Chapter 39: Performance Task *** "Anu ba 'yan, kinakabahan tuloy ako Noona!" Hinawakan ko naman ang kamay ni Shiorima at nginitian ito. "Kaya natin ito Shiorima! Good luck na lang sa atin." Tinanguan naman ako nito at nginitian. Sa totoo lang ay napakalamig ng kaniyang mga kamay ngayon. Pinasuot na rin kasi sa amin ni Monica 'yung gagamitin naming costume ngayon. Hindi ko naman maiwasang kabahan habang nakatingin sa stage ng music room. Kasalukuyan lang kaming nasa backstage ngayon at pinapanuod ang naunang mag-perform sa amin. Ang section nila Ichirou at Kashimi. Ang cute nga nila sa suot nila ngayon ehh. Roleplaying kasi ang napili nila para sa section nila. Nagpalakpakan naman kaming lahat nang matapos silang mag-perform. Tinawag naman kami ng isang staff at mag-ready na daw kam

