Chapter 8: The Attack
***
"Omg! Nee-san, akalain mong mapapasama tayo sa Saitama Group?" Tuwang-tuwa pa rin si Yumiko hanggang ngayon. Kahit naman ako, hindi rin makapaniwala.
Naglalakad kami ngayon sa hallway ng Matomo Building. Ime-meet kasi namin ngayon 'yung mga ka-grupo namin sa Saitama. This time kompleto na sila. Napapangisi na lang tuloy ako ngayon dahil kutob ko, nandito ang crush ni Yumiko sa Saitama. Hahaha! Aasarin ko siya mamaya.
Bumungad sa amin si Misaki nang pagbuksan niya kami ng pintuan ng room nila. Napangiti agad ito.
"Hi girls!"
Sa tabi niya ay isang babaeng halatang may lahi na Japanese. Ang cute niya! Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti ito sa akin.
"Hi! I'm Shizuka." Medyo mataray ang awra niya pero mabait naman hehe!
"This is Yumiko, and I'm Akira." Pagsasalita ko. Kumaway naman si Yumiko sa kaniya.
Nang marinig ko sa 'di kalayuan na may nagtatalo ay napangisi na ako kay Yumiko.
"Uy! Crush mo nandito." Pabulong kong sabi.
Nagtaka pa ito ngunit nang makita niya ang lalaki na si Hitomi ay namula agad ito.
"U-Uhh! Ano ka ba, Nee-san! Nakakahiya!" Mahina akong napatawa.
Nawala agad ang tawa ko nang makitang nakatingin sa akin si Kiro. Nakataas ang kilay nito sa akin. Nag-pout na lang ako sa harapan niya.
"Hello!" Napatingin ako sa isang lalaki.
"Haru?" Takang tanong ko.
Medyo nagulat pa siya pero napangisi agad. "Wow! Alam niya pangalan ko. Stalker?" Nanlaki naman ang mata ko at agad itinanggi iyon. Sinabi ko na nakita ko siya last time at doon ko narinig ang pangalan niya ng dahil na rin sa ability ko.
"Siraulo talaga 'to!" Yamot na sabi ni Misaki.
Bagay sila!
Kakausapin ko sana si Yumiko kaso nagulat ako dahil wala na siya sa tabi ko at nakikipag-usap na pala kay Hitomi at Shizuka sa malayo.
Natampal ko ang noo ko. Maya-maya ay nagsi-datingan na rin ang mga Michi dito. Bumati pa silang lahat sa amin nang makita kami.
Nagpakilala pa sa akin ang isang lalaki na partner pala ni Shizuka sa grupo namin na si Shizuyou. Pero hindi rin nagtagal ay may kausap na ulit ito na iba.
Naiwan tuloy akong mag-isa. Hays!
"Does your friend just leaving you behind?"
Napatalon naman ako ng konti ng may malamig na nagsalita sa gilid ko.
Sh*t! Si Kiro pala!
"Uhmm, hindi naman! Siguro kinikilig lang siya dahil nandito 'yung crush niya." Natatawa kong sabi. Hala! Patay! Nilaglag ko siya kay Kiro. Tsk! Hayaan na. Mukhang hindi naman siya palasabi ng mga sikreto. Cold nga niya eh.
Napatango si Kiro. "Eh ikaw? Ba't ka andito? Bored ka ba?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Napakunot-noo pa ito. "My friends are busy talking to each other. I'm just giving them time and respect to value each other."
Huh? May paganon pa!
Napatawa na lang ako sa kaniya.
"What's funn- sh*t!"
Sa gitna ng kasiyahan hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lang akong natumba pero sinalo ako ni Kiro.
Napatingin ako sa dibdib ko.
May tama ng b***l.
Nakita ko ang mga nakapulang cape na patakbong umaalis habang hinahabol sila ng mga kasamahan ko sa loob.
"Arabella! Hey! Stay with me." Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Kiro bago ako tuluyang nawalan ng malay.
***