Nasaan na ang lulutuin? Yon lang pala eh.. kayang kaya ko iyon"aniya. Dinala sya nito sa isa pang kubo. Sa may puno ng mga mangga. Naroon ang mga Sariwang isdang tilapia at mga gulay. Nag simula na syang gawin iyon kahit Hindi sya marunong. Hindi naman kasi sya inuutusan ng Kanyang inang si Aling Melagros at Mang Ando na gumawa ng gawaing bahay. Prensisa ang Turing nito sa kanya kahit mahirap lamang sila. Ngayon tuloy nahihirapan sya. Dahil kabaliktaran nito ang napangasawa nya. May pera nga ito kaya lang iba ang ugali nito kisa sa magulang na nagpalaki sa kanya. Hindi oobra sa asawa ang kaartehan nya sa buhay. Kaya ginawa niya ang makakaya para lamang sundin ang ipinag uutos ni Troy. Para sa kanya maigi na ito kisa sa tuluyan sya nitong galawin. Hindi pa talaga sya handa doon. Marinig lamang niya ang salitang yon ay kinikilabutan na sya. "MAYA-MAYA lang kakain na tayo?" Malakas na sambit ni Troy sa mga tauhan. "Si Anicah ang nag luto ha? Kaya naman sinasabi ko sainyo expect for the worse ha?"babala niya sa mga trabahador. Kita niya ang pagkadismaya sa mga mukha nito. Kilala kasi ng mga ito si Anicah. Walang ibang alam gawin kundi mag enarte at magpaganda. Ito yong tipong tagabundok na pilit nag papa sosyal. Kahit ang asawa hindi niya alam kung anung klasing luto ang gagawin ni Anicah. Sa pagkakaalam niya kasi wala itong alam gawin dahil Alagang-alaga ito ng mga magulang. Prensisa ito kung ituring ng Kanyang mga beyenan. Ngunit sa kanya Hindi iyon oobra. Tuturuan niya itong maging responsabli lalo na asawa na niya ito. Pareho silang only child ng asawa kaso pareho silang pinalaki sa magkaibang pamamaraan. Sya lumaking independent kahit nasa kanya na ang lahat. Si Anicah.. Lumaki sa pagmamahal ng mga magulang. Nakikita niya kung paanong nagsusumikap ang mga magulang nito para lamang maibigay anak nila ang lahat ng kailangan nito. "Halina kayo! Pumunta na tayo sa may kubo!"aya niya sa mga magsasaka. Nasa ilalim ng mga Punong Mangga ang kaniyang kubo. May malaki ditong mesa na yari sa kawayan. Nilatagan iyon ni Anicah ng mga dahon ng saging May gabundok na kanin sa gitna.may nakakalat na Steamed kamote leaves na may kamatis,at inihaw na tilapya. Mayroon din itong sawsawan na toyo at kamansi at sili. Nakalagay ito sa bao. Na impress si Troy sa ginawa ng asawa. Mukhang bumawi ito at nagpa kitang gilas. Ang sarap ng kainan nila sa bukid. At mukhang nasiyahan ang mga tauhan nya. "Anicah marunong ka rin palang mag luto" sambit ni Mang Oscar. "T'yamba lang po!" Pa humble na wika niya. Ang totoo kahit sya din niya alam na magagawa niya iyon. Ngayon lamang kasi niya nasubukang mag luto. Mabuti nga at na gawa niya. Nanood kasi sya sa magulang kapag nag luluto kaya kahit paano may ediya sya kung paano gawin. Isa pa nag luluto naman sya kapag mag-isa sya sa bahay kaya di naman talaga s'ya zero knowledge sa pagluluto. Ngayon nga lang talaga sya nakapag luto ng pang malakasan dahil inutusan sya ng asawang kuripot. Pakatapos nilang kumain ay niligpit niya lahat ng pinagkainan nila. Ilang sandali pa ay bumalik na sa trabaho ang magagawa nila sa bukid. Nakatanaw laman sya sa mga ito. Naalala niya ang mga magulang. Boung buhay nila ganito ang ginagawa nila para lamang maibigay sa kanya ang pangangailangan. Naisip niya na matanda na ito ngayon. Panahon na para sya naman ang magsukli sa paghihirap ng mga ito. Kaya lamang paano niya iyon gagawin gayong may asawa na sya. Ang ina niya ay patuloy pa ring nagta-trabaho kahit may edad ba ito. Naramdaman niyang may yumakap sa Kanyang likuran. "Very good ka ngayon mahal ko!" Malambing na sambit ng asawa. "Talaga?" " Oo naman" "So may premyo ako akoh?" "Kailangan talaga may premyo? Uhm.. Pero sige pagbibigyan kita hotdog ulam mo mamaya okay na ba yon?" "Hotdog lang?" "May kasamang ro*ansa yon ayaw mo pa?" "No need!" itinulak