CHAPTER 6

629 Words
Lauren Point of View Mabilis natapos ang class ko kaya uwian na namin ngayon. "Besh una na ko, ingat ka." Paalam ni Iris at sumakay na sa kotse nya. Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada, naghihintay ng taxi. Maya't-maya may humintong pulang kotse sa harap ko. Bigla naman akong kinabahan, binaba nito ang bintana. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko kung sino ito. "Mahirap mag-antay ng taxi rito Lauren, sabay kana sakin." Aya nito habang nakangiti. "Wag na tsaka magkaiba tayo ng way." Tanggi ko. "Nope, actually may pupuntahan akong kaibigan ko, malapit dun sa inyo kaya sabay kana." Sabi nya. "Wag na, siguro maya-maya darating na din yung taxi." Sabi ko habang nakangiti. "Gabi na baka mapano ka, sumakay kana." Binuksan nya yung passenger seat. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kakulitan nya, sumakay na ko at sinara yung pinto. Buong byahe namin ni Marck ay walang nagtangka magsalita, halos kalahating oras din hindi bumuka ang bibig ko. "Salamat sa paghatid." Saad ko at bumaba na ng kotse nya. "Bye." Sabi nya at pinaharurot na yung kotse nya paalis. Nakangiti akong pumasok sa bahay, nang makita ko sila Mom, ate Bianca at Papa ay biglang napawi yung ngiti ko. Naalala ko na naman yung problema. "Goodevening po." Magalang kong bati. Tumingin sila sa'kin. "Anak pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Papa sa'kin. "Kung tungkol po iyan sa company nyo, pumapayag napo ako, tutal para rin naman sa amin 'toh." Diretsa kong sagot. Kumislap sa mata nila ang tuwa. "Talaga anak?! Thank you." Sabi ni Dad at lumapit para yakapin ako. Lumapit din si ate Bianca at Mom at niyakap rin ako. Ganun ba kahalaga ang hinihingi nila sakin para ganito sila maging kasaya?? Humiwalay na ko sa yakap nila. "Akyat po muna ako." Tumango lang sila habang nakangiti, umakyat na ko at pagkarating ko palang sa loob ng kwarto ko ay binagsak ko na agad ang katawan ko sa kama. Kai Point of View Habang nag-aayos ako ng gamit ko, biglang nagvibrate yung cellphone ko, senyales na may nagtext. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext. Si Ginger lang pala. "Kai meet tayo, coffee shop at 8:00PM." Text ni Ginger. Tumingin ako sa wrist watch ko. Hmm . . . 7:30PM na. "On the way." Reply ko. Pinagpatuloy ko na yung pag-ayos ng gamit ko. Maya't-maya natapos na din ako kaya lumabas na ko ng office at tinungo ang parking lot. Nang makita ko ang kotse ko, sumakay na ko at pinaandar iyon sa coffee shop na lagi namin pinupuntahan ni Ginger. After minutes of driving nakarating na din ako at pagpasok ko palang ay nakita ko na agad si Ginger sa dulo, lumapit naman ako dito habang nakangiti. "Hey." Umupo ako sa harap nito. "Kamusta ang unibersidad?" Tanong nito. "Maayos naman." Sagot ko. "Bat nga pala pinapapunta mo ko dito?" "Uhmm . ." Nilagay nito ang isang kamay sa baba. "Gusto ko sanang itigil natin kung anong meron satin dalawa." Huh? "What do you mean?" "I mean itigil na natin yung bestfriend with benefits natin." Mahina nitong sabi. "Why?" Naguguluhan kong tanong. "Wala lang, beside ikakasal kana." Sagot nito. "Anong connect nun?" Kunot noong tanong ko. "Sira!" Binatukan ako nito. "Ikakasal kana kaya dapat sa kanya ka lang magfocus." "Tsk! Sa papel lang naman kami ikakasal." Saad ko. "Kahit na." Sabi nito. "Ingatan mo ang asawa mo ah, tsaka don't worry mag-bestfriend parin naman tayo." "Tsk! Mamimiss kita." Saad ko. "Ahahahah! Na-fall kana sakin noh?!" Nang-aasar nitong tanong. "Tsk! Baka ikaw." Natatawa kong saad. "Ahahahah, cge aalis na ko." Tumayo na ito. "Mag-iingat ka pauwi, text muna lang ako kapag may kailangan ka." Lumabas naman ito, habang ako ay sinusundan ng tingin si Ginger. THANK YOU FOR READ MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD