Chapter 11: Weapons & Costumes *** "Nee-san! Bangon ka na dyan, sabi nung nurse pwede ka na raw ma-discharge. Bilis na kilos at may pasok pa tayo mamayang 9:00, Nee-san!" Naramdaman ko naman na may umaalog sa akin kaya naman agad akong napabangon. Si Yumiko pala. "Teka? Yung schedule ko pala hindi ko pa alam!" Ani ko naman at natatarantang tumayo. Eh kasi naman ehh hindi ko pa talaga alam yung schedule ko. "Ay naku, Nee-san! 'Wag kang mag-alala magkakasama kayo ni Shizu at Shiorima. Daya niyo nga ehh!" Sabi naman niya at umirap sa kawalan kaya naman napatawa ako sa inasta niya. "Eh kung magkaklase kami nina Shizu at Shiorima eh ikaw? Sino?" Taka ko namang tanong sa kanya na ikinamula naman ng pisngi niya. Kaya naman agad kong nalaman kung sino yung makakasama niya. "Ayiiee! Magkakl