niya ito ng bahagya. Kinilabutan sya sa tinuran nito. Dati nman kapag hotdog ang naririnig niya masarap na agad ang naiisip niya. Ngunit ngayon iba na kahulugan nito sa kanya, lalo na kapag si Troy na bumabanggit. Mula sa pula nitong kulay ay nagiging Green ito sa paningin nya. Hindi sapat ang pwersang pinakawalan nya para mabitawan sya ng asawa . Humigpit ang yakap nito sa likuran niya. Parang may naramdaman siyang maumbok Sa kanyang likuran na animoy may buhay. Gumalaw kasi ito at para tinutusok nito ang Kanyang behind. "Anu 'yan Troy? Tarantang tanong nya. Ito na ba ang hotdog na tinutukoy nito?bakit ganun parang Hindi naman. Para itong malaking sawa sa kanyang likuran na nakahandang manuklaw. "Alin?" tanong ng asawa, at naramdaman nya ang mainit nitong hininga sa leeg. "Yong tumutusok sa akin!" "ah.. Yong alaga ko. Nangu-ngumusta lang."mahina nitong sambit sa kanya. Naramdaman niya ang pagbaon ng nguso nito sa kanyang leeg . Awtomatikong syang napakislot dahil sa tila boltahi ng kuryente na nabuhay sa kanyang katawan. " Anu ba Troy..? Ilayo mo nga sa akin 'yan! "aniya at itinulak niya ito ng malakas. Kaya nakawala sya. Napatakbo sya sa maisan para layuan ito. Nagkunwari na lamang syang pumitas ng mais para Hindi na sya istorbohin nito. Ito naman ang nais nito, ang tumulong sya. Kaya gagawin na niya. Ayaw niyang maramdaman ang katigasan nito. Nangingilabot sya. Handa na syang magbilad para lamang iwasan iyon. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib. Ramdam niya pa rin ang matigas na bagay na tumutusok sa kanyang likuran kanina. Sa Isang buwan nilang pagsasama ay kanina niya lang iyon nararamdam kahit niyaya sya nito palagi na mag loving loving. "Mahal ko, bakit ka naririto? Sumilong ka muna sa lilim masyadong mainit, Sige ka iitim ka niyan at masusunog ang pinaka iingatan mong kutis."narinig niyang sambit nito. " Hayaan mo na ako.. Sabi mo tumulong ako sayo Diba? Kaya eto pumipitas akong mais. Ikaw.. Lumayo layo ka nga sa akin! " Inirapan nya ito dahil sa ginawa nito kanina. " Very good ka naman kanina kaya hinahayaan na kita sa lilim maupo." "Ayaw ko. Gusto ko ding tumulong!" pagmamatigas nya. Para Di sya nito kulitin. Kapag nagungulit kasi ito napapagod sya sa kakasaway. Walang anu-anu ay bigla na lamang sya nitong binuhat at isinampay sa malapad nitong balikat. Tila Hindi man lang ito nabibigatan sa kanya. "bitawan mo ako Troy!" Nagpupumiglas sya. "Wag ka ng malikot. Baka matumba tayo. Saka tinggnan mo ang itsura mo, ikaw lang ang nagtatrabaho sa bukid na nakashort. Paano kapag na-gasgasan ka? Sayang naman tong Maputi at makinis mong hita." wika pa nito sa kanya. Ibinaba sya nito sa lilim ng punong Mangga. " Wag mo na ulit gagawin yong ginawa mo kanina ha? Hindi ko gusto yon!" pairap nyang sambit dito. "At bakit Hindi. Mag-asawa na tayo. Natural lang yon. Mabuti nga Hindi ko pa pinapasok sayo" "Troy??" saway n'ya rito at pinanlakihan nya ng mata. Hindi man lang natinag ang mata ng lalaking tumitig sa kanya. "Bakit..? Ito lang ang sinasabi ko sayo asawa ko. Hindi habang buhay mapipigilan ko ito. Isa pa obligasyon mo 'yon sa akin bilang asawa mo."seryusong saad nito sa kanya. "Troy please.. Nagpakasal naman ako sayo agad agad..kahit ayaw ko. Wag kang mag alala, iyong iyo ako. Ang Hiling ko lang sayo, 'wag mo naman akong biglain sa bagay na ayaw ko pang gawin. H' wag kang mag alala.. Dadating din tayo d'yan. Hayaan mo muna akong maging handa" mahinahong wika n'ya. Napabuntong hininga na lamang ang lalaki sa sinabi ng asawa. Malapit na talagang syang mawalan ng pasensya. Gasgas na kasi ang palusot nito. Gayon pa.. Wala naman syang nakikitang dahilan para magmadali. Maghihintay na lamang siguro syang mahinog ito. Hindi rin naman masarap kumain ng prutas na hinog sa pilit, wika nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD