Chapter 2

399 Words
Chapter 2: Code Name *** "Good day transferees! Pinapatawag kayo sa Matomo Building para ma-apply na raw ang mga code names niyo." Napasilip ako sa pintuan habang kinakausap ni Lianna ang isang babae doon. Nandito ako sa kusina at nagluluto ng almusal. Naririnig ko silang nag-uusap dito dahil sa ability ko. Atsaka nga pala nung tinanong ko si Lianna tungkol sa kaniyang ability ay namamangha rin ako. Nakakaamoy siya ng mga bagay-bagay kahit pa pilit mo iyong itago sa kaniya. Natatawa tuloy ako sa iniisip ko. Masyado palang sensitibo ang pang-amoy ni Lianna. Hays! Pero wala pa nga akong naiisip na code name na babagay sa akin eh. Sana naman umayos na 'tong utak ko at nang makapag-hagilap na ng mga pangalan. Pagkatapos naming kumain ni Lianna ay nag-ayos kami ng sarili bago naglakad papaalis mg dorm. Hinila naman ako ni Lianna sa room na may nakalagay na 'Code Name' as usual, pagkapasok pa lang naming dalawa ay agad kaming napanganga. A-akalain mong sa labas ay maliit lamang pero kapag pumasok ka ay malawak pala sa loob. Nakita ko ring maraming nagpapa-register na transferees. Agad naman kaming binati ng isang magandang babae. Mga nasa mid's 20 pataas na yata siya. "Good Afternoon transferees, may i know your chosen code name?" "Detective Yumiko is my chosen code name, ma'am." Nagulat naman ako nung bigla nalang nagsalita si Lianna. Halatang excited na excited na siya. Ngumuso naman ako sa napili niyang code name. Yumiko pala ahh? Bagay na bagay sa kanya kung tutuusin. Eh 'yung sa akin kaya? Bagay kaya sa akin 'yung napili ko? "I choose the code name Akira, ma'am." Sabi ko rito bago ngumiti at sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung bagay ba sa akin 'yung code name ko. Basta-basta nalang kasing sumulpot sa utak ko 'yung name na 'yun. Ehh hindi naman ako sigurado. Napatingin naman ako sa mukha ni Yumiko na ngayon ay ngiting-ngiti na nakatingin sa akin. "Ang ganda ng code name mo, Nee-san." Tumawa naman ako dito bago umiling sa kanya. "Thanks, Yumiko. Yung sa'yo ang mas bagay." Nag-tatawanan naman kaming dalawa bago lumabas doon hindi ko lang akalain na magiging close agad kami nitong si Yumiko samantalang kakakilala ko pa lamang sa kan'ya. Masaya na ang araw ko ngayon at ayoko ng sirain pa ito. Mabuti na lang at may maituturing pa rin akong kaibigan sa eskwelahan na ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD