Chapter 10: A Goodnight Sleep
***
Gabi na ngayon at naiwan lang akong mag-isa sa clinic dahil abala na ang mga kaibigan ko sa kanilang dorm. Napabuntong hininga ako, kahit papaaano ay sanay akong mag-isa nang dahil na rin siguro sa itinuro sa akin nila Mama. Bigla tuloy akong nalungkot nang maalala ko si Mama.
Kamusta na kaya siya?
Sana ay ayos lang siya. Magagalit 'yon kapag nalaman niya ang nangyari sa akin.
Nakarinig ako ng kaluskos galing sa pintuan. Mukhang may papasok pa yata. Huh? Gabi na ah? 10 pm na kaya!
Nagulat ako nang makita ko roon si Kiro. Tumambad sa akin ang seryoso niyang mga mata. Oh, sheez! Ngayon ko lang siya nakita ah?
"Oh! Kamusta ang pag-iimbestiga niyo?" Kalmado kong tanong sa kaniya.
"I should be the one asking. How are you?" He shot back at me, not answering my question.
Nagulat ako sa inasta niya. Sus! Ganiyan naman na talaga siya kaya ba't pa ako magugulat?
"Uhmm, okay na ako. Pero kanina sumakit ang tama ng b***l sa dibdib ko at nagdugo ulit. Pero okay na!" Dahan-dahan ko lang itong sinabi sa kaniya.
Nag-igting ang panga nito. "Does it still hurt?" Umiling lang ako sa kaniya at marahang napatawa.
"Okay na nga ako! Pramis! Salamat sa concern!" Ani ko at nginitian pa ito.
Mabait naman pala siya. Akala ko ay ubod lang siya ng sungit sa buhay niya. Hindi naman pala.
"You should sleep now. Don't attend your class tomorrow. You should be resting."
"Ha? Aattend pa rin ako bukas ng klase 'no! Kaya ko na!" Pagdepensa ko sa kaniya.
Grabe naman! Sayang ang first class 'no, kung hindi ako um-attend.
Nagkibit lang ito ng balikat. "Have a goodnight sleep, stupid girl." He pat my head while staring at my eyes.
Feeling ko nawalan ako ng hininga.
Bigla na lang siyang umalis nang hindi ko napapansin. Natulala pala ako? Oh no!
But after that, I was like a dumb girl who can't stop myself from smiling widely.
***
:)