ERINA’S POV I AM still positive in covid virus. Kaya pala nanghihina pa rin ang buo kong katawan ko. Asymptomatic na daw ang case ko? Paano nangyari iyon? Mataas daw ang lagnat ko ng unang dalhin ako sa hospital na ito at lumabas ang mga pantal-pantal na parang allergy sa mga balat ko. Iyon ang sabi sa akin ni Dok Sebastian at Nurse Joy at saka ‘yung babaeng doktor na una kong nakausap. Habang tinitingnan ko ang mga kilos ni Dok Sebastian ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi biro ang virus na nasa katawan ko dahil maaaring mahawa ito. Bakit pa nandito ito sa silid ko? Hindi pa rin nito tinatanggal ang suot na personal preotective equipment. Matutulog ba ito ng ganoon? “Dok, may tanong sana ako.” Mabilis akong nilingon nito. “Ano iyon?” “Kasi ang sabi mo kanina ay hindi visible ang sy

