ERINA’S POV HINDI ako makatulog. Pakiramdam ko kasi dahil nasa paligid lang si Dok Sebastian ay naroon ang pagnanais na mapagmasdan ito. Kung hindi lang nakakahiya ay kanina na pa ako bumangon at lapitan ito. Pero bakit ko naman gagawin iyon? Wala na akong marinig kahit mahinang kaluskos sa buong silid. Marahil nakatulog na si Dok Sebastian. Walang ingay na kinuha ko ang mask sa tabi ko saka maingat na sinuot. Bumaling ako sa direksyon nito na payapang nakapikit ang mga mata. Nakaupo pa rin ito sa upuan na nasa gilid ng kamang hinihigaan ko. Bakit pakiramdam ko, may kamukha talaga ang doktor na ito? Mula sa mala-F4 na buhok nito patungo sa makakapal na kilay at ang mga matang may mahahabang pilikmata nito hanggang sa bagama’t natatakpan ay matangos na ilong at marahil ay magandang labi

