Chapter 26: The Traitor *** Kasalukuyan ko ngayong tinatanaw ang napakalawak na field. Wala na ang mga estudyanteng nagkalat dito ngayon dahil ala-sais na rin ng hapon. As usual, nandito na naman ako ngayon sa favorite spot ko na bench, wala naman kasi akong magawa sa dorm kaya naisipan ko na lang na lumabas na muna. Napatingin naman ako bigla sa 'di kalayuan na abandoned building. Lumang-luma na iyon, ano kaya ang nasa loob niyon? Hindi ko alam pero may nagtulak sa akin na pumunta raw ako duon. Kaya naman halos lakad takbo ang ginawa ko upang makarating duon. Hingal na hingal naman akong napahinto at humawak sa aking magkabilang tuhod. "Hindi ba at sinabi ko sainyo na mag-iingat na kayo sa susunod? At huwag na huwag kayong mag-lalagay ng kung anong ebidensya kapag pumatay kayo?"

