Chapter 34: Mother *** "The war has already started, princess... At hinding-hindi kami aalis dito hangga't nabubuhay kayo, ang sinimulan naming g**o ay tatapusin namin, 'yan ang tandaan mo." Paulit-ulit pumapasok sa isipan ko ang mga salitang 'yun. Hindi naman agad ako nakagalaw nang dahil sa ibinulong niya sa akin. War! The war has already started... War! War! Unti-unti ring nag-sink in ang lahat ng sinabi niya sa akin nang maalala ko ang panaginip ko kanina. Gumuguho ang bahay namin kanina, makalat, parang binagyo o 'di kaya'y dinarayo ng isang digmaan. Kaya ba iyon ang napaginipan ko kanina? Iyon ba ang sign na magkakaroon ng isang war? At kaya rin ba nila kami pinag-tatraning ay dahil alam nila na may papalapit na digmaan? Wala kaming ka alam-alam dito. "Naiintindihan mo na

