Chapter 38: Acceptance *** Isang buwan na ang lumipas at sariwang-sariwa pa rin sa akin ang lahat. Hindi ko maiwasang umiyak habang nakatitig ngayon sa puntod nilang lahat. "Mama, Mom, Sir Kaito at Jessica..." Agad naman akong ngumiti sa lapida nila at nagbabakasakaling nakikita nila ako ngayon. "Alam ko pong masaya na po kayo diyan ngayon at ganuon din po ako para sa inyo! 'Wag na 'wag niyo pong kakalimutan na mahal na mahal namin kayo." "Mom, miss na miss na po kita! Hindi ko po lubos maisip na, i-ikaw po pala ang tunay kong ina. Mahal na mahal ka po namin ni Dad, at saka po pala Mom alam niyo po bang laging umiiyak si Dad sa gabi? Kaya sinabihan ko po siya upang tumigil na siya sa pag-iyak." Napangiti naman ako nang muli kong maalala si Dad na umiiyak sa tapat ng puntod ni Mom. H

