Chapter 37: Won *** Agad ko namang pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko. Nagpapasalamat talaga ako kay Kiro dahil nandiyan siya upang palakasin ang loob ko. Tumakbo naman kaming dalawa papunta sa grupo at napag-alaman ko rin na ako na lang ang kulang sa grupo namin at si Kiro ang nag-volunteer upang hanapin ako. "Ohh, Akira! Thank God! You're safe..." Niyakap naman ako ni Misaki. Bahagya pa itong umiyak pero pinakalma ko siya upang tuluyan siyang tumahan sa pag-iyak... "Hoy panget! 'Wag ka ngang umiyak diyan. Mas lalo ka tuloy pumapanget." Bigla naman siyang sinakal ni Misaki. Nuong una ay nag-panic ako dahil may balak pa 'ata silang magpatayan pero naisip ko na gan'yan talaga sila nuong una palang. Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Haru o tuluyang maaawa sa kaniya. "Ika

