ERINA’S POV BIGLA akong nakaramdam ng pangangapos ng paghinga. Hindi ko alam kung bakit pero sinabayan pa iyon ng pagdagsa ng kaba sa aking dibdib. Wala akong kasama sa silid dahil umalis na si Nurse Joy at hindi pa bumabalik si Jake mula nang magtungo ito sa opisina. Marahil ay inasikaso muna ang iba nitong trabaho at mga pasyente. Minabuti kong tingnan ang mga medical equipment na nasa bandang itaas ng ulo. Tumataas ang bilang ng pintig ng puso ko marahil dahil sa kaba. I need to calm down, at least habang wala pa si Jake o kahit na sinong medical staff. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. I need to think something else upang maikalma ang sarili ko. I need to help myself, kung gusto ko pang dugtungan ang buhay ko. Hindi pala ganoon kadali makawala sa virus. Kung may natutunan man ak

