CHAPTER 5

788 Words
Lauren Point of View Nang matapos ang class namin ay dumeretso na ko sa canteen dahil nagtext sa'kin kanina si Iris na kanina pa sya andun sa canteen. Kawawang Iris.? Habang naglalakad ako sa hallway, hinarang ako ng isang lalaki, sa tingin ko ay grade 9 pa lang ito. "Hi ate." Nahihiya nitong bati. Ngumiti naman ako dito. "Anong kailangan mo?" "I-idol po kasi kita, p-pwede po ba m-magpa-autograph." Sabi nito habang inaabot sakin ang picture ko na hawak nya at marker. Napangiti naman ako, marami talagang humahanga sa'kin. Tinanggap ko yun at pinirmahan, matapos kong pirmahan ay binalik ko na sa kanya. "Salamat po ate Lauren." Sabi nito at kumaripas na ng takbo. Hay! Nakakatuwa naman sya. Nagsimula na ulit ako maglakad patungo sa canteen. Nang makarating ako dun ay sari't-saring puri ang natanggap ko, hinanap agad ng mata ko si Iris. Nakita ko syang lumalamon sa dulo. Pumunta muna ako sa counter at umorder ng pagkain. Matapos kong umorder, pinuntahan ko na si Iris. "Hi besh." Umupo ako sa harap nya. Tinaasan ako nang kilay nito. "Bat ngayon ka lang?" "Marami kaming ginawa." "Nga pala besh ilang years ba ang business management?" "5 years ata." Sabi ko. "Edi ibig-sabihin hindi pa ga-graduate ang ate mo?" Tanong nya. "Hindi pa, may one year pa sya." Sagot ko habang nilalantakan yung binili ko. Tumango lang ito at nilantakan na ulit yung pagkain na binili nya. Kai Point of View Nandito ako ngayon sa pagmamay-ari kong bar, kasama si Ginger. Yung bestfriend with benefits ko. "Ano bang problema mo?" Tanong nya habang hawak yung baso na may laman na alak. "Wala, pero si Mr. Willson malaki." Sabi ko. "Huh? Diba yun yung buddy ng papa mo?" Tanong nito. Tumango ako. "Humihingi sya ng tulong sakin." "Pinagbigyan moba?" Tanong nito. "Oo, pero may kondisyon." Saad ko. "Anong kondisyon?" Tanong nito. Kinwento ko naman sa kanya lahat ng napag-usapan namin ni Mr. Willson. "Whooo!! Ikakasal kana pala." "Tsk!" "Nameet muna yung girl?" "Nope." "Sa bagay tumatanda kana rin kaya dapat mag-asawa kana." "Alam mo naman na isang babae lang ang gusto kong pakasalan." "Kai matagal na syang wala." "I know, pero sya parin ang mahal ko." "Ewan ko sayo! Try mo kayang buksan yang puso mo sa iba." "Hindi ko kaya." "Bahala ka." Tumayo ito. "Cge aalis na ko, may meeting pa ko eh." Hinalikan muna ko nito sa lips bago nilisan itong bar ko. Napabuntong hininga nalang ako. Tumayo ako at nagtungo sa ROOM ko, may sarili kasi akong kwarto rito. Pagpasok ko ay dumeretso ako sa veranda, tanaw na tanaw mo rito ang mga dumadaan na sasakayan. Ang bar ko ay may limang palapag at yung huling buong palapag ay kwarto ko. "Sabrina." Mahinang bulong ko sa hangin. Si Sabrina ang first love ko, halos 5 years din kaming magka-relasyon, nakilala ko sya nung unang pasukan, pareho kaming 1st year collage nun. Nabangga ko sya at sinungitan nya ko, tas ang masama magkaklase pa kami at magkatabi, ewan koba! Pero biglang pumasok sa utak ko na kulitin sya kaya kinulit ko sya, hanggang sa naging mag-bestfriend kami at pinakilala ko sya kay Ginger, hanggang sa lumalim na yung pagtingin ko sa kanya at wala akong kamalay-malay na lumalalim na rin pala ang pagtingin nya sakin. Hanggang sa umamin ako at ganun din sya sakin, nung umamin sya ay sobrang saya ko nun, niligawan ko sya at almost 1 year din akong nanligaw sa kanya. Naging masaya naman ang relasyon namin kaso hindi mawawala ang tampuhan at selosan pero naayos din naman agad. Mula nung naging kami ay pinakilala nya agad ako sa magulang nya at tinaggap naman ako ng buong puso ng magulang nya, pinakilala ko rin sya kila Mom at Dad at tinanggap din nila ang relasyon naman ni Sabrina. Hanggang sa nangyari nakagraduate na kami at nagkaron ng unting salo-salo, nauna akong umuwi sa kanya dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Pero wala akong alam na ayun na pala ang huli naming pagkikita. Nagising ako dahil sa isang tawag at binalita sa'kin ng kapatid ko na nabangga ng truck ang sinasakyan ng kotse nila Sabrina. Halos hindi ako makagalaw nun dahil sa binalita sakin ng kapatid ko, mabilis akong pumunta sa hospital na pinagdalan nila kay Sabrina at sa mga magulang nito pero halos magunaw ang mundo ko nang ibalita sakin ni Gail na dead arival daw si Sabrina, habang ang mga magulang nito ay nasa ER pa daw. Mula nun lumungkot ang buhay ko, ang dating Kaila na masayahin, palabiro, mapang-asar ay naging seryoso. Pinangako ko pa nga kay Sabrina nun na hindi na ko magmamahal ng iba kaya mula nun wala na kong naging girlfriend, puro trabaho nalang ako. THANK YOU FOR READ MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD