Chapter 9: Dark Sata's
***
Naglalakad ako sa isang madilim na gubat habang may hawak-hawak akong lampara. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi magkamayaw ang puso ko habang papalapit sa isang banda.
Nagulat ako nang makita ko roon si Jessica. Ang nakapagtataka lang ay masama ang tingin niya sa akin.
"J-Jessica? Anong ginagawa mo rito? Nasaan ba tayo?"
Mas lalo akong nagulat nang makitang may kutsilyo siyang hawak. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tuluyan akong napahinto nang bigla niyang sinaksak ito sa dibdib ko.
"HUWAG! JESSICA!"
Napasigaw ako at agad napahawak sa puso ko nang may maramdaman akong kirot dito. Ano 'yun? Isang panaginip? Pero bakit ganuon? Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?
"Akira! Oh, thank God. You're awake! May masakit ba sa 'yo?"
"Nee-san!"
"Noona Akira!"
"Gising na siya guys!"
Sunod-sunod na boses ang narinig ko. Napatingin ako kila Misaki at Yumiko na ngayon ay may bahid ng pag-aalala sa mukha nila.
"Anong nangyari? Nasaan tayo?" Napalibot ang tingin ko sa puting kisame na nasa harapan ko.
"Nasa clinic tayo Nee-san. Hindi mo ba naaalala? Muntik ka nang mamatay nang dahil sa tama ng b***l sa dibdib mo!" Biglang tumulo ang luha sa mata ni Yumiko.
Nang maalala ko ang lahat ng nangyari ay bigla akong naguluhan. Bakit? Bakit ako pa ang binaril? Sino ang gustong pumatay sa akin?
Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong sumakit. Bigla akong dinamayan nila Misaki, Yumiko, Shizuka, Shiorima at Kashimi.
"Omg! Tumawag kayo ng nurse dali!" Tarantang sabi ni Misaki. Dali-daling umalis sila Shiorima at Kashimi para humingi ng tulong.
Aray! Sobrang sakit ng dibdib ko! Napatingin ako nang biglang may maramdaman na malamig doon. Nakita kong nabahidan na ng dugo ang suot kong clinic gown.
"Goshhh! Ba't ang tagal nila!" Naiiyak na rin sila Shizuka.
Maya-maya lamang ay dumating na ang nurse. May dala-dala itong first aid kit at pamalit na clinic gown.
Nang mawala ang sakit sa dibdib ko ay saka lamang ako nakampante. Nakahinga na rin ng maluwag ang mga kaibigan ko.
"Kilala niyo ba kung sino ang may gawa sa akin nito?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.
Namutla si Shiorima. "The Dark Sata's. Sila ang kalaban ng school natin nang dahil sa hindi malamang dahilan. Misteryo pa rin ito sa lahat ng estudyante ng DHA." Pagsasalita nito.
Dark Sata's? Bakit? Anong atraso ko sa kanila?
Nagpalinga-linga ako sa paligid nang maalala si Kiro. Siya ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay. Pero nabigo akong hanapin siya nang hindi ko ito makita.
Napansin naman ito ni Shizuka. "Ate Akira, don't worry. Nag-iimbestiga na sila Kuya Kiro at Michi Detectives sa case mo."
Masyado ba akong halata? Pero paano kapag may mangyaring masama sa kanila? Huwag naman sana!
Basta ang alam ko lang ngayon ay kailangan naming mag-ingat.
***
-Maikli lang po ulit hehe! Kahit sa susunod din na chapter maikli lang rin. Enjoy! <3