Chapter 7

721 Words
Chapter 7: Officially In *** Hindi ko alam na magagawa pa nilang umakto ng ganito sa harapan namin samantalang, pumatay sila ng tao. Hindi ba nila alam na buhay ang kinuha nila? Kumitil sila ng buhay ng tao para lamang sa walang kwentang bagay. Lumapit naman kaming apat sa kanilang dalawa upang arestuhin na namin sila. Bahagya pa'ng nagtataka ang mga mukha nila ng lumapit kami sa kanila. Sa totoo lang ay naiinis ako ngayon sa kanila dahil sa acting nilang dalawa na akala mo ay isa silang mga santo. "Nice acting huh! Alam na naming kayong dalawa ang salarin dito." Kita ko namang gulat na gulat silang dalawa ng dahil sa sinabi ni Misaki. Maang-maangan pa sila diyan. Nakakainis! "Huh? Ano'ng mga pinagsasasabi niyo? Hindi kami ang pumatay sa kan'ya!" Angal nung lalaki at kita kong nagagalit na siya. "Ang lakas ng loob niyong pagbintangan kami! Bakit? May ebidensya ba kayo?" inirapan naman ni Yumiko 'yung babaeng sumigaw. Huminga naman ako ng malalim at napailing, ayaw talaga nilang umamin sa kasalanang nagawa nila. Nagma-matigas talaga silang dalawa. "You want an evidence huh?" Napangisi naman si Kiro. "Okay! Isasampal na namin sa pagmumukha niyo ang ebidensyang gusto niyo!" Matabang na sabi ni Misaki at inirapan ang dalawang salarin. "Puro kayo mga salita! Asan na ang ebidensiya?" Maangas na sambit nung lalaki at bahagya pa itong napangisi. Napabuga nalamang ako sa hangin at bahagyang natampal ang sariling noo. "Tumayo ka diyan!" sigaw ni Misaki du'n sa babae na agad naman nitong ginawa. Lumapit naman siya agad sa kanila. May kinuha si Misaki sa bulsa ng pantalon nung babae. Napangisi silang dalawa ni Kiro. "Nakita ko kasi kanina sa past niya na simula noong pagkabata pa lang nila ay kina-iinggitan na niya ang kwintas ng biktima." Pagsasalita ni Misaki. "Itong kwintas na'to Ms. Sasa Olares, sa biktima ito, tama ba ako?" Madiin na wika ni Misaki rito. Nakita ko namang bahagyang namutla ang mukha nung babae. "Pinatay mo ang biktima ng dahil dito. Hindi ako makapaniwala dahil nagawa mong patayin ang sarili mong pinsan ng dahil lamang sa sarili mong ka-inggitan!" Pasigaw na Sabi ni Misaki. Napa-upo naman ang babae sa sofa at wala sa sariling napa-iyak. "At Ms. Sasa, may naaamoy akong dugo sa bulsa mo. Can you show it to us?" Mas lalong nanlaki ang mata ng suspect. Nanginginig niyang kinuha ang panyo sa bulsa. "P-Paano! Hindi!" Naguguluhan nitong wika. Nakalimutan niya sigurong itapon ang ebidensiya. Tss! "And Ms. Mary Orlane, you're the witness right?" paninigurado naman ni Kiro. Kita ko ang 'onting pagtango ng Isang babae habang umiiyak ito. "Ako nga ang witness sa pagkamatay ng best friend ko. Kakagaling ko lang nun sa cr ng may marinig akong sumisigaw sa loob ng kwartong ito. Pinili kong magtago sa gilid ng pintuan ng lumabas dito ang mga walang-hiyang salarin. At hindi rin ako makapaniwalang kaya mo siyang patayin Sasa!" Napahagulgol naman sa iyak si Mary Orlane at bahagya pa'ng napapailing. "H...hindi ko ito g...ginusto! Hindi ko ginustong patayin siya!" Humagulgol naman ito sa iyak. "At ikaw Mr. Orlando Santiago! Kasabwat ka niya sa pagpatay kay Ms. Tashie Olares dahil narinig kita kanina na sinabi mong deserve mamatay ng biktima." Sambit ko naman. Nakita ko namang nawala bigla ang ngisi sa labi ng salarin. "Huh? Pa-Paano mo narinig 'yun?" Kita kong namutla ito nang dahil sa sinabi ko. "Masama ang loob ko sa kan'ya dahil siya ang dahilan ng pagkamatay ng kaibigan ko kaya bagay lang sa kan'ya 'yon." Sigaw naman nito habang hinihila na siya nung dalawang pulis. Samantalang, 'yung babaeng salarin ay umiiyak pa rin habang nakasunod dun sa nagwawalang lalaki. "Case closed." Kiro coldly said. *** Kaka-uwi lang namin ngayon sa DHA at ang sabi ni Sir Kaito ay pumunta raw kaming Agency Room dahil ito raw ang ipinapa-utos sa kan'ya ng headmaster. "Sa tingin mo Nee-san? Anu kaya'ng sasabihin sa atin ni headmaster?" Pagtatanong naman ni Yumiko habang naglalakad na kami papunta roon. "Ewan!" Inaantok kong sabi rito at bahagya pa akong nag-kibit balikat dito. Wala naman na kaming imik pa at naglakad nalang. Pagkapasok namin sa loob ng Head Master room ay nakangiti roon si Head Master. "Congratulations! Detective Akira and Yumiko. You're now officially in the Saitama Group. Both of you used your talents very well." Nanlaki ang mata namin ni Yumiko. Oh damn! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD