ERINA’S POV ANG sarap ng naging tulog ko. Pakiramdam ko tuluyan ng nawala ang lahat ng kaba at takot na nasa dibdib ko. Tila nabunutan ako ng isang malaking tinik na matagal ko nang dala sa halos walong taon na nakalipas. Ang naging kapalit niyon ay kapayapaan sa aking puso. Bahagya kong idinilat ang mga mata ko. Naroon pa rin ako sa silid na iyon kung saan ipinaglalaban ko ang aking buhay. Bagama’t wala na akong gaanong maramdaman na hindi maganda ay hindi pa rin sigurado kung kayang puksain ng katawan ko o ng immune system ng katawan ko ang virus na pumatay na sa napakaraming tao. Pero bakit buhay na buhay ang pag-asa sa akin? Dahil ba kay Jake na siyang tumayong doktor at guardian ko sa hospital? O dahil sa ipinagtapat nitong ako lang ang minahal nito mula noon hanggang ngayon? Kahit

