ERINA’S POV HINDI ko alam kung paano ako pumaloob sa mga bisig nitong hatid ay init na unti-unting bumubuhay ng mga ugat ko sa katawan. Kapwa kami nakasuot ng mask pero dinig na dinig ko ang bawat pagtaas at pagbaba ng paghinga nito kasabay ng dagundong ng dibdib nitong tila bombang nais sumabog. Hindi ko rin magawang magsalita dahil tuluyan na akong napipi sa mga oras na iyon. Ganoon din si Jake na ilang beses pa akong hinagkan sa buhok. “Lumayo ka nga sa akin,” ani ko sabay tulak kay Jake matapos ang ilang minutong pagkakayakap nito sa akin. “Hindi mo ba alam na bawal itong ginagawa mo? Mahahawa ka sa akin!” “I don’t care. Kahit magka-virus pa ako dahil ang mahalaga ngayon ay ikaw. Sobrang na-miss kita, Erina. Nang malaman kong sinagot mo na si Kyle ay halos magpakamatay ako. Parang

