ERINA’S POV ILANG tests ang ginawa sa akin ng mga nurse at doktor na sabay-sabay na pumasok sa silid ko. Wala si Nurse Joy at si Dok Sebastian na madalas na tumitingin sa akin. Hindi ko rin mabilang kung ilang araw na akong nasa loob ng silid na iyon. Hinihintay ko na lang na lumipas ang gabi upang gumising sa isang bagong umaga. “How are you feeling, Miss Erina?” tanong ng isang doktor na babae. “I’m good.” “You will know the result later hmn? Nurse Joy or Doc Sebastian will discuss it to you.” “Thank you Doc,” ani ko. “We are just doing our job, Miss Erina. Besides, Doc Sebastian is your guardian kaya malaking bagay sa amin na ibigay ang serbisyo namin sa iyo.” “Po?” nalilito kong tanong. Gusto kong masiguro kung ano ang huli nitong sinabi. “We’ll go ahead, Miss Erina. Just wait

