Chapter 3

698 Words
Chapter 3: Stupid *** Napagdesisyunan naming dalawa ni Yumiko na maglibot na lang dito sa DHA at tutal ay wala rin naman kaming gagawin dito sa dorm at maghihintay nalang kung saang group kami ilalagay para sa mga kaso na gagampanan namin. "Wow!" Manghang sabi ni Yumiko. Paano ba naman kasi, nakita rin niya yung malaking fountain dito sa gitna ng mini mart ng school. Parang halos nakakasilaw ang tubig nito dahil sa liwanag ng araw na sikat na sikat ngayon. Napangiti na lang ako sa ganda nito. "Paano pa kaya kapag gabi na? Paniguradong may mga lights 'yan at mas maganda ang view." Anang ko at nilipat ang tingin kay Yumiko na ngayon ay may tinitingnan na lalaki. "O-oo nga! Punta kaya tayo rito mamaya, Nee-san?" Medyo nautal siya sa una pero agad na nakabawi. Napakunot noo ako at tiningnan ang lalaking pinagmamasdan niya. "Type mo? Gwapo!" Walanghiya kong sabi at sinundot ang tagiliran niya. Bigla naman itong namula at inilipat niya muli ang tingin sa fountain. "Hindi ah! Naku, Nee-san." Napatawa na lang ako sa inasta niya. Nang makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na naman ang sulayapan nila nung lalaki. Papalapit ito sa banda namin habang may kasama rin siyang isang lalaki at babaeng nag-aaway. Bale tatlo sila. "Ano ba! Ayoko nga sabi eh!" Sigaw nung babae at hinampas ang isang lalaking kasama nila. Napatawa ang lalaki sa ginawa nung babae. "Kj mo naman Misaki! Sige na nga, bahala ka diyan. Ito na lang si Hitomi ang isasama ko." Tukoy ng lalaki sa kanina pang pinagmamasdan ni Yumiko. "Haru!" May pagbabantang sabi ni Hitomi. Lihim akong napatawa sa crush ni Yumiko. Bagay kasi silang dalawa at parehas silang maganda at gwapo. "Nee-san! Balik na akong dorm. Magluluto pa ako hapunan natin eh." Ngiti ni Yumiko. "Ha? Sige! Lilibot lang ako saglit dito, mauna ka na." Kumaway ako sa kaniya at nakitang sinundan siya ng tingin ni Hitomi. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang na naglakad. Agad naman akong tumalikod. Naglakad-lakad naman ako bago ako mapadpad sa napakalawak na field, pumikit naman ako at pinakiramdaman ang paligid. Ang malamig na hangin na humahampas sa balat ko at higit sa lahat ay napakatahimik na 'yung tipong makakapag-relax ka talaga. Ako lamang ang tao rito. Pumunta naman ako sa tapat ng isang malaking puno na katapat ng isang bench. Pinagmasdan ko ang punong nasa harapan ko. Pwede na siguro itong gawing tamabayan ko. "Tsk. Get out of my way." Pinasadahan ko naman ng tingin ang buong paligid. Wala namang ibang tao bukod sa akin. Hindi kaya ay m...multo i'yon? Teka nag-eexist ba ang multo sa paaralang ito? "Stupid. Ghost doesn't exist." Agad namang umangat ang tingin ko sa malaking punong nasa harapan ko. May lalaking nakaupo doon at naka-cross arm ang kan'yang mga braso. Saka ko lang na-realize na masungit pala ang isang ito at kaya niyang basahin ang laman ng utak ko. "Staring is rude Ms. Stupid, and I said get out of my way." Agad naman akong napaatras sa malamig nitong boses. Mukhang naiinis na yata siya sa akin at kung makatawag naman siya ng 'Ms. Stupid' akala niya sa akin? Pwedeng-pwede kong tawagin ang sarili ko ng ganuon pero siya? Agad naman itong tumalon sa punong nasa harapan ko upang magka-harapan kami. Matangkad lang siya sa akin ng 'onti. Humakbang naman ito papalapit sa akin habang ang kan'yang mga seryosong mata ay nakatitig sa akin. Hindi ako gumalaw o umimik. Naglakad naman ito ng dire-diretsyo at bahagya pa'ng binunggo ang braso ko. Napanganga naman ako ng lagpasan lamang ako nito. Akala ko naman ay kakausapin niya ako eh 'di ang resulta ako pa ang napahiya. Bastos rin kausap ehh masyadong proud sa sarili. Dinaig pa yata niya si Tarquin the proud. 'Tss. I said get out of my way, stupid.' Pinukpok ko naman ang ulo ko dahil narinig ko na naman siyang nagsalita. Hindi kaya ay may sira na ang utak ko at kung anu-ano nalang ang naririnig ko dito? "Kung maka-stupid ka diyan akala mo kung sino ka!" Bulong ko sa kawalan habang nakatitig sa likod niyang papalayo sa akin. Nakakainis at ako pa talaga ang napahiya kanina. Great just great! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD