Chapter 4

671 Words
Chapter 4: Head Master *** "Nee-san!" Napabaling ang tingin ko kay Yumiko na ngayon ay patakbong pumupunta sa akin. Napakunot-noo ako sa kaniya, nandito kasi ako sa tapat ng fountain ng school at hindi ko naman alam kung saan siya galing. "Bakit? Saan ka galing?" Sunod-sunod kong tanong. Ngumiti naman siya na parang nagagalak talaga siya. "May ipapakilala ako sa'yo Nee-san. Grupo sila. Kaka-meet ko lang sa kanila kanina. Tinulungan kasi nila akong mag-asikaso ng papeles ko." Ani nito. "Ahhh! Sige, saan ba sila?" Medyo na-excite ako nang malamang may ipapakilala si Yumiko sa akin. Baka maging kaibigan na rin namin sila! Ginuide ako ni Yumiko papunta sa isang building na hindi ako pamilyar. Nang makita ko ang grupo na tinutukoy niya ay nanlaki ang mata ko. "Ang dami nila ha!" Excited kong sabi. Syempre nae-excite ako dahil may nakilala si Yumiko na magiging friends namin. Pero hindi rin ako sigurado doon ha! Napabaling sa amin ang tingin nilang lahat. Medyo nahiya pa ako pero nang makitang kinawayan nila kami ay napanatag ang loob ko. "Hi! Buti isinama mo siya rito, Yumiko." Bati ng isang babae na wavy ang buhok. Ang ganda niya! "Hello! Ako nga pala si Akira!" Pagpapakilala ko. Napangiti siya. "I'm Kashimi. Nice to meet you, Akira." Biglang may lumapit sa amin na lalaki. Matangkad ito at ang napansin ko lang sa kaniya ay ang mapula nitong labi. Gwapo din! "Woah! Hindi mo ba ako ipapakila kay Akira?" The guy playfully said. Binatukan siya ni Kashimi at napa-aray naman ito. "Tsk! Lumayas ka nga rito Ichirou. Huwag kang umepal!" Nagsimula na silang magbangayan sa harapan namin. Napatingin ako kay Yumiko na ngayon ay nakangiwi na rin. "Uhmm, hayaan natin ang dalawang 'yan Nee-san. Gan'yan talaga sila. Ipakilala kita sa iba." Napakamot pa ito sa ulo. Nangingiti na lang ako. Ang cute kasi ng mga grupo nila, halos lahat sila ay may itsura at ako lang yata ang pangit rito. Joke! "Hello mga Noona! Just call me Shiorima, at ito nga pala ang partner ko na si Shizu." Nang lumapit kami sa iba ay nagpakilala agad ito. "Akira." Ani ko. Napatango ito at ngumiti sa amin. Saka ko lang nakabisado sila nang makilala ang lahat. Sila pala ang Michi Detective Group. Ang pangalawa sa pinakamagaling na detectives sa school na ito. So cool! Sana ay dito rin kami ma-assign ni Yumiko na group. Pinagbabasehan kasi ang grades kung saan ka makakapasok. Nanlaki naman bigla ang mata ko nang makita ang lalaking masungit sa field. Teka! Ang liit nga naman ng mundo at dito ko pa siya makikita. Tsk! Michi rin siya? Napatingin din siya sa akin. Nakita ko pa kung paano siya magsuplado sa akin. Sayang, gwapo sana! Napatikhim ito bago may ibinigay na folder kay Namishi and Hoshi at bigla na lang umalis. "Teka! Ka-grupo niyo rin ang lalaking iyon? Sino siya?" Gulat kong tanong. Tiningnan na rin nila Yumiko, Shiorima at Shizu ang lalaking hampaslupa. "Ay hindi namin 'yun ka-grupo! That's Detective Kiro. Sa Saitama Group siya, ang pinaka-magaling na grupo ng mga detectives sa school na ito." Nakita ko pa ang pagkamangha sa mata nila bago ako inasar ni Yumiko at Shizu. "Gwapo ni kuya Kiro! Yieee! Nee-san!" Walang modong pangaasar ni Yumiko. Sinasabayan lang siya nila Shiorima. Inirapan ko nalang silang tatlo at napailing-iling. "Masungit 'yon! Hindi niya rin alam ang salitang privacy. Basta-basta na lang nambabasa ng utak ng may utak!" Galit kong sabi pero tinawanan lang nila ako. "Guys! Parating si Head Master." Biglang nataranta ang lahat nang sumigaw si Rishima at Kokoshi. Isa rin sa Michi. Nagulat kami ni Yumiko. "Ay! Ipapakilala namin kayo kay Head Master." Ngiti ni Shizu. Kinabahan naman kami, siguro strikto ang Head Master nila kaya ganiyan na umabot na sa pagkataranta ang kilos nila. Bumati ang lahat sa lalaking mukhang may edad na. Matangkad ito at matangos ang ilong. Namamangha ako sa kaniya dahil mukhang sumisigaw ng kapangyarihan at awtoridad ang pagkatao nito. "Good day, Michi Detectives." Ani nito at napatingin sa gawi namin ni Yumiko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD