Chapter 6

1065 Words
Chapter 6: A Case with Saitama Group *** "Nee-san okay ka lang?" Nagulat naman ako bigla. "H-Ha?" Parang tangang pagtatanong ko. Muling nagtama ang tingin namin Kiro sa salamin ng van na inarkila ni Sir Kaito. Ang guide ng aming group. "Oo naman! Medyo malamig lang." Mahinang sabi ko kay Yumiko. Mas lalo akong kinabahan nang makitang nakangisi si Kiro. Hindi ko alam kung binabasa niya ba ang isip ko ngayon or talagang may nakakatawa lang siyang iniisip. Bahala nga siya diyan! 'Stupid girl.' Napalingon-lingon tuloy ako sa paligid ko nang may marinig ako na boses. Huh? Saan galing 'yun? 'I'm a ghost. I need your help.' Mas lalo akong kinabahan nang marinig na naman iyon. Gags! May nantitrip ba sa akin ngayon? Napatingin ako kay Kiro, kita kong nagpipigil siya ng ngiti. Amp. Sinasabi ko na nga ba! Siya pala ang nagsasalita sa utak ko. May ganoon pala siyang ability? Pero nakakainis siya dahil ako pa ang pinagtitripan niya ngayon. Tss! 'I thought you wouldn't figure out pfft! But still, you are a stupid.' Kelan ba siya titigil na sabihan ako ng stupid na 'yan, nako ha! "Detectives, we are here." Napatikhim si Sir Kaito at dali-dali naman kaming lumabas na lahat sa van. Omg! Nandito na kami! We're gonna solve a case! Teka? Bar 'to ah? Dito talaga 'yung krimen? Ayoko pa naman sa bar, nako! Maingay! May nag-aabang na pulis sa entrance. May ini-abot naman kay Kiro na isang envelope na nag-lalaman ng pictures ng biktima. Siya kasi ang pinili ni ma'am Miho na leader namin. Well, mukha naman siyang matalino. Nang tumingin ako dito ay halos nanlamig ang buong pagkatao ko sa aking nakikita. Napaka-brutal ng nangyari sa biktima. May tama ito ng b***l sa kan'yang ulo at may hiwa pa ang kan'yang leeg na dahilan upang kumalat ang dugo niya sa kan'yang katawan. "Ihahatid na namin kayo sa bar na pinagyarihan ng crime." Wika nung isang pulis bago namin sila sinundan. Habang naglalakad kami papunta sa bar na sinasabi nung pulis ay napapaisip ako ng posibleng nangyari. Bakit naman kaya siya pinatay? Hindi ba nila alam na ang buhay ay importante sa isang tao? Pero alam kong lahat ng katanungan ko ay masasagot lamang kapag may ginawa na ako. Pagkarating namin sa loob ni'yon ay pinaghalong amoy ng sigarilyo at alak agad ang sumalubong sa amin. Hindi naman kasi ako pamilyar sa mga bar dahil kailan man ay hindi ako nagpupunta sa mga ganitong lugar. Palagi lang akong nasa bahay at nag-kukulong sa aking kwarto. Halos gawin ko ng tambayan ang kwarto ko noon. Umakyat naman kami sa taas at dumiretsyo sa VIP area ng bar may nakasalubong pa nga kaming babaeng umiiyak doon. Tinitigan ko ito. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mukha niya ngayon. "Kapatid siya ng biktima." Biglang sabi ni Misaki. Teka? Paano niya nalaman 'yun? Nang makita niya ang nagtatakang mukha namin ay agad itong nag-peace sign. "Sorry guys! Nakita ko kasi ang past niya. My ability." Mahinhin nitong sabi bago nagpakawala ng marahan na tawa. Napatango-tango kami ni Yumiko. Woah! Cool naman ng ability niya. Napabuga nalamang ako ng hangin nang makapasok kami sa loob ng VIP room ng biktima. Agad naman akong napatingin sa gilid ng may marinig akong hagulgol, may dalawa roong babae na umiiyak samantalang, 'yung dalawang lalaking naka-upo ay nakatulala sa kawalan. "Isa sa kanila ang suspect kaya dapat ay mag-ingat tayo sa pagmamasid sa apat na 'yan." bumulong naman sa amin si Misaki at bahagya pa kami nitong nginitian. Maya-maya lang ay lumapit siya kay Kiro at hinablot ang hawak nitong papel. "What th---" -Kiro. "Patingin kami!" Masiglang sabi ni Misaki at pumunta sa banda namin ni Yumiko. Tiningnan naman namin ng maigi ang papel. ________________________________ Name of victim: Tashie Olares Time of death: 9:38pm Cause of death: g*n shot Weapons: g*n and knife (haven't found yet) ________________________________ Suspects: Name: Mary Orlane Relation: best friend of the victim Alibis: pumunta ng comfort room Time: 8:56pm Witness: (none) ________________________________ Name: Sasa Olares Relation: cousin of the victim Alibis: pumuntang dancefloor Time: 9:05pm Witness: (some staffs) ________________________________ Name: Orlando Santiago Relation: friend Alibis: pumuntang likod ng bar at nagpahangin Time: 8:59pm Witness: (none) ________________________________ Name: Angelo Salazar Relation: assistant of the victim Alibis: nagpuntang comfort room Time: 9:23pm Witness: (none) ________________________________ "Any clue?" Tanong ni Kiro sa amin pagkatapos naming basahin ang laman ng papel. Umiling naman kami sa kaniya. Parang may kulang! Sa tingin ko talaga ay may kulang. Hindi na ako mapakali habang binabasa ng paulit-ulit ang hawak ni Misaki na papel. Hindi ako pwedeng magkamali dahil dalawa ang suspect dito, pero hindi ko nga lang alam kung sino sa apat ang dalawang 'yon. "Wait guys! Hindi kaya ay si Mary Orlane ang pumatay sa biktima?" Nangunot naman ang noo naming tatlo sa sinabi ni Yumiko. "How do you know?" Tanong ni Kiro rito na kasaluluyang naniningkit ang mga mata. "Balisa kasi siya, look at her." Nabaling naman ang tingin ko kay Mary Orlane. Umiiyak pa rin ito at makikita mo sa mukha niya ang pagkabalisa at takot, kasalukuyan pa itong napapapikit habang panay ang kan'yang iling. "See? Posibleng pinatay niya ang biktima kaya gan'yan ang kinikilos niya." Nang dahil sa sinabi niya ay mas lalo lamang nangunot ang aming mga noo. Hindi ko alam pero parang mas lalo lamang nagiging komplikado ang sitwasyon sa bawat pag-suggest nila na kung sino ang killer. "Uhhh! May naaamoy ako, Nee-san!" Napabaling ang tingin ko kay Yumiko nang bumulong ito sa akin. "Ano?" Takang tanong ko. "Amoy dugo." Nanlaki ang mata ko. Saan niya posibleng maamoy 'yun? Malamang ay galing sa suspect ang amoy na 'yun. Parang may kulang talaga sa information na ibinigay ng mga pulis. Nakakainis lang at hindi ko matukoy i'yon. Feeling ko tuloy wala akong kwenta rito. Nagulo ko nalamang bigla ang buhok ko saka tumingin sa apat na pinaghihinalaan na suspect. Napakunot naman ang aking mga noo nang may marinig ako dahil sa ability ko. T...Teka! "Huh! She deserves to die." Nanlaki ang mata ko. Oh sh*t! "Oh no! I can see her past." Napabaling ako kay Misaki. Nanlalaki rin ang mata nito, habang si Kiro ay seryoso lang ang itsura. "Do you think it too?" Napabaling ako kay Kiro nang nakatingin siya sa akin. Huh? Ako ba kinakausap niya? Napatango na lang ako sa kaniya. "So sila pala ang salarin dito." Matabang na sabi ni Yumiko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD