ERINA’S POV NASA ESCALATOR AKO. Excited na makitang muli si Jake. Tuluyan ko ng iwinaglit pa ang ibang bagay dahil na rin gusto ko na talaga itong makita. Tumayo ako sa gilid ng isang food stall at mabilis na hinanap ang bulto ni Jake. Napangiti ako nang makita itong aligaga na kung saan-saan ito tumitingin. Inaabangan nito ang pagdating ko. Ito pa rin ang dating si Jake na naging nobyo ko na nobyo ko na ulit. Hindi ko alam kung maituturing kong isang himala ang pagiging masigla simula nang magkaroon kami ulit ng komunikasyon ni Jake. Si Jake na magiging isang doktor pagdating ng panahon. At kapag naging successful ako sa business ay mas pipiliin kong kumuha ng mga taong magma-manage niyon upang maalagaan ko ng maayos ang magiging pamilya namin. Hindi ko naman inirereklamo ang pagiging

