Full time housewife,libangan ko pagbabasa ng mga romance novel. Hanggang sa sinubukan kong
lumikha ng sarili kong nobela. Kaya ko pala. At doon ko napatunayan di pala madali maging writer. Kaya saludo ako sa masisipag na manunulat dyan.
Siya si Anica Abad. Ang dalagang pinalaki sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.
Punong puno sya ng mga pangarap sa buhay. Kahit kapos ay itinaguyod ng mga ito, ang kanyang pag aaral.
Sinubok ang kanilang pamilya ng maoperahan ang ama sa puso. May isang tao ang nag alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga.
Paano pa niya matutupad ang mga pangarap sa buhay ng nakatali na siya sa isang farmer boy na di niya pinangarap?
Si Wilson Sandoval ang binatang may malaking tampo sa ama. Dahil dito Iniwan niya ang matanda pati ang lahat ng karangyaan pati ang kanyang magandang pangalan.
Namuhay siya sa farmers village bilang simpling tao sa katauhang Troy Rumulo. Paano sila mamuhay ng simpli ni Anicah kung marangyang buhay ang nais nito bagay na ayaw niya.
Dahil dito ay mamaliitin sya' nito at ikakahiya. Ito ang magtutulak sa kanya para taguan ito at bumalik sa dating marangyang buhay.
Sa pagkawala niya bilang Troy Rumulo mare-reliaze ng asawa na mahal siya nito kaso huli na. Nais nya itong parusahan at kalimutan.
Magpapakilala sya bilang boss na arogante cold at mapagmataas.
Hanggang kailan niyan kaya ito matitiis.
Paano kung sa pag gising ni Anica isang araw na ang boss niyang mapang api ay ang nawawala nyang asawa na nang lait
Sa kanya? Hindi lang ito. Paano kong may isa pa pala itong sekrito na ikagigimbal niya?
Ma'anatili pa kaya siya sa tabi 'nito o mas pipiliin na lamang niya ang dating simpling buhay?